ZIAAfter nang gabing 'yon ay hindi na kami nagkita or nag-usap ni Jasper. Hanggang sa inabot kami ng second anniversary, gabi iyon at doon lang siya nagpakita sa akin na lasing na lasing pa.
May kasama na naman siyang babae na siyang nakaalalay sa kaniya habang naroon sila sa tapat ng pinto.
"Oh?" gulat na anas ni Jasper nang makita ako, "You're still here? Bakit hindi ka pa sumama kay Andrade?"
Hindi ko siya kinibo kaya hinila niya na ang babae papasok sa bahay. Malayo pa sila sa sofa ay halos hubaran niya na ang babae.
"You know what, Zia? You should go!" anas niya habang humihimas ang mga kamay sa katawan ng babaeng kaharap, "Hindi pa ba sapat ang two years para sa 'yo? Kulang pa ba? Hindi ka ba nagsasawa? Kasi ako, Zia, sawang-sawa na kasal na 'to!"
Kahit masakit, hindi ako nagpatinag sa mga sinasabi niya. Nakuha ko pa ngang ngumiti nang pilit, "Hindi ako magsasawa, Jasper, kasi mahal kita kahit ganyan ka."
"But I don't want you here," tugon niya pa, "Just go with Andrade."
Imbes na pumunta kay Razen ay tinawagan ko si Razen para pumunta rito.
"Hello, Zen?" bungad ki nang sagutin niya ang tawag habang ang mga mata ko ay nakatuon kay Jasper, "Punta ka rito, mukhang gusto ni Jasper ng double date sa bahay."
"Alright, wait for me," ani Razen kaya pinatay ko na ang tawag.
Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pag-iiba ng aura ni Jasper nang marinig ang sinabi ko.
Ilang sandali pa ay may nag-doorbell na kaya agad akong lumabas at nakita si Razen na nakasandal sa kotse niya.
"Hey," malambing ang pagkakangiting anas niya nang makita ako, "What are you up to this time? Bakit bigla mo akong pinapunta rito?"
"Nasa loob si Jasper kasama ang babae niya. He told me to go with you, but instead of going with you, why don't you go with me inside?"
Ang malambing na ngiti sa mga labi niya ay nauwi sa pagngisi at sumama sa akin sa loob.
"Jasper," tawag ko na ikinahinto niya at ang mga mata niya ay dumiretso sa likod ko kung saan nakatayo si Razen, "Sa kwarto lang kami." Saka ko hinila si Razen paakyat sa kwarto.
Habang paakyat kami ay lumapit si Razen saka bumulong, "What are you planning to do, Pat? Is this some kind of a show?"
Pagdating sa kuwarto ay sinadya kong i-lock ang pinto kung sakaling maisipan ni Jasper na sumunod.
"So what are we going to do, Pat?" ani Razen nang maupo sa gilid ng kama, "Tutunganga tayo rito?"
Tinaasan ko siya ng isang kilay, "Why? Expecting something?"
Natawa naman siya bago umiling, "No. Halika nga rito." Saka niya tinapik ang bakanteng space sa tabi.
Naupo naman ako sa tabi niya at kinuha niya naman ang isang kamay ko saka nilaro-laro ang mga daliri ko.
"Ano bang nangyayari sa inyo ng asawa mo?" tanong niya habang tuloy pa rin sa paglalaro sa mga daliri ko, "Bakit kayo humantong sa ganito?"
Nagkibit balikat naman ako, "He's not into marriage and got mad when he found out that his dad set him up into a fixed marriage."
"Ang arte naman ng asawa mo," komento niya na ikinatawa ko.
Sandaling katahimikan hanggang sa mahiga siya sa kama. Hinila niya ako kaya bumagsak ako sa tabi niya saka niya ako niyakap, napasubsob tuloy ako sa dibdib niya.
"I'm sleepy," bulong niya at ilang sandali pa ay naging malalim na ang paghinga niya.
Tiningala ko ang natutulog na si Razen at nakitang bahagyang nakaawang ang mga labi niya.
BINABASA MO ANG
WOMANIZER'S ANOTHER CHANCE
RomanceWOMANIZER'S ANOTHER CHANCE Loving the same person who used to hurt you is like risking what's left with you. Would you dare to risk and love that person again? Simpleng dalaga, iyan si Patrizia Caryl Fernandez. Laki man sa buhay na angat sa iba, pin...