CHAPTER 11

10 1 0
                                    


ZIA

Mula nang nagpunta ako sa bahay ni Kiera ay napaisip ako. Nang araw din na iyon ay naisipan ko ng kausapin ang abogadong kilala nila Mommy.

Nagpunta ako sa opisina niya upang kausapin siya tungkol sa annulment.

"Attorney?" tawag ko sabay katok sa pinto ng opisina niya, "Attorney, this is Patrizia Caryl Fernandez. Can I talk to you?"

Nang marinig ang pangalan ko ay saka lang may sumagot mula sa loob, "Come in, Mrs. Montereal!"

Pinihit ko ang doorknob saka marahang tinulak pabukas ang pinto. Nakita ko ang abogado na abala sa hawak na files na binabasa niya.

"What brings you here, Mrs. Montereal?" tanong niya nang tingalain ako, "Take a seat and let's talk."

"It's about me and Jasper," panimula ko, "Sa tatlong taon namin bilang mag-asawa, hindi siya nagseryoso at gabi-gabing nag-uuwi ng babae sa bahay."

"So? What do you want to do?" tanong ni Attorney Gonzales.

"I'm tired of this marriage, Attorney. I want to file an annulment," diretsong saad ko at nakita kong natigilan ang kaharap kong abogado.

"Are you sure about this?" may pag-aalangang tanong niya, "Hija, why don't you talk to him at subukan niyong ayusin muna?"

"Attorney, kung alam kong maaayos pa, hindi naman po ako pupunta rito sa opisina niyo, eh," katuwiran ko, "Pero sa nakikita ko po, wala ng pag-asa dahil wala na po kaming aayusin pa."

"Pag-isipan mo muna, Hija," ani Attorney kaya bagsak ang balikat kong lumabas ng opisina niya.

Gano'n ang naging routine ko every other day, ang magpabalik-balik kay Attorney tungkol sa annulment namin ni Jasper hanggang sa sumuko na siya at ibigay ang hinihiling kong annulment paper. Nang ibigay ni Attorney 'yon ay siya ring araw ng third anniversary namin ni Jasper.

Dala ang annulment ay agad akong nagpunta sa bahay ni Jasper sa Manila dahil maliban sa bahay sa Laguna ay wala naman siyang ibang uuwian kung 'di ang bahay niya sa Manila.

Nang makarating ay hinarang ako ng guard na naroon, "Sino po sila?"

"Zia Montereal," pakilala ko, "Asawa ako ng boss mo na may-ari nang bahay na 'yan." Turo ko sa bahay na binabantayan niya.

"Si Jasper Montereal ang boss mo, 'di ba?" tanong ko pa at tumango naman siya, "Well, As I told you, I am his wife."

Agad naman siyang umatras upang padaanin ako. Dire-diretso ako pero nang pihitin ko ang doorknob ng main door ay naka-lock kaya bumaling ako sa guard.

"Ang susi?"

Lumapit naman siya at inabot sa akin ang susi ng main door kaya agad ko iyong binuksan saka ibinalik sa guard ang susi, "Huwag mong sasabihin kay Jasper na narito ako. Gusto ko siyang surpresahin dahil anniversary namin ngayon."

Tumango naman ang guard bilang tugon at bumalik na sa pwesto niya na parang walang nangyari.

Nag-ikot-ikot ako sa bahay niya dahil iyon ang unang pagkakataon na makikita ko ang loob niyon. Pero nang sapat na ang makita ay bumalik ako sa sala at naupo sa sofa habang naghihintay.

Your surprise is waiting for you, Jasper. A very nice anniversary surprise — your freedom.

JASPER

Nagpakasaya ako sa buhay ko mula nang araw na umalis si Zia. Ngunit hindi pa rin maiaalis ang trabaho, lalo na ang misyon ko sa organisasyon. Kagaya ngayon na ipinatawag na naman ako ni Gomez at naroon na naman si West.

"Why did you let your wife go out all alone?!" asik niya nang makita ako, "Hindi ka ba nag-iisip? Mas mababantayan ang mga galaw nila kung nasa iisang bubong kayo ng asawa mo! Look, I was trying to help you get rid of them pero kung ikaw mismo ang magpapabaya ay magsarili ka na lang!"

WOMANIZER'S ANOTHER CHANCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon