CHAPTER 16

8 1 0
                                    


ZIA

Nagising ako na may mabigat na nakapatong sa akin. Nang tingnan ko ay nakita kong si Jasper 'yon na nakadapa habang nakaunan sa dibdib ko.

Mahimbing ang tulog niya habang nakayakap siya sa akin. Hinaplos ko ang buhok niya habang nakatitig sa maamong mukha niya.

Mukhang anghel kapag tulog, pero malanding demonyito kapag gising.

Nilalaro ng mga daliri ko ang buhok niya habang ang isang kamay ko ay humaplos sa pisngi niya.

Parang ang sarap-sarap ng pagkakapwesto niya dahil hindi man lang nagigising.

"Matunaw ako, Zia."

Natigil ang kamay kong nakahawak sa pisngi niya, maging ang mga daliri kong nilalaro ang buhok niya.

"Mas gwapo na ba ako ngayon sa paningin mo?" Saka siya tumingala sa akin habang ang mga labi niya ay nakangiti, "Ako na lang ba ang gwapo ngayon sa paningin mo?"

Naisipan ko naman siyang asarin dahil mukhang maganda ang mood niya ngayon, "Paanong ikaw na lang, eh magkamukha kayo ni VJ. Edi ibig sabihin niyon, hindi ka nag-iisang gwapo sa paningin ko."

Agad na nawala ang ngiti sa mga labi niya at ngayo'y nakasimangot na sumubsob sa hubad na dibdib ko.

"Jasper!" saway ko nang maramdaman ang mapanuksong mga labi niya na naglilikot na naman sa dibdib ko.

Nang umahon siya mula sa pagkakasubsob ay nakangisi na ulit siya, "Morning exercise."

At huli na para awatin ko siya dahil hinalikan niya na ako. Hindi siya tumigil hanggang sa nadala niya na ako sa ginagawa niya. Nagpatangay ako sa init na ibinibigay niya sa akin at naulit nga ang nangyari kagabi.

"Jasp— ohh!" Halos mapaliyad ako sa ginagawa niya sa katawan ko. Nakakahibang at nakakabaliw ang hatid niyon sa akin.

Paminsan-minsan ay napapasabunot na ako sa buhok niya o 'di kaya ay nakakalmot ko na ang likod niya habang ginagawa niya ang bagay na iyon.

"I'll make you pregnant before going home."

ILANG ARAW ANG NAKALIPAS

"Ready?" tanong ni Jasper habang nasa airport kami. Ngayon ang flight namin pauwi sa Pilipinas.

Tumango naman ako kaya hinawakan niya na ako sa kamay at sabay kaming naglakad nang tawagin na ang flight namin.

Sa nakalipas na araw ay wala akong kinausap na kahit sino kina Kiara, Razen, Kiera at VJ. Gusto kong surpresa ang pag-uwi namin ni Jasper.

Nang makasakay kami sa eroplano ay hindi na ako binitawan ni Jasper. Sinulit namin ang mga lumipas na araw at mukhang sulit na sulit din ni Jasper pati ang mga nagdaang gabi.

Napatingin ako kay Jasper nang halik-halikan niya ang likod ng palad ko na hawak niya.

"One of these days, you'll have a ring on this finger." Hinahaplos niya ang palasingsingan ko, "That means no one can take you away from me. Akin ka na, legally."

Sumandal ako sa balikat niya at natulog lang sa byahe dahil bago kami umalis papuntang airport ay umisa pa si Jasper sa kama at sa banyo.

Nagising na lang ako sa mahinang pagtapik sa pisngi ko at nakita ang nakangiting si Jasper.

"We're here," bulong niya nang makitang nagmulat na ako ng mga mata.

Nakaalalay siya sa akin habang palabas kami ng eroplano hanggang sa makalabas na kami sa airport.

May kumaway na unipormadong lalaki nang makita kami kaya hinila ako ni Jasper palapit doon. Dumiretso kami sa parking kung saan nakaabang ang isang sasakyan.

WOMANIZER'S ANOTHER CHANCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon