CHAPTER 7

8 1 0
                                    


ZIA

Pawisan ako matapos ang laro pero hindi alintana 'yon upang patuloy akong maglakad. Bigla kasing nawala si Jasper at Razen kanina at hindi alam ni VJ kung saan nagpunta 'yong dalawa.

Saan kaya sumuot ang dalawang 'yon? Akala ko pa naman ay susuportahan nila ako sa paglalaro.

Ilang minuto pa ay nakita ko na si Razen na may kausap sa phone. Nang makita niya ako ay agad niyang ibinaba ang hawak na phone at ngumiti sa akin.

Gwapo talaga ng isang 'to. Kung hindi lang siguro ako tinamaan kay Jasper ay baka si Razen ang asawa ko ngayon.

Kung titingnan kasi ay papasang perfect husband si Razen kaya sigurado akong swerte ang magiging asawa niya.

"Pat, what are you doing here? Looking for me?" tanong niya nang makalapit sa akin, "Or looking for your husband?"

"Pareho," sagot ko kaya napapailing na natawa siya.

"You can't choose two," anas niya, "Hindi ka pwedeng mamangka sa dalawang ilog."

Alam ko naman ang ipinaparating niya pero hindi ba pwedeng hanapin ko siya kasi kaibigan ko siya?

"Alam ko namang hinahanap mo ang asawa mo, sadyang ako lang ang nauna mong nakita," makahulugang saad niya, "But even if I came to the picture first, it will never be complete without him."

Nakagat ko ang pang-ibabang labi dahil hindi ko alam ang isasagot sa kaniya. He was right, I met him first, but Jasper completed the picture. He confessed to me first, but I got married to Jasper.

"Naiintindihan ko naman, Pat. Hindi natuturuan ang pusong pumili ng taong mamahalin," ani niya pa at maliit na ngumiti, "But if you can, please, instead of him… please, Pat, teach your heart to love me."

"Razen." Iyan lang ang tanging nasabi ko dahil ang bigat sa pakiramdam ng mga salitang binibitawan ni Razen.

Kahit hindi niya sabihin, alam kong nasasaktan ko siya, sadya man o hindi. Pero anong magagawa ko kung si Jasper pa rin?

Nakatitig siya sa akin habang naroon pa rin ang maliit na ngiti sa mga labi niya, "You don't have to say something. I just want you to know that… I love you, Pat. Noon pa."

Hindi ko na kayang salubungin ang mga tingin ni Razen kaya napayuko na ako. Kahit nang yakapin niya ako ay hindi ko pa rin itinataas ang mukha ko.

"Just remember that I'm here. Sa oras na bitawan ka niya, Pat, nandito ako para saluhin ka," bulong niya habang yakap ako kaya hindi ko na napigilan na yakapin siya pabalik at idikit ang ulo ko sa dibdib niya.

Ngunit saktong pagdikit ng ulo ko ay naaninag ko si Jasper na halos gumawa na ng milagro kasama ang isang babae.

Nakalingkis sa leeg niya ang babae habang ang mga kamay niya ay kung saan-saan humahawak sa katawan ng babae. Naghahalikan sila na parang wala sila sa public place.

Nag-umpisa ng mamuo ang luha sa mga mata ko habang pinapanood ang asawa ko. Kaya pala bigla siyang nawala, kikitain niya pala ang isa sa mga babae niya.

Sunod-sunod na tumulo ang mga luha ko hanggang sa kumawala na rin ang mahihinang paghikbi mula sa mga labi ko.

Hindi iyon nakaligtas sa pandinig ni Razen kaya agad siyang lumayo at hinawakan ang magkabilang pisngi ko.

Agad na bumakas sa mga mata niya ang pag-aalala, "Pat, why are you crying?"

Hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa direksyon ni Jasper at sapat na iyong sagot dahil agad ding sumunod ang tingin niya sa tinitingnan ko at nakita ang dahilan ng pag-iyak ko.

WOMANIZER'S ANOTHER CHANCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon