CHAPTER 20

9 1 0
                                    


ZIA

Isang sampal ang pinatama ko sa pisngi ni Jasper.

"Nagulat ba kita?" tanong ko nang makita ang nanlalaki niyang mga mata.

Nang mapatingin siya sa paligid ay bumakas sa mga mata niya ang pagtataka na tila naguguluhan. Napatingin siya sa babaeng nasa kandungan niya at dali-daling tinulak ito saka tumayo.

Nagmamadali siyang lumapit sa akin habang nasa mukha niya ang kaba at pagkalito.

"Zia, let me explain." Agad na humawak sa mga kamay ko si Jasper pero iwinaksi ko 'yon, "Hindi ko alam bakit nandito ako sa bar, wala akong maalala na pumunta ako rito."

Tinitigan ko siya para makita kung totoo ba o hindi ang sinasabi niya.

"What was the last thing you remember?" tanong ni Storm na biglang tumayo sa tabi ko. Ang mga mata nito ay malikot at inoobserbahan si Jasper.

"Makikipagkita ako sa caller," panimula ni Jasper at halata rito na pilit nitong inaalala ang nangyari, "Pagdating ko ay biglang may itinurok sa akin."

"How long have you been here?" dagdag na tanong pa ni Storm na ikinabiling ng ulo ni Jasper.

"I don't know. Ang naaalala ko lang ay mainit ang pakiramdam ko and I can't resist the urge of wanting to have sex."

"Any place you've been before you came here?"

Umiling si Jasper, "The caller's hideout, iyon lang ang lugar na naaalala kong pinuntahan ko mula nang umalis ako."

Mabilis na hinila ni Storm si Jasper, "This isn't a bar! Labas! This is a trap!" madiing anas nito habang hila-hila si Jasper ngunit bago pa kami makalabas ay naharang na kami.

Armado na ang mga taong nakapaligid sa amin at may isang lalaking nakatayo sa second floor.

"You're a smart ass, Anderson." Tatango-tango pa ito. "How did you know?"

"Pvtangina! Ikaw?!" sigaw ni East nang makita ang lalaki sa second floor, "At talagang buhay ka pang g*go ka!"

"Why, Cerverano? Who told you that I'm dead? Marami nang fake news ngayon if you don't know." Saka ito humalakhak at bumaling kay Storm, "So how did you know, Anderson?"

Nagtaka naman ako dahil bakit kilala ni East ang lalaking iyon at tila galit na galit siya?

"Memory lapses." Madilim ang aura ni Storm ng sabihin iyon, "Memory lapses doesn't mean he can't remember anything. Wala siyang ibang binanggit na lugar kahit pa side effect lang iyon. You asked him to come here and injected something then turned on his phone to trap us here."

"G*go! Tuso ka pa ring an*mal ka!" Nagwawala na si East kung hindi lang ito inaawat ng mga kakambal dahil sa mga armadong tao na nakapaligid sa amin.

Natawa naman ang lalaki saka pumalakpak, "Bravo! Matalino ka r- oh! You're not! Because you experience something related to what happened to Montereal."

"This isn't a bar, is it?" nanghahamong tanong pa ni Storm, "This is your place, your hideout and all these people here... mga tauhan mo."

"You have a brain!" manghang anas ng lalaki at kababakasan ng tuwa ang mukha nito.

"Malamang, may utak siya! Saan ka nakakita ng taong wala? Or you don't have one?" Nanggigigil si East nang sabihin iyon, "Oh! Maybe you have one inside your balls!"

"East, enough," awat ni North kahit bakas sa mukha nito ang galit.

"What you injected to Montereal is a sex drug that is usually used in a bar or parties, right?" Humakbang pa paabante si Storm, "Maliban sa i-trap kami rito, bakit mo tinurukan ng party drug si Dos? You want them to be separated?"

WOMANIZER'S ANOTHER CHANCETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon