ZIALUMIPAS ANG UNANG TAON.
Sa isang taon namin bilang mag-asawa, masasabi kong nakaya ko. Nakaya ko kahit hindi ko na kilala ang sarili ko. Gano'n siguro talaga 'pag mahal mo, handa ka talagang magpakatanga.
"It's been a year, anong plano mo?"
Napalingon ako kay Jasper na biglang nagtanong. Is he asking me about my plans on our anniversary?
"Kailan mo balak umalis?" dugtong niya sa sinabi, "Hindi naman kita kailangan dito, at never kitang kakailanganin. So when do you plan to leave?"
Ouch! Nag-assume lang pala ako sa wala.
Pilit akong ngumiti habang nakatingin sa kaniya, "I don't have any plans. Ayokong umalis dahil kahit anong gawin mo ay kasal tayo."
"Married?" Saka siya tumawa na parang biro ang sinabi ko, "We're married in papers. Papel lang ang nagsasabing mag-asawa tayo."
It freaking hurts. Bago pa mamuo ang luha sa mga mata ko ay tinalikuran ko na siya. What a nice anniversary gift from my husband.
Ngunit bago pa ako makalayo ay biglang tumunog ang phone ko. Nang tingnan ko iyon ay hindi kilalang numero ang nasa screen.
"Hello?" alanganing sagot ko, "Sino 'to?"
"Pat."
One word. Just one word and I already knew who the caller is. That boy who used to play with me back when I was a kid. Ang nagtyatyagang makipaglaro sa amin nila Kiera at Kiara.
"Razen."
"It's nice to know that you still remember me," anas niya mula sa kabilang linya at rinig ko pa ang mahinang tawa niya, "I'm going back to the Philippines."
Bigla naman akong na-excite sa sinabi niya. Reunion na 'to!
"Kailan ang uwi mo?! Susunduin ka namin, ha? Gosh! I miss you, Zen!" Halos magtatalon ako sa sobrang tuwa at nagmamadaling tumakbo sa kwarto ko.
Ni hindi ko namalayang sinundan pala ako ni Jasper at bigla na lang hinablot ang phone ko.
"Who is Razen?" Salubong ang kilay niya nang lingunin ko siya. Bakas pa sa mga labi ko amg ngiti dahil sa nalaman, "Are you cheating on me?"
Biglang nawala ang ngiti sa mga labi ko dahil sa sinabi niya. Cheating? Sa kaniya?
Pagak naman akong natawa, "I'm not the type of woman who will cheat. Isa pa, kung kaya mo, kaya ko rin but I won't do that."
Narinig ko ang pagkasira ng kung anong bagay at nakitang sira na ang phone ko dahil sa higpit ng pagkakahawak niya.
"Jasper, my phone!" Asik ko at sinubukang agawin sa kamay niya ang phone ngunit agad niya iyong tinapon sa nakabukas na bintana ng kwarto ko.
Argh! Ano bang pumasok sa isip ng lalaking 'to at naisipang sirain at itapon ang phone ko?!
"Who is Razen?!" Madiing ulit niya at lumapit sa akin, "Tell me, Zia. Balak mo na ba akong palitan?"
Napalunok naman ako habang naguguluhan sa inaasta niya. Ano bang nangyayari sa kaniya at para siyang wala sa sarili?
"Zen is my childhood friend," kinakabahang sagot ko, "We got sepa—"
Hindi niya na ako pinatapos at bigla akong hinalikan. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa ginawa niya ngunit agad ding napadaing dahil marahas ang paggalaw ng mga labi niyang bahagyang kumakagat sa pang-ibabang labi ko.
"I don't care who he is," sagot niya nang bahagyang ilayo ang mga labi niya sa namamagang mga labi ko, "Don't even try going to the airport to fetch him." Saka niya ako tinalikuran at lumabas na.
BINABASA MO ANG
WOMANIZER'S ANOTHER CHANCE
RomanceWOMANIZER'S ANOTHER CHANCE Loving the same person who used to hurt you is like risking what's left with you. Would you dare to risk and love that person again? Simpleng dalaga, iyan si Patrizia Caryl Fernandez. Laki man sa buhay na angat sa iba, pin...