JASPER"She set you free?" ani Gomez saka tumawa, "Dude, kaya nga may tinatawag tayong process, eh. Hindi porke pinirmahan niyo both side ang annulment ay hiwalay na agad kayo. Nakatali ka pa sa kaniya hanggat hindi pa lumalabas ang desisyon ng korte."
"Uh-huh!" segunda ni Jacob, "Now go! Habulin mo habang may oras ka pa!"
Halos itaboy nila ako para lang mahabol ko si Zia na masaya ko namang sinunod. Hinihingal man ay agad akong sumakay sa sasakyan ko upang umuwi sa bahay ko sa Laguna, umaasa na nando'n pa ang asawa ko.
But to my surprise, she's not there. Nang dumating ako ay walang kahit ano ang sumalubong sa akin. Natawa ako sa kawalan.
Maybe she's busy handling her boutique, hihintayin ko na lang siya umuwi.
Pero lumipas ang maghapon na walang nagparamdam na Zia sa akin. Umiikli na ang pasensya ko but I decided to wait for few more hours hanggang sa inabot na ako kinabukasan.
Pagod at antok na ang nararamdaman ko pero binalewala ko 'yon at mabilis na tumayo mula sa pagkakaupo ko sa sofa.
I need to find my wife. I need to find my Zia.
Inikot ko lahat ng pwede niyang puntahan, maging ang bahay ng parents niya ay pinuntahan ko pero wala si Zia ro'n.
There's only one place left na hindi ko pa napuntahan — my twin's house. Posibleng doon nagpunta si Zia dahil sigurado akong handa ang kakambal ko na bugbugin ako dahil bestfriend ng asawa niya si Zia.
When I arrived in front of Uno's house, I was right. Bagamat malayo ang pwesto ay alam kong kotse ni Zia ang nakikita ko. I memorized her car's plate number.
Agad akong bumaba sa sasakyan ko at dire-diretso sa gate, "Uno! Kiera! I know my wife is inside!"
Sunod-sunod ang pagpindot ko sa doorbell na sinundan pa ng paghampas sa gate nila, "Uno, let me in! I wanna talk to Zia!"
Hahampasin ko na sana ulit ang gate nang bumukas iyon at tumambad sa akin ang taong hinahanap ko.
"Zia."
"Anong ginagawa mo rito, Jasper?" Malamig ang boses niya, maging ang mga mata niya nang itanong iyon.
"I'm sorry, Zia."
"Too late for your sorry. Saka para saan pa iyan? Tapos na tayo, 'di ba? I already gave you the freedom you've always wanted. Malaya ka na kaya bakit nandito ka?"
"Comeback, please." Ang boses ay nabasag na nang sabihin iyon.
Kahapon pa ako nababaliw after I found out na umalis na siya. At first, I didn't believe dahil alam kong hindi niya ako magagawang iwan. But when I came home, malinis na lahat na parang walang Zia na tumira sa bahay ko.
"Come again?" anas niya kahit pa alam kong narinig niya iyon.
"I... I want you back, Zia. Please," basag ang boses na ulit ko. Unti-unti na ring nanlabo ang paningin ko dahil sa pamumuo ng luha sa mga mata ko.
Pagak siyang natawa, "You want me back? For what? Because you're bored? You need an audience for your live show? Ano?"
Lahat ng binibitawang salita ni Zia ay masakit but I deserve it. I deserve those words.
"I want you back because I love you, wife." Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng mga luha ko saka lumuhod sa harap niya, "Please, Zia, take me back. Ayaw ko nito. I don't want this annulment in the first place but I need to do it."
"Why, Jasper? Bakit mo sinasabi 'yan sa akin ngayon? Bakit ngayon lang?" Nasa boses niya ang hinanakit na alam kong ako rin ang may kasalanan.
"I know nasaktan kita, and I admit that I did it on purpose. Kinailangan kong gawin 'yon kasi..."
Napayuko na ako at naalala ang mga araw na inuuwi ko ang mga babae sa bahay. They're not my mistress. Mga tauhan sila ng ex ko na siyang boss nila. I didn't fvck any of them. Alam ko naman kasing hindi kakayanin ni Zia na panoorin ako sa gano'ng lagay and I was right. I just let her think that way — that I fvcked them. Iyon lang kasi ang way para mailayo ko siya sa tuwing may inuuwi ako.
BINABASA MO ANG
WOMANIZER'S ANOTHER CHANCE
RomanceWOMANIZER'S ANOTHER CHANCE Loving the same person who used to hurt you is like risking what's left with you. Would you dare to risk and love that person again? Simpleng dalaga, iyan si Patrizia Caryl Fernandez. Laki man sa buhay na angat sa iba, pin...