SILY #33

17.5K 355 19
                                    

"Ven saan ka pupunta?" Pagbaba ko palamang nang hagdan ay nabwesit na ako. Nakita ko na naman ang dahilan kung bakit iniwan nya ako.

Isinuot ko ang relos ko. "Kung saan wala ka." Sagot ko sa kanya. I walked my way to the door. "No o-oh, Ven." She laughed, malanding tawa na kakasura sa pandinig.

"I am everywhere Venesteus Demitri. I am everywhere." Lumapit ito sa akin at hinahaplos pa ang balikat at abaga ko.

I smirked. An evil smirk. "Kaya pala. That's why bullshit is everywhere."

"Why can't you love me Ven? Why?" She cried.

Tinignan ko sya nang masama. Nandidiri ako sa pagmumukha nya. Nakakasuklam. Nang dahil sa kanya iniwan ako nang babaeng mahal ko. I have plans for us already tapos matatapos lang nang dahil sa isang dinner kung saan nalaman namin ang lahat.

"Why can't I love you?" I asked her. Marahas ko syang hinarap sa salamin "Look at you. Look at your face Veronica!" Sigaw ko sa kanya. "Look at you, a seventeen year old bitch. Puro colorete ang nasa mukha and look what you're wearing Veronica! You should be wearing a decent dress, sino ba naman ang magmamahal nang isang taong di kanais nais ang ugali, di pa kanais nais ang suot!" Patuloy ang pag agos nang luha nito pero wala akong pakialam. She wanted to know why I can't love her then I will let her know the truth

Marahas ko syang hinarap sa akin. "Magkapatid pa naman sana kayo ni Aris but you're way too different. Ate mo sya diba? Ba't di mo sya gayahin. Simple lang kung magsuot, walang arte sa mukha kasi natural nang maganda. Why don't you do that Veron, maybe, maybe may magmamahal sayo. But me? I won't love you, never, ever, ever love you."

Agad ko syang binitiwan at agad na binuksan ang pintuan papalabas. Naalala ko na naman ulit sya. Nasasaktan na naman ulit ako. Nakakapagod.

"Mahal mo si Aris? Pwes hindi ka nya mahal dahil kung mahal ka nya, di ka nya ipagpapalit para sa akin. Hindi kayo magiging masaya nang walang hiyang Aris na yan Ven! Sinasabi ko sayo!" That's the last thing I heard from her then I left that goddamn house. Too many bullshit in that house.

_________________________

Agad kong nilock ang kotse at naglakad na papasok sa bar. Maingay sa lahat nang sulok. May nagiinuman, nagsasayahan, nagsasayawan. I smiled, I need a drink.

I made my way to the counter. "A whiskey." I told the barista. Tinanguan lang ako nito. Inikot ko ang upuan at hinarap ang mga tao. I smiled again, they look so happy. Dumapo ang tingin ko sa isang pamilyar na pigyura. Bakas sa mukha nito ang pagkaproblemado. Mag isa din itong naglalasing. I didn't even see him on school lately.

Agad kong ininom ang whiskey at naglakad patungo sa kanya. Hindi ako nagdalawang isip na umupo sa opposite seat nito. "Ven Demitri." I called him. Ang pangalan nang lalaking mahal ang mahal ko.

Tinignan ako nito. He stared at me for awhile before grinning at me. "Chad. Haha, I know you, ikaw yung lalaking sunod nang sunod sa babaeng mahal ko. Hahaha, pareho nga pala tayo nang mahal" he laughed atsaka ininom ang beer nya. Hindi pa sya lasing pero hoarse ang boses nya, dalawa palamang kasi ang bote ng beer sa mesa nya at pangatlo na ang iniinom nya ngayon.

"Alam mo ba, alam mo ba Chad. Haha, pwede mo na syang kunin ngayon kasi.. " tumawa ito nang mapait. "Kasi iniwan nya na ako" he laughed again, pero ibang tawa na ngayon, parang bakas sa mukha at tawa nya ang sakit na nararamdaman nya. Marahas pa nitong pinunasan ang mga mata nya. Umiiyak ba sya?

Pero bakit? Iniwan sya ni Aris? Ang akala ko lang kasi kung bakit lumipat si Aris nang school is because gusto ni Ched na magkasama sila nang skwelahan eh. Well, that's what Ched told me.

Sir, I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon