SILY #35

20.9K 376 2
                                    

Habang sinusundan ko ang sasakyan ni Veronica ay parang mas bumibilis ang tibok nang puso ko, mas kinabahan ako nang marealized na anlayo na namin sa amin, parang may nangyayaring dikanais-nais.

Napakunot ang noo ko nang makitang pumarada ang sasakyan nito sa isang lalagyan nang abandonadong bus. I parked my car sa may eskenita kaya hindi nya napansin na sinusundan ko sya nung luminga linga sya nung papasok sya sa loob.

Two minutes later bumaba ako nang sasakyan para sundan sya. Tahimik naman nung papasok ako puro mga sirang bus lang ang nakikita ko. Ano namang gagawin ni Veronica dito? Parang may mali sa lugar na 'to eh.

Napatago ako sa sarili ko bigla nang may lalaking naglalakad. Napakunot ang noo ko nang makita syang may hawak na baril. Napadapo din ang tingin ko sa gilid nya nang may papalapit na babae sa kanya -- si Veronica.

"Anong ginagawa nya dito?" I thought myself.

Parang malalim ang pag uusap nang dalawa, tumango lang si Veronica sa kanya. Nagulat nalamang ako nang may pumutok nang dalawang beses. "Si Aris!" Sigaw ni Veronica sa lalaki na mas ikinagulat ko.  Nagtakbuhan ang dalawa papasok sa loob nang isang rusty na gusali. Ano yon? What the fuck happened? Nasa kanila si Aris?!
Maya maya ay kinabahan ako nang lumabas sa gusali ang kausap ni Veronica kanina na may kasama pang dalawang lalaki ngunit yung isa duguan tapos hinihila nilang dalawa. Patay na ba 'yon? Anong nangyayari?

Tama nga ang kutob ko na si Veronica ang nagpakidnap kay Aris!

Hindi ko kayang mag isa 'to. Agad akong bumalik sa kotse ko at doon tinawagan si Chad.
"Chad, I need your help. Alam ko na kung saan si Aris. I'll text you the address, puntahan moko dito." I ended the call. I need Rio's help and Rio's firearms. Kaya agad ko syang tinawagan upang hingin ang tulong nya, sabi naman agad nito na paparating na sya.

I heaved a sigh. "Aris, kukunin kita. Ano man ang mangyayari."

Maya maya ay kasama ko na silang dalawa sa loob. I told them what I saw and heard, too. "Sinabihan ko na si Ched kung saan tayo at kung totoo man na nasa kanila si Aris, paparating na yung mga pulis." sambit ni Chad.

Isa isa kaming may hawak na baril but the bullets are limited lang. Paano kung di namin kakayanin 'to? I inhale sharply.

Napalingon kaming tatlo sa limang lalaking nakatayo sa may manggahan. Pero mas nakuha nang atensyon ko ang isang lalaking naninigarilyo. It's been forever since I last saw him. Sya din ba ang may pakana nito?! Sila bang dalawa ni Veronica ang may gawa nitong pagkikidnap kay Aris?
"Greg?!" Hindi din makapaniwalang sambit ni Rio.

Nagtinginan kaming dalawa. We look at eachother; both confused. "Kilala nyo ang isa jan?" Tanong ni Chad sa amin. Napatango lang kaming tatlo.

"Anuman ang mangyari, we need to get inside that building, sigurado akong nanjan si Aris." Bulong ko sa dalawa. Unti unting nag alisan ang lima at nagpunta na sa kani-kanilang pwesto. Lima lang sila? O lima nga lang ba sila?

Agad kaming naghiwahiwalay tatlo. We can do it. Just like the old days kagaguhan, simpleng suntukan lang 'to. Hinay hinay kong nilapitan ang isang lalaking nagyoyosi, agad ko syang sinuntok nang sinuntok, lalaban pa sana ito ngunit mas nakalamang ako sa suntok. Duguan pa yung ilong at bibig nya. "Damm, that hurts." I mumbled at napahawak sa kamay ko nang mawalan ito nang malay. Isa pa ang nilabanan ko at agad ko nang nilapitan si Greg at tinutukan nang baril "Ven?" Nagulat ito. "Nasaan si Aris?" Tiim bagang kong tanong sa kanya. Ngumisi ito bigla, tumilapon ang baril nang bigla nitong sipain ang paa ko at sinuntok ako sa pisngi. Agad ko din syang nilabanan pero nanlaban din sya, napangiwi ako nang madapuan nang suntok nito ang panga at pisngi ko. "Asan si Aris ah?" Sigaw ko sa kanya, sinuntok pa ulit sya "Bakit magkasama kayo ni Veronica?!-awww!" I moaned nang masuntok nya ang tiyan ko. Napahiga nalang ako sa sakit. "I love Veronica, Ven. Matagal mo na naman sigurong alam yon diba?" He said in a sincere tone.Nagulat kaming dalawa nang may marinig kaming malakas na putok. Namumulupot padin ako sa sakit nang tyan ko nang tumakbo si Greg.

Pinilit kong tumayo at agad akong pumasok sa gusali. Puro mga gamit sa sasakyan lang pala ang nandito pero saan si Veronica? Saan si Aris?

Napatingin ako sa isang kwartong walang pintuan at doon pumasok, nanlaki ang mata ko nang makita ang isang upuan na nasa gitna at mga dugo sa sahig at pati narin tali. Bigla akong kinabahan. Bumilis nalang bigla ang tibok nang puso ko.

Nasaan kaya nila dinala si Aris?

_________________________

"Ano masaya ka na ngayon at andito si Ven ha?" Sigaw nito sa akin at marahas pang hinila ang buhok ko. Napapangiwi nalang ako sa sakit. "Ngayon, ipapakita ko sa kanyang mamamatay ka sa harap nya." Tumawa ito nang mapait. Hinila nya pa ulit ako nang marahas hanggang sa makarating kami sa pinakalikod nang lugar. We were just standing. Tinignan ko sya, pawis na pawis na si Veronica, halatang halatang kinakabahan sya sa mangyayari pero galit at puot padin ang nangingibabaw sa kanya.
"Bakit mo ba 'to ginagawa Veronica?" Hindi ko mapigilang magtanong sa kanya.

"Shut up.." she managed to say. Malalim ang iniisip nito.

"Alam kong alam mong hindi ka na talaga mamahalin ni Ven. You are aware Veronica na kahit anong gawin mo, hindi ka mamahalin ni Ven."

"You shut up!!" Sigaw nito sa akin. Napapikit ako nang ituro nya sa akin ang baril. "You shut up Aris, you shut up." Hindi mawari ang mukha ni Veronica pero kailangan kong makawala dito. Malapit ko nang matanggal yung tali na nasa likod ko, na loose kasi sya nung tulungan ako ni kuyang tumulong sa akin.
Unti unti kong nararamdaman ang pagkatanggal nang tali sa mga kamay ko. I feel free.

"Veronica.." I called her. Masama nya akong tinignan. "Pinagsisisihan kong nagtiwala ako sayo, kinasusuklaman kita!" Agad kong hinila sa kamay ang baril pero nanlaban sya; pilit na tinututok ang baril sa akin pero iniwas ko ito. Sinipa ko ang paa nya, I did any defense I can do. Sa huli ay tumilapon nalang bigla ang baril kung saan.

Hinila ko ang buhok nito dahilan para mapasigaw sya. Hindi din sya nagpatalo at marahas ding hinila ang buhok ko. "Damn you Aris!" Sigaw nya nang mapahiga kami sa lupa. Nasa taas ko sya kaya mas malakas sya pero hindi din ako nagpatalo kaya nagkapalitan kami nang posisyon. Hindi ko alam pero sa sobrang galit ko sa kanya ay na untog ko ang ulo nya sa bato.
Bigla nalamang syang nawalan nang malay, napahiga ako sa tabi nito sa sobrang bilis nang tibok nang puso ko. Sobrang pagod na pagod na ako..
Dahan dahan akong tumayo.

"Aris?" Nagulat nalamang ako nang marinig ang isang pamilyar na boses. Napaiyak ako bigla nang makita syang nakangiting tumatakbo papalapit sa akin. "Ven.." I cried. Nang makalapit sya sa akin ay agad nya akong mapusok na hinalikan.

"Oh god, I thought something bad happened to you Aris." Sabi nito at mahigpit akong niyakap. "I miss you Aris, I miss you so much."

"I love you Ven.." napaiyak na lamang ako at mahigpit din syang niyakap. Matagal ko nang inaasam asam na mangyari ulit 'to. Na mayakap muli ang taong mahal ko.

"W-Wow!" Napalingon kami ni Ven sa gilid nang may pumalakpak. May dugo ito sa pisngi nya. "How sweet! Ang ganda nang ending nyong dalawa," she laughed. "Tragic! Dahil papatayin ko na kayong dalawa!" Agad na itinutok nito ang baril nya sa aming dalawa ni Ven.

Napatalikod ako at mas napahigpit ang yakap ko kay Ven nang marinig ang isang malakas na putok.

I closed my eyes tightly.

Isang malakas na putok na naman ulit ang aking nadinig. "Aris?!" Sigaw ni Ven sa akin. Hawak nang dalawang kamay nya ang magkabilang pisngi ko. "Aris look at me! Aris look at me!" Sigaw pa nito sa akin. Biglang umingay ang paligid. Tunog nang ambulansya, tunog nang mga boses nang tao..

"Aris, please, look at me." Sigaw pa ni Ven sa akin. Parang may nararamdaman akong kakaiba, parang mainit na nakakakiliti pero masakit.

"Aris.." he cried. He hugged me tight and kissed my hair. Nang kumawala na kami sa yakap namin ay pareho kaming nagulat na napatingin ni Ven sa kamay nyang may dugo mula sa likod ko.

"Ven, I love you.." and then everything feels numb.

Sir, I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon