SILY #34

18.1K 373 6
                                    

Sabay kaming pumarada ni Chad sa labas nang gate nang bahay nila Aris. May mga sasakyan din nang pulis na nakaparada sa labas. Agad kaming pumasok ni Chad ngunit pinigilan ako nang dalawang gwardya. "No, he's with me." Sabi ni Chad sa mga gwardya. Nagtinginan muna silang dalawa atsaka binitawan na ako.

Pagpasok palang namin ay niyakap na agad ni Ched si Chad. "Kuya.." she was crying. Pinatahannaman ito ni Chad. "We will find her." Sabi nito sa kapatid. Napatingin si Ched sa akin. Sobrang maga nang mata nya sa kakaiyak. Akala ko may sasabihin sya pero agad syang umupo sa sofa.

"Kumusta na po? Ano napong nangyari?" Tanong ni Chad sa isa sa mga pulis. Umiling ito, mukhang dismayado. "Wala pa po sir, hindi pa din tumatawag ang mga kidnappers." Napaupo nalang ako sa dismaya. Ano na kayang nangyari sa kanya ngayon? Baka ano na ang ginawa nang mga gagong kumuha sa kanya sa kanya.

"Wala bang kaaway ang biktima, kasi kung kidnap for ransom dapat kanina lang tumawag ang mga kidnappers eh pero base sa kasama nya kanina" nilingon nito si Ched. "Alas syete nang gabi sya dinakip pero alas onse na ngayon.

"Baka naman ikaw lang din ang may pakana nyan Ven." Napatingin kaming lahat sa pintuan nang magsalita si Ardi. Suklam at galit ang pagtingin nya sa akin ngayon.

"I can't do that to her.." mahina kong sambit. "Kung kikidnappin ko man sya dapat matagal na diba but it's been two months since she left me, Ardi. Anong gagawin ko sa kanya kung kikidnappin ko sya? Ipipilit ko na naman ang sarili ko? Pipilitin ko syang ako ang mahalin nya, na ako ang piliin nya? Come to think of it Ardi, mas pinili nya ang kapatid nya!"

Sobrang sakit para sakin na sa lahat nang piliin nya eh yung taong never pa din syang pipiliin, never syang ituturing kapatid. Pero ano ang sabi nya? Veronica is all she got na memory nya noon. Kapatid nya eh. Anong laban ko? Isa lang naman akong ex na mahal din kuno nang kapatid nya.

"Sir, wag po natin ipairal ang init nang ulo. May mga kasamahan po kaming nasa malapit lang , kung may tatawag man ngayon para kidnap for ransom, itatrack po natin." Sabi nang isang pulis. Tumayo din si Chad para pakalmahin si Ardi. Lumapit naman saakin si Ched para bigyan ako nang tubig.

"Alam mo ba? She still loves you so much." She said with a smile habang iniikot ikot pa ang hintuturo nya sa bibig nang baso na hawak nya. "Ako din naman eh." Mahina kong sambit habang nakayuko lang. Hindi ko alam kung anong magagawa ko sa taong may pakana nito kung ano man ang mangyari kay Aris.

"Ewan ko ba, kahit anong pilit kong pagpapaintindi sa kanya na hindi naman talaga sya minahal nang kapatid nya eh mas matimbang padin sa kanya si Veronica. Ugh that bitch!" I can see her rolling her eyes kahit nakayuko man ako. I chuckled. "Anliit nga nang mundo eh."



Napatingala kami ni Ched kay Chad nang tumikhim ito, nakatayo ito sa harap namin. "Alam na ni tito't tita ang nangyari kay Aris. Si Ardi din Ched, kausapin mo nalang sa labas at mukhang mainit yata ang ulo. Ven, dude, umuwi ka nalang muna sa inyo. I will call you if tumawag na ang mga kidnappers." Bakas sa boses at mukha ni Chad ang pag-aalala.

Napatango nalamang ako atsaka tumayo. "Sige Chad, Ched, pakisabi nalang kay Ardi pasensya na pero pipilitin kong hanapin si Aris." At agad na akong umalis sa bahay nila.



Mahigpit kong hinawakan ang manibela. Paano kung may mangyari sa kanya? Hindi naman natin mapipigilan iyon pero damn it! Kailangan nang tumawag nang mga kidnappers! I can't handle to think na wala sya sa kanila, na hindi sya maayos na natutulog, kumakain na kaya sya? San na kaya sya dinala nang mga kidnappers?

"Fuuuuuucking bullshit!" Napaiyak na lamang ako. I pulled over at agad na lumabas nang sasakyan. I heaved a sigh. Sa sobrang inis ko kay nasipa ko ang gulong nang sasakyan ko.



Sir, I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon