I smiled as I saw him. I missed him so much already.
"Baby!" tawag niya sa isang babae na masaya din na makita siya. They both hugged each other tightly, like they missed each other so much. Pinaulanan pa ni Ven ito nang halik."How was your flight?" nakangising tanong ni Ven dito.
She sweetly smiled at her dad. "It was terrible dad. Mom had to let me sleep the whole time just to make me feel better." Ngumisi lang si Ven sa kanya at pinaulanan siya ng halik.
Nagkatagpo ang mga mata namin. Pareho kaming napangiti sa kilig. It's been five years since that tradegy in our lives happened. It's been five years since he almost lost me buti nalang daw masamang damo ako sabi ni kuya Ardi eh.
"Hi baby.." he sweetly smiled at me. Ibinaba agad nito ang anak namin, our mini Aris mixed Ven. Agad nitong hinapit ang bewang ko. "How was my wife?" tanong nito. I circled my hands on his nape.
"Okay naman. Namiss kita.." I said sweetly. Ngumisi naman ito at napalingon kung saan si Aeone; it means life. Napalingon din ako sa kanya na masayang tumatakbo habang hinahabol pa nang yaya niya.
"I miss you more Mrs. Demitri" he said while wiggling his eyebrows and gave me an 'i wanna kiss you right now' kind of smile. I chuckled at agad na mapusok syang hinalikan. Gosh, this is the man I wanna drink morning coffee with.
"Hoy, tigil nga kayo jan! Hindi kayo bagong kasal!" Napabitiw kami ni Ven sa isa't isa nang marinig ang sigaw ni Ched at sabay napatawa, napayakap nalang ako kay Ven.
Sabay naming tinignan si Ched na malaki na ang umbok nang tiyan. Mas una silang nakasal ni kuya kesa sa amin pero magkaedad lang si Aeone at Gaveriel "saan si Gav?" tanong ko rito
"Nasa kuya mo!" sagot nito sa akin at nagpunta na sa may bench.
Si Chad naman nasa ibang bansa na, we were with Chad nineteen hours ago. Medyo nauna nga lang si Ven sa amin dito nang isang buwan kasi may inaasikaso sya sa kumpanya nila.
Wanna know what happened to my little sister Kristina? She was locked at the mental hospital after siya maging maayos pagkatapos nyang mabaril nung binaril nya ako. It was Rio who shot her. Ewan ko ba, after niyang maging maayos she kept on crying tapos paulit ulit niya pang sinasabi na "papatayin kita" but she never says my name.
Si tito Alejandro? Nasa ibang bansa na din, hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang magalit sa kanya. Sabi nga ni Ven siguro daw malambot lang puso ko, for example Veronica, nung nalaman ko lang na kapatid ko sya parang nawala lahat nang galit ko sa mga ginawa nya nung highschool days.
"Daddy! Look oh, there's a butterfly," pagkuha ni Aeone sa atensyon ng daddy Ven niya. Napangiti kaming dalawa ni Ven dito.
"Tawag na ako nang prinsesa natin eh," pagpapaalam ni Ven sa akin, hinalikan muna nito ang noo ko bago sya pumunta sa prinsesa niya. Napatingin ako sa kanilang dalawa na magkahawak ang kamay, I have the best things in the world.
"Hey, baby sister!"
Nagulat ako nang may umakbay sa akin. Speaking of best things in the world, I have him too, si kuya Ardi na kahit hindi ko naman kadugo ay mahal na mahal pa din ako.
Sabay kaming naglakad patungo kay Ched. "Si mimi bukas pa daw uuwi. Si dada din kasama pa si tito at nagogolf pa," he informed me. Napatango nalamang ako.
Umupo naman sa tabi ni Ched si kuya nang makarating kami sa may picnic table.
Bigla namang sumulpot sa likod ko si Ven at niyakap ako mula sa likod. "Oh, where's Aeone?" tanong ko rito when he put his chin on my shoulder.
"Ayun, in-aeone ko!" he giggled. Napatawa nalamang din ako at pinisil ang ilong nito.
"Asaan nga?!" kunwari naiinis kong tanong sa kanya
"Nandoon! Kasama si Gav," he answered, still humor in his face. Hinarap ako ni Ven sa kanya at mas mahigpit pa akong niyakap. "I miss you. I miss you. I miss you," nanggigigil nitong sabi. Sobrang higpit pa nang yakap. Sus, isang buwan lang di nagkita eh!
"I miss you babe.." sagot ko sa kanya as I sweetly smiled at him. I reached for his lips and kiss him.
Humiwalay ito atsaka makahulugan akong nginisihan. Napakunot ang noo ko at matalim syang tinignan "Hoy Demitri ah, alam ko yang ngiting yan!" Pinindot ko ang tungki nang ilong nito. Ang pilyo ng ngiti eh!
"Ano? Ano namang meron kung ngumiti ako? Bawal na ba ngumiti sa misis ko?" mala inosente nitong tanong sa akin.
"Sus! Alam ko yang ngiti na yan Ven ah!" napahampas nalang ako sa dibdib niya at sabay kaming napatawa.
Nakikiliti naman ako nang isuksok nya ang ulo nya sa leeg ko sabay bulong nang "Gawa na tayo nang Ae-two." We bursted out laughing.
I'm happy with what I have now. Kahit madaming nangyari sa amin, kahit pinaglayo na kaming dalawa, kahit nasaktan na namin ang isa't isa.. we never get tired of loving each other.
We stared at each other's eyes. Passion and love were visible in our eyes.
Nilagay ko ang dalawang palad ko sa pisngi nya.
"Sir, I love you.." I gave him soft kisses.
This is not our ending yet but it's our happy ever after.
THE END.
BINABASA MO ANG
Sir, I Love You
Romance"You will never know where your fate brings you, you'll just realized you are with the right person at the right time." Read to know what happens when Aristaeus Santillan as she fell in love with her teacher Venerestus Demitri. (January 11, 2014)