Chapter 13: His Mate

597K 24.9K 6.1K
                                    

Chapter 13: His Mate

Loraine Van Zanth

Bumaba ako ng hagdan habang pinagmamasdan ang kabuuan ng interior ng mansion kung saan ako lumaki. Mataas na ang sikat ng araw. Maayos kong nasisilayan ang buong paligid. At hindi mapagkakaila na madami na ang nagbago mula noong huli akong tumapak dito.

Halos isang taon na din ang lumipas. Pingamasdan ko ang mga furnitures na natatakpan ng puting tela. Maging ang mga frames at iba pang gamit sa hallway ay nawala na. Makakapal ang mga kurtinang nakatabing sa mga bintana. The mansion looks abandoned.

Dumerecho ako sa kusina. Hangang ngayon masakit parin ang katawan ko dahil sa mga nangyaring gulo kagabi. Nadatnan ko sa kusina si Senior Helga habang nagtitimpla ng kape. Kung may isang bagay akong pinagpapasalamat yon ang pananatili ni Senior Helga sa mansion kahit pa wala na ang magulang namin na pinagsilbihan niya.

Si Senior Helga ay ng dating mayor doma ng mansion. Pero ngayon ay tila tagapangasiwa na lamang siya ng isang abandunadong lugar. Nawala na ang mga dating katulong at mga tagapagsilbi. Maayos at malinis parin ang loob ng mansion. Ngunit sa labas, mukha itong napag iwanan. Ang garden ay mukhang gubat. Kinakalawang ang gate. At sino man na mapapadaan ay magdadalawang isip na pumasok sa mansion.

Hindi ko mapigilan na magtaka kung ano ba ang nangyari. Sa ilang taon kong pagkawala sa Van Zanth, ano ang nangyari sa kapatid ko? Bakit hinayaan niyang maging ganito ang mansion?

Umupo ako sa silya at bumuntong hininga. Inabutan ako ng tasa ng kape ni Senior Helga.

"Salamat, Senior Helga."

Tahimik akong uminom habang nakaharap sa garden. Every now and then, my thoughts would drift to Zander.

Ayon sa mga nabasa kong sulat nitong nakaraang buwan mula kay Senior Helga, kinukulong ng aking kapatid ang sarili sa kwarto. Noong una hindi ako nag alala. Ginagawa ito ni Zander kapag may mga araw na nahihirapan siyang kontrolin ang kanyang sarili.

Pero ang araw ay naging lingo. Ang lingo ay naging buwan. Habang tumatagal ay nanatiling ganoon ang laman ng mga sulat na pinapadala sa akin. Dumadalas at lumalala ang kawalan ng control ni Zander. Hangang sa pinaalis na nito ang mga tagapasilbi at katulong maliban kay Senior Helga.

This was not like Zander at all. Kilala ko ang aking kapatid. Hindi nito hahayaan na maging malala ang isang sitwasyon tulad nito. Isa siya sa mga pinaka-mature na binatang kilala ko. Kung tutuusin mas mature pa itong mag isip kesa sa akin at mas alam ang kalakaran ng bayan.

Bata palang kami ay tinuruan na si Zander ng aming Ama kung paano ang pamamalakad sa bayan. Zander was the future alpha. Hindi pa man formal na naipapasa sa kanya ang posisyon ay gamay na niya ang batas at ang pamumuno sa bayan.

This was very unlikely for a man who has been a leader all his life. That was why I decided to come back. Pero sa aking pag uwi ay isang hindi inaasahang bagay ang aking nadatnan.

Laura Katherine Arden.

Ilang beses siyang nabangit ni Senior Helga sa mga sulat. Siya ang pamangkin ni Senior Helga na may dugong Arden. Naalala ko ang mukha nito. Kumpara sa mga katulad namin, napakanormal niyang tingnan, walang kakayahan. Pero may isang bagay akong napansin. Ang determinasyon sa mga mata niya.

Nasaksihan ko ang mga bagay na kaya niyang gawin kay Zander. Isang salita, isang impit na daing mula kay Laura, ay nagwawala ang aking kapatid. I've found my brother's weakness. Ngunit hindi ko alam kung magiging magandang bagay ba ang aking nadiskobre.

"Nasaan siya ngayon?" tanong ko kay Senior Helga.

"Maaga siyang pumasok sa school kaninang umaga."

Living with a Half BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon