Chapter 18: Forbidden
Tuluyan ng nakaidlip si Sebastian. Nakangiti at napapailing na lamang ang kanyang uncle. Ganyan daw talaga siya kapag umuuwi siya sa bahay. Yon lamang kasi ang tanging oras kung saan malaya siyang makakapag pahinga nang walang iniintiding responsibilidad sa labas.
Nagtingin tingin ako sa shop. Hindi ko siya gustong gisingin. Hintayin ko nalang sigurong makapagpahinga siya. Bumalik sa trabaho ang kanyang uncle. Nagbabalot siya ng mga tuyong dahon sa maliliit na paper bags. Tinitimbang niya din ito sa timbangang gawa sa tanso. It was a kind of herbal tea.
Tahimik sa loob ng shop. But it was a comfortable silence. Natutulog si Sebastian sa sulok, gumagawa ng tea ang kanyang uncle, at ako naman ay nakatayo habang nagbabasa ng libro mula sa bookshelf malapit sa counter. The only noise you would hear is the silent creaks of the metal weighing scale.
Inalis ko ang tingin sa aking binabasa nang mapansin na umalis sa kinauupuan ang uncle ni Sebastian. Tila may hinahanap ito. Umalis ito mula sa likod ng counter at lumapit sa tapat ng isang mataas na shelf. Nakalagay sa itaas ang ilang malalaking kahon.
Kinuha niya ang isang metal ladder sa sulok at umakyat dito. Hawak niya ang isang listahan habang nakatingala sa mga kahon at tila chini-check ang mga ito. Kalaunan bumaba din siya mula sa hagdan. Sinandal niya ito sa shelf. Tiningnan ang mga produktong nasa baba ng shelf at yon naman ang nicheck. I think he was taking inventory.
Bahagya siyang umupo habang binibilang ang mga produkto. Bumalik ako sa aking binabasa. Ngunit natigilan ako nang mapansin ang pag galaw ng hagdan na hindi maayos na nakasandal sa shelf. Bumaba ang tingin ko sa uncle ni Sebastian na nakafocus parin sa ginagawa.
Bago ko pa nabalaan ang matandang lalake tuluyang bumigay ang hagdan mula sa pagkakasandal nito sa shelf. Nabitawan ko ang librong hawak ko. Bago pa tuluyang bumagsak ang metal ladder ay tinulak ko ang matandang lalake palayo. Naramdaman ko ang pagtama ang metal ladder sa likod ko.
Napadaing ako. Tumama ang sulok ng metal ladder sa aking balikat. Kinagat ko ang labi ko dahil sa sakit na naramdaman. The fall created a commotion inside the shop. Bahagya kaming binalutan ng alikabok. Biglang dumilat si Sebastian. Tila ba naramdaman ang nangyari.
"Shit."
Sinubukan kong umalis mula sa ilalim ng mabigat na ladder. Pinuntahan agad ako ni Sebastian na tila ba tuluyang nagising
"What happened?" tila nagpa-panic na tanong niya. Muli siyang nagmura habang tinutulungan ako.
Inalis niya ako mula sa pagkakadagan ng hagdan at tinulungan akong tumayo. Nakita ko ang uncle niya na nakatitig sa akin. Nabigla ito. Dahan dahan siyang tumayo mula sa sahig kung saan ko siya naitulak.
"Okay lang po ba kayo?" tanong ko.
Hindi ito nakapagsalita.
"Laura, Ikaw ang nasaktan, tapos si pards ang tatanungin mo niyan?" halos asik ni Sebastian.
Lumingon ako kay Sebastian. Nakahawak ako sa kanyang balikat habang hawak niya ang bewang ko, tinutulungan akong tumayo. I manage to smile. "Okay lang naman ako-"
Muli kong narinig na nagmura si Sebastian. "You're not. This is not okay!"
Natigilan ako sa reaction niya. "Sebastian, calm down." sinabi ko sa kanya. "You're over reacting. I'm fine."
Pilit akong umalis mula sa pagkaka alalay niya sa akin para ipakita na okay lang ako. Ngunit nang maramdaman kong muli ang matinding sakit sa aking balikat ay napahawak akong muli sa kanya.
"See?!" he exclaimed. "Hindi na dapat kita dinala dito. Hindi ka sana napahamak-"
"Pasensya na, pards." Pareho kaming napatingin sa uncle ni Sebastian. "Hindi ko napansin. Pasensya na, hija."
BINABASA MO ANG
Living with a Half Blood
FantasíaNapansin agad ni Laura Arden ang mga kakaibang bagay sa bayan ng Van Zanth sa unang araw niya pa lamang dito. Lalo na noong nalaman niyang sa isang lumang mansion siya titira. Pakiramdam niya nagsisinungaling si Aunt Helga noong sinabi nito na silan...