Chapter 23: Tamed
Loraine Van Zanth
Nanatiling tahimik ang mga tao nang makalabas si Laura sa pintuan. I stood there in shock of what happened. Maging ang ilang katabi ko ay tila ganoon din ang reaction. She knew. Laura knew she is Zander's mate. Hindi ko alam kung mas mabuti ba na nalaman niya ang totoo kung bakit nangyayari ito sa kanya. Pero maliban doon, siya ang pumutol sa kanilang ugnayan.
Bumaling ako sa kapatid kong nakatayo parin sa gitna ng maluwang na sala ng mansion. Unti unting kumuyom ang mga palad nito. They both made a decision. And we should respect that. Pero ang mga mata niya. Iba ang sinasabi ng mga mata niya habang pinagmamasdan kung saan dumaan si Laura.
Kumalas ang pagkakakuyom ng kanyang mga palad. Huminga siya ng malalim at kalmadong naglakad paalis na tila ba walang nangyari. He is back to being the cold Zander once again. Pero kanina, habang kasayaw niya si Laura, ibang Zander ang nakita ko. Ang Zander na kasayaw ni Laura kanina mahinahon, inaalalayan siya, niyayakap siya, hinalikan siya. It was the sweet young boy I used to know. Not this Zander in front of everybody.
"It ended well, I guess."
Humigpit ang pagkakahawak ko sa hem ng aking damit dahil sa narinig. One of the seniors in town, isang matandang babae na isa sa mga dating adviser ng mga magulang namin, ang nagsabi nito. Hindi ko mapigilan na tanungin ang sarili ko. Did it really end well?
Alam kong ito ang gusto nilang mangyari una palang. Ito ang dahilan kung bakit pinapunta si Laura sa pagdiriwang na ito. I know my younger brother. He will always prioritize Van Zanth over himself. Pero noong oras na pinili niya si Laura ay ang parehong oras na pinili ni Laura ang Van Zanth para kay Zander. Hindi ko alam kung sino ang uunahin kong puntahan upang kausapin. They are both in a fragile position right now.
Balak ko sanang sundan si Laura nang huminto ako sa paglalakad. Nakita kong pumasok sa isa sa mga pinto si Sebastian. Bahagyang kumunot ang noo ko nang makita ang ayos niya. He's not wearing formal attire. Mukhang pinili niya ang magpatrolya sa bayan ngayong gabi kesa ang dumalo sa pagtitipon. Ngunit agad nagbago ang expression ko nang makita ang mukha ni Sebastian. Linibot nito ang tingin sa paligid tila may hinanap.
Muling nagsimula ang party na tila ba walang nangyari. Bumalik ang nagsasayawan sa gitna. Bumalik ang ingay ng kanilang pag uusap at tunog ng champagne glasses. A calm classic song enveloped the mansion. Nakita ako ni Sebastian. Bahagya siyang nagbow nang makalapit sa akin.
"What's the problem? Why are you in such a rush?" tanong ko.
Sebastian hesitated before answering. "May mga nakapasok na rogues sa territory. Sugatan ang ilan sa mga orders na nagbabantay ngayon sa border. Kailangan namin-"
"Saang border sila nakapasok?" agad na tanong ko dahilan para tumigil siya sa pagsasalita.
"West border."
West border. Malapit lamang ito. Nagmadali akong lumabas sa pintuan. Tumabi ang mga taong nadadanan ko. May ilang bumati at nagbow. Hindi ko na sila nagawang pansinin.
Bumalot sa akin ang madilim na paligid paglabas ko. Linibot ko ang paningin sa maluwang na driveway. Nakapark ang ilang sasakyan sa malapit. Hinanap ko kung saan naka-park ang itim na sasakyang na ginamit namin.
It was supposed to be here.
Huminto ako sa tapat ng bakanteng espasyo sa pagitan ng dalawang sasakyan. May skid mark sa lupa. Mukhang bago lamang ito. A few minutes or so. Sumunod si Sebastian sa tabi ko. Nagtataka na siya sa kinikilos ko.
"Umalis si Laura." sinabi ko. "Ginamit niya ang sasakayan. She's heading back to the mansion."
Bahagya akong pumikit. In exhaled. Bakit ba ngayon pa ito dapat mangyari? It is the night of the All Hallow's. Ang gabi kung saan kami pinaka malakas. We are prone to lose control. Hindi maganda para sa normal na taong tulad niya ang nasa labas sa mga oras na ito.
BINABASA MO ANG
Living with a Half Blood
FantasíaNapansin agad ni Laura Arden ang mga kakaibang bagay sa bayan ng Van Zanth sa unang araw niya pa lamang dito. Lalo na noong nalaman niyang sa isang lumang mansion siya titira. Pakiramdam niya nagsisinungaling si Aunt Helga noong sinabi nito na silan...