Chapter 6: Meet the Alpha
Sabado ng hapon. Tahimik sa buong mansion. Tapos na ang karamihan sa mga trabaho at gumagawa ako ng book report sa aking kwarto. Habang nagsusulat, napapaused ako nang pumasok sa isip ko ang nangyaring gulo sa school noong nakaraang araw.
I flicked my pen absentmindedly on the table. Naging usap usapan ang gulo. Tila nagbago ang atmosphere sa paaralan matapos ang nangyari. Naging mas tahimik ang mga tao. Nag iingat. Tila ba nagkaroon sila kasunduan. Hindi nila ito gustong makarating sa Alpha. Base yon sa narinig ko. Sinigurado ni Sebastian na hindi na mauulit pa ang nangyari.
Nirerespeto nila si Sebastian at ang iba ay natatakot na magalit siya. Pero mukhang mas kinakatakutan na magalit ang tinatawag nilang alpha. Mabangit lamang siya ay natatahimik ang mga tao. Hindi sila magiging maingat nang ganito kung isa siyang simpleng pinuno ng bayan. Is he that strict? Mahirap ba siyang pakisamahan? Ano bang klase siyang tao?
I tapped my fingers on the surface of the table. Masyadong tahimik. Naririnig ko ang pag galaw ng kamay ng orasan na nasa aking kwarto. Maaliwalas sa labas. Maalinsangan ngunit mahangin. Mula sa bintana ng aking kwarto ay nakikita ko ang bughaw na langit at tuktok ng berdeng puno sa garden.
Lumabas si Aunt Helga at pumunta ng downtown. Pabalik na siguro siya sa mga oras na ito. Hininto ko ang ginagawa ko at lumabas sa kwarto. Plano ko sanang pumunta sa kusina noong matigilan ako.
Huminto ako sa paglalakad sa hallway nang mapansin na may gumalaw sa dulo nito. Lumingon ako sa hagdan papunta sa third floor. Halos manlaki ang mga mata ko nang makita kung sino ang paakyat dito. Shit.
Agad akong tumakbo papunta sa paanan ng staircase.
"Elvis!" tawag ko sa pusa. "Elvis, bumaba ka dito!"
Nagpatuloy sa pag akyat ang pusa sa makitid na hagdan. Kumalat ang pangamba sa dibdib ko.
"Elvis!" I hissed.
Ano bang ginagawa niya? Ilang beses kong sinabi na hindi siya pwedeng maglaro sa itaas. Pilit kong kinalma ang sarili ko. Pero paano kung dumating si Aunt Helga? Paano kung madatan niya doon si Elvis? I promised to take full responsibility of Elvis. Hindi niya gustong makita ito sa lugar na pinagbabawal niya.
Nanatili ako sa paanan ng hagdanan. The cat has been up there for the past few days. Siguro naman hindi siya mahuhuli ngayon. Napapitlag ako nang marinig na may nabasag na baso o salamin sa itaas.
I froze. May nabasag ba si Elvis? Lumakas ang tibok ng puso ko. Lagot ako.
Dahan dahan akong tumapak sa hagdan. Kailangan ko siyang makuha. Kailangan maayos ko ito bago pa dumating si Aunt Helga. Huminga ako ng malalim at nagsimulang pumanhik sa itaas. Hangang sa nagmadali na ako sa pag akyat ng hagdan habang tinawag si Elvis.
Nang makatapak ako sa mismong third floor halos mangilabot ako. Nandito ako sa pinagbabawal na lugar sa mansion. Napalunok ako at halos gusto ng bumaba. Iba't ibang klase ng frustrations ang nararamdaman ko. Nakita ko si Elvis na pumasok sa nakabukas na pintuan ng isang kwarto.
"Elvis!"
Agad ko siyang sinundan. Nadaanan ko ang isang vase na nabasag niya sa sahig. Lagot talaga ako kay Aunt Helga.
Pinakalma ko ang aking sarili. Napansin ko ang malaking kaibahan ng hallway kung nasaan ako sa hallway sa ibaba.
Carpeted ang hallway dito at hindi tulad ng nasa ibaba na halos natatakpan ng puting tela ang lahat ng gamit, dito naka exposed ang lahat. Mula sa tables, candle holder, vases at mga paintings- kitang kita ko.
Pakiramdam ko mas pinangangalagaan ang floor na ito kesa sa mga floor na nasa ibaba. Malinis at halos walang alikabok. Maaliwalas kahit na madilim. Tanging ang nakabukas na ilaw mula sa siwang ng pintuan kung saan pumasok si Elvis ang nagbibigay liwanag sa lugar.
BINABASA MO ANG
Living with a Half Blood
FantasyNapansin agad ni Laura Arden ang mga kakaibang bagay sa bayan ng Van Zanth sa unang araw niya pa lamang dito. Lalo na noong nalaman niyang sa isang lumang mansion siya titira. Pakiramdam niya nagsisinungaling si Aunt Helga noong sinabi nito na silan...