Chapter 37: Sacrifice
Hindi nakagalaw ang sino man. Tila panandaliang naputol ang ingay sa paligid. Sa harapan nila ay ang walang buhay na si Laura.
Nanatiling nakatitig si Zander dito. Patuloy ang paglabas ng dugo mula sa tama ng bala. Sa bukana ng property patakbong tinungo ni Miss Loraine ang gulo. Kasunod niya si Sebastian. Sa katahimika na bumalot sa paligid alam nila na maaaring huli na sila.
Miss Loraine became occupied with the previous attack on Van Zanth. Hindi niya namalayan ang plano ng kapatid. Van Zanth was left on Sebastian's care. Kaya noong nalaman ni Miss Loraine ang kinaroroonan ng alpha, agad siyang tumungo sa lugar na ito.
Tumigil si Miss Loraine sa pagtakbo nang masilayan ang nangyayari. Sa bisig ng kapatid ay ang duguan na si Laura.
"Hindi..." Tahimik niyang bulong. "Hindi maaari..."
Mula sa blankong mga mata ni Zander hangang sa mukha nitong tuluyang nabura ang expression, alam na alam ni Miss Loraine ang ibig sabihin ng katahimikan na ito.
Tumayo si Zander. Sumigaw si Miss Loraine. "Sebastian, get a hold of Zander!"
Agad pumunta si Sebastian kay Zander. Ganoon din ang natitira pang mga orders. The humans didn't know what was going on anymore. Sa kanilang harapan ay ang walang buhay na apo ng kanilang pinuno na tinamaan ng sarili nilang armas.
Pigilan ng mga orders ang nanlilisik na si Zander. He was slipping. He was out of control.
Nanatiling nakatitig ang Lolo ni Laura. Nabitawan nito ang baril sa lupa. Hindi ito naniniwala sa nakikita. Buhay pa ang kanyang apo. Alam niya na buhay pa ito.
"Dalhin niyo siya... Dalhin niyo ang aking apo sa hospital!"
Natauhan ang mga hunter na nasa paligid. The orders were busy taming their alpha. Isa sa mga hunters ay binuhat si Laura. Marahas ang pagpupumiglas ni Zander. He let out a growl that could be heard in the whole clan.
Walang nagawa si Miss Loraine kundi panoorin ang nangyayari. She felt helpless. Lalo na noong kunin si Laura mula sa kanila. She has no right to keep her. Laura is not theirs. Miss Loraine didn't know if she's still alive. She was hoping she's still alive.
Inabot niya si Laura nang ilayo nila ito. Pero pinigilan niya ang sarili. Ganoon din si Sebastian na walang nagawa kundi ang titigan ang paglayo ng mga taong may hawak sa kanya.
Dahil alam nila na sa mga oras na yon, mas tama na ibigay si Laura sa angkan. Madadala nila ito sa hospital. Maaaring hindi pa huli ang lahat. Kailangan nila siyang bitawan. Kahit gaano ito kasakit makita.
They failed. They didn't get her back. And things ended up in a bloodbath. Nanghihina si Miss Loraine. Pero mukhang hindi pa dito natatapos ang lahat. They were still on the clan's territory.
Nawala ang pinuno ng angkan. Ngunit ilan sa mga hunters ay pinalibutan parin sila. Mahina na ang bilang ng mga orders upang makipaglaban.
"Hwag kayong gagawa ng ano mang pag atake."
Lumingon si Miss Loraine sa duguang lalakeng nagsabi nito. Naglakad ito palapit sa kanila. Mula ito sa loob ng mansion. Kahit nahihirapan tumayo ito ng maayos ay pilit hinarap ang mga kasama.
"That is an order."
May mga bahagyang yumuko nang makita siya.
"Sir Dylan."
Humarap si Dylan sa mga hybrids. Sebastian stared at him. Familiar ito sa kanya. Minsan na silang nagkaharap sa Van Zanth.
"Kailangan niyo ng umalis," sinabi ni Dylan. "Sa ngayon ay hindi makakatulong sa sitwasyon ang pananatili natin sa iisang lugar."
BINABASA MO ANG
Living with a Half Blood
ФэнтезиNapansin agad ni Laura Arden ang mga kakaibang bagay sa bayan ng Van Zanth sa unang araw niya pa lamang dito. Lalo na noong nalaman niyang sa isang lumang mansion siya titira. Pakiramdam niya nagsisinungaling si Aunt Helga noong sinabi nito na silan...