Chapter 17: The Beta
Kinabukasan ay ang araw ng pag alis ni Venise. Linggo. Sinubukan kong umiwas noong araw na yon. I stayed outside or at the back of the mansion so I wouldn’t interfere with anything. Hindi ko na ulit gustong maramdaman ang sakit na naramdaman ko kagabi.
Hindi ko maintindihan kung bakit ko nararamdaman ang mga emosyong yon. Alam kong kailangan ko ng itigil ito. Whatever this is— this is foolishness. Pero sa tuwing makakasalubong ko siya I felt like losing my grasp, my senses, because of these foreign emotions.
Nakasalubong ko siya sa pagbaba ko sa kusina. Maaga siyang nagising noong umagang yon. His hair was quiet disheveled. Mukhang hindi siya masyadong nakatulog. Mahahalata na wala din siya sa mood dahil sa bahagyang nakakunot niyang noo.
Nagkasalubong kami sa hallway na papunta sa kusina. Napaatras ako nang magtama ang paningin namin. Napansin niya ito. Gusto kong bumalik na lamang upang maiwasan siya. Sariwa parin sa pakiramdam ko ang sakit na naramdaman ko kagabi kaya hindi ko mapigilang umiwas.
Tinitigan ako ni Zander. Akala ko noong una may sasabihin siya. Bahagya akong nagbow. Dahil natatakot ako na kapag tinitigan ko din siya sa ng mga mata makikita niya ang sakit na pilit kong tinatago. Wala akong karapatang masaktan ano man ang makita o marinig ko. Lalong lalo na pagdating kay Zander. Kailangan kong alalahanin ang position ko sa lugar na ito.
I’m a stranger in Van Zanth and that’s all I ever be.
Hindi siya nagsalita. Narinig ko lamang siyang bumuntong hininga. Zander cursed under his breathe bago nagpatuloy sa paglalakad. Pero bago tuluyang nakaalis, napansin ko ang nakakuyom niyang kamao.
He seemed to be resisting himself.
Tanghali noong umalis si Venise. Nagpaalam siya sa akin. I tried to smile. Noong kaharap ko siya, doon ko napagtanto ang isang bagay. I was staring at a girl Zander cared about. And I’m jealous.
I was left dumbfounded with that realization. Nakaalis na si Venise pero nanatili ang pakiramdam na yon. It’s physically and emotionally hurting me to see Zander and Venise together. And nothing makes sense to me anymore. Natatakot ako sa kahihinatnan ng nararamdaman ko. Not with him— not with their alpha.
Naging tahimik ang mansion matapos umalis ni Venise. Bumalik sa dati ang lahat. Nanatiling muli sa third floor si Zander. Gusto ko ng pagsabihan ang aking sarili na tumigil sa nararamdaman ko. If I could only command myself to stop. Hindi ko ito kailangan. I can’t fall for the alpha.
Noong hapon na yon pinili kong bumaba sa bayan. I was hoping I can distract myself and forget what happened and what I realized. Siguro naguluhan lamang ako sa pagdating ni Venise. Any reasons would do. Hwag lamang yon. Pero alam kong lolokohin ko lamang ang sarili ko.
Because every time I remember the intimate moments Zander and I shared, sa mga pagkakataon na yon pakiramdam ko pareho kami ng nararamdaman. We breathe the same air, fueled by the same fire, and crave for each other’s touch. Sa mga pagkakataon na yon hindi ko mapigilan na umasa.
I know there’s something between Zander and I. Hindi ko man ito maipaliwanag pero hindi ko mapigilang umasa na hindi lamang ako ang nahuhulog sa mapanganib na bagay na ito.
Bumaba ako sa sasakyan pagdating ko ng bayan. Pinark ko ito sa bukana ng downtown. Gusto kong maglakad lakad. I want to clear my mind even just for a little while. Dahil Linggo at walang pasok, madaming tao ang makikita sa downtown. Karamihan sa kanila ay naglalakad lakad din tulad ko. It was a clear lazy Sunday afternoon.
Pero habang tumatagal, napapansin ko na bawat madaanan ko ay napapatingin sa akin. Ang iba sa kanila ay bubulong sa katabi na tila ba ako ang pinag uusapan. Hangang ngayon tila hindi parin sila sanay na nakikita ang estrangerong tulad ko sa kanilang bayan.
BINABASA MO ANG
Living with a Half Blood
FantasyNapansin agad ni Laura Arden ang mga kakaibang bagay sa bayan ng Van Zanth sa unang araw niya pa lamang dito. Lalo na noong nalaman niyang sa isang lumang mansion siya titira. Pakiramdam niya nagsisinungaling si Aunt Helga noong sinabi nito na silan...