Chapter 39: Final Chapter
Bumungad kay Laura ang maliwanag na paligid. Madami ang mga matang nakatingin sa kanya. Kumurap siya. Sinusubukang mag adjust ng kanyang paningin. Nasaan ba siya? Walang familiar sa mga mukhang kanyang nakikita.
"She's awake."
Isang tunog ng aparato ang pumukay sa kanyang pansin. Tinitigan niya ang monitor na nakakabit sa kanyang kamay.
"Naririnig mo ba kami?"
"Ano ang nararamdaman mo?"
It was too hazy. Her vision was unfocus. Isang familiar na boses ang kanyang narinig.
"Laura, salamat at gising ka na."
Bumaling si Laura kay Dylan. Sa familiar na mukhang kanyang nasilayan tila biglang bumalik sa kanya ang lahat. Humawak siya sa kanyang tyan.
"My... baby,"
"Maayos ang kalagayan ng bata," sinabi ng isang nurse.
Nakahinga ng maluwag si Laura. Linibot niya ang tingin sa paligid. In the corner of her eyes she saw Miss Loraine standing on the doorway. Ngunit tila hindi ito makalapit. Ang mga mata nito puno ng takot, ng pangamba. May luha din sa mga mata nito.
"Zander..." said Laura. "Where is Zander?"
Nagkatinginan ang mga tao sa loob ng maliwanag na kwarto. Bumaling si Laura kay Dylan.
"Nasaan si Zander? Nandito... nandito ba siya?"
"He's not... here." Masakit kay Dylan magsinungaling. Ngunit kailangan niya ito gawin. "Pero papunta na siya."
Ngumiti si Laura. "Gusto ko na siyang makita..."
"You will. Pero sa ngayon kailangan mo munang magpahinga."
Tumango si Laura. Ilang test ang sinagawa sa kanya ng ilang nurse. Nang matapos, nanatili si Laura sa kanyang kwarto. Umupo siya sa kama. Naghihintay.
"Darating ba siya ngayong araw?" tanong niya kay Dylan.
Lumipas ang ilang segundo bago sumagot si Dylan. "Hindi ako sigurado."
"Si Lolo... nasaan siya?"
"Nasa mansion siya sa mga oras na ito. Hindi mo na kailangan pang mag alala, Laura. Tinanggap na niya ang kanyang pagkakamali."
Isang payapang pakiramdam ang bumalot kay Laura. Napatingin siya sa bintana habang hawak ang kanyang sinapupunan.
"Ano ang magiging reaction ni Zander kapag nalaman niya?" Ngumiti si Laura. "Gusto ko ng sabihin sa kanya. Gusto kong makita ang kanyang mukha kapag nalaman niya na magkaka-anak na kami."
Napansin ni Laura ang pagiging tahimik ni Dylan. "What's wrong?"
"Nothing. Magpahinga ka na."
Bumaling si Laura sa nakasarang pintuan.
"Where's Miss Loraine? I saw her earlier. Bakit hindi siya pumasok?"
"Laura... kailangan mong magpahinga. They will be here later."
Bumaling si Dylan sa nurse na nasa kwarto na nagmomomitor ng kalagayan ni Laura. Tumango ito at sinara ang kulay asul na kurtina na nakapalibot sa higaan ni Laura.
"Dylan?" tanong ni Laura. "He's... he's okay right?"
Napakurap si Dylan sa tanong ni Laura.
"I had... I had a strange dream... I..."
Bumukas ang pinto. Hindi naituloy ni Laura ang sasabihin. Pumasok ang isang bantay.
"Sir Dylan..."
BINABASA MO ANG
Living with a Half Blood
FantasyNapansin agad ni Laura Arden ang mga kakaibang bagay sa bayan ng Van Zanth sa unang araw niya pa lamang dito. Lalo na noong nalaman niyang sa isang lumang mansion siya titira. Pakiramdam niya nagsisinungaling si Aunt Helga noong sinabi nito na silan...