Chapter 24: You're Mine
Naalimpungatan ako dahil sa matinding sakit na bumabalot sa aking katawan. Napadaing ako. Binuksan ko ang aking mga mata at napatingin sa maliwanag na paligid. Umupo ako sa kama. The sunlight was spilling from the open window. Pumapasok din doon ang malamig na hangin ng umaga. Tahimik at maaliwalas ang buong paligid.
"How are you feeling?"
Napalingon ako sa nakatayong lalake sa aking kwarto. Nakasandal siya sa pader at pinagmamasdan ako. Kumunot ang noo ko. Sumasakit parin ang ulo ko at hindi ko masyadong maaninag ang mukha niya. Nakatayo siya sa sulok ng aking kwarto. Tila ayaw akong lapitan.
Sinubukan kong umalis sa aking kama. Subalit muli kong naramdaman ang sakit sa aking likod. Dalawang kamay ang biglang umalalay sa akin at muli ako nitong pinapaupo sa kama.
"Hwag kang masyadong gumalaw."
Doon nagregister sa akin kung sino ang kausap ko. Naging malinaw ang kanyang boses dahil sa paglapit niya sa akin.
"Zander."
Bigla kong naalala ang mga nangyari noong nakaraang gabi. Ang party sa mansion, ang sayawan, ang pag alis ko, ang mga rogues sa kakahuyan, at si Zander. Pinagmasdan ko ang kanyang mukha. Malayong malayo na ito sa Zander na kinakatakutan ng lahat kagabi.
Tinitigan niya ako. I saw relief in his eyes. Pero maliban doon isang kakaibang expression ang makikita sa kanyang mga mata. It was longing na tila matagal niya akong hindi nakita. Hinawakan niya ang gilid ng aking mukha. Napapitlag ako sa kakaibang pakiramdam na dinulot ng pagkakadikit ng aming balat. At tila ba naramdaman ko ang kanyang nararamdaman sa mga oras na ito. I leaned on his palm.
"Are you feeling better?"
Tumango ako. It was a strange sensation, like something has been reborn and I was staring at something new. Tila isang importanteng bagay ang nasira ngunit naibalik sa akin ng bago.
"Wala kang malay ng dalawang araw."
Natigilan ako sa kanyang sinabi. Dalawang araw? Kung ganoon ay hindi kahapon nangyari ang lahat. Napatingin ako sa orasan. Ten o'clock ng umaga. Doon ko napansin ang mga gamit kong nakaempake sa sahig at ang aking maleta. Dapat nakaalis na ako two days ago. Dapat nasa Charlotte sa mga oras na ito.
Sinubukan kong muling umalis sa kama. "My train ticket..."
Hinawakan ni Zander ang aking kamay. Napalingon ako sa kanya. Humigpit ang kanyang pagkakahawak ng makita ang nalilito kong mukha. Nagkaroon ng panandaliang katahimikan bago siya nagsalita.
"Stay." he said. "Stay here with me. Stay in Van Zanth."
Natigilan ako at hindi agad nakasagot. Nanatili ang mga kamay niyang hawak ako. Hinila niya ako palapit sa kanya. Bahagya akong bumanga sa kanyang dibdib. His familiar scent enveloped me. Clean, minty, with hints of woody outdoor scent. Naramdaman ko ang kanyang braso na bumalot sa akin. Niyakap ako ni Zander.
"Please stay, Laura."
Tinitigan ko siya. Ramdam ko ang tibok ng kanyang puso at ang banayad niyang paghinga. Zander and I, we both made our decision in the party. Those are the words that I dream to hear from him. Pero ngayong magkasama na muli kami, ngayong kaharap ko siya, hindi ko na alam kung ano ang aking susundin.
"Pero Zander—"
Paano ka? Paano ang Van Zanth? They can never accept me as your mate, Zander.
"As long as I'm still the alpha, they will have no choice but to accept you."
Natigilan ako sa kanyang sinabi. As long as I'm still the alpha. Maaari ba talagang mawala ito dahil sa akin? Would I risk it? Would we risk it? Tinitigan ko si Zander. Walang ano mang pag aalinlangan ang makikita sa kanyang mukha. Handa siyang sumugal.
BINABASA MO ANG
Living with a Half Blood
FantasiNapansin agad ni Laura Arden ang mga kakaibang bagay sa bayan ng Van Zanth sa unang araw niya pa lamang dito. Lalo na noong nalaman niyang sa isang lumang mansion siya titira. Pakiramdam niya nagsisinungaling si Aunt Helga noong sinabi nito na silan...