Chapter 5: The Cat
Noong weekend, matapos ang aking trabaho ay dumerecho ako sa study room ng mansion. Sinubukan kong buksan ang lumang computer na nandoon. Nakahinga ako ng maluwag nang makitang gumagana pa ito. Sinubukan kong isearch ang mga salitang narinig ko nitong mga nakaraang araw.
Alpha.
Madaming lumabas na search result. Pero ang pinaka nakakuha ng pansin ko ay ang tungkol "alpha males". I clicked the link at dinala ako nito sa isang website tungkol sa mga hayop.
Kumunot ang noo ko. Plano ko na sanang pindutin ang exit button nang matigilan ako sa paragraph na nabasa ko.
Most animal live in packs. Within each pack, a hierarchy exists. The pack leader is called the alpha male. The alpha male animals occupy the dominant rank in their respective hierarchies.
Animals? Muli akong nag search: Beta.
The second in command in a pack. A beta is essential in packs. Beta helps the alpha male in protecting their territory from outsiders or from common interior threats to the hierarchy.
Tinitigan ko ang screen ng ilang segundo bago nag decision na tuluyang patayin ang computer. Bahagya akong pumikit at huminga ng malalim.
Ano ba itong ginagawa ko? Nababaliw na ata ako. Impossible na may kinalaman ang mga taong nakakasalamuha ko araw araw sa mga bagay na ito.
Isang imahe ang pumasok sa isip ko dahilan para humigpit ang hawak ko sa edge ng mesang nasa harapan ko. Animals. Humans. Pumikit ako at umiling. Hindi. It doesn't make sense. There must be an explanation here. A more logical, more reasonable explanation.
Pagpasok ko noong sumunod na lingo ay hindi ko na napigilan na tanungin si Sebastian. Matapos ang klase ay nakita ko siyang tila papunta sa kakahuyan sa likod ng school.
Nagtaka ako dahil dito. Sumunod ako sa kanya. Nasa bungad na siya ng kakahuyan nang tumigil siya sa paglalakad. Maging ako ay napatigil sa aking paghakbang.
Napakurap ako ng bigla siyang lumingon sa akin. Pinagmasdan niya ako, tila ba inaasahan na kung sino ang makikita. Nakapamulsa siya, nakataas ang kilay, nagtatanong ang mga mata.
"May kailangan ka?" tanong niya.
"May itatanong lang ako." sagot ko.
A small frown crossed his lips.
"Magkasama tayo sa room kanina. Hindi mo ako kailangang sundan para magtanong."
"Hindi ako komportableng tanungin ito kung may ibang makakarinig." sinabi ko.
Dahil hindi ko din alam kung may sense ba ang mga sasabihin ko. Baka mapagkamalan akong baliw. At least, kapag sinundan ko si Sebastian siya lang ang makakarinig. I could take one person thinking I'm insane.
"Ano ba yon?"
Napansin ko na napahikab siya. Nakakatulog ba siya ng maayos? Para kasing lagi siyang inaantok. Sa classroom madalas ko siyang nakitang nakatungo sa mesa at mukhang umiidlip.
"Narinig ko kasi na tinawag ka nilang beta. Ang mansion kung saan ako nakatira, mansion ng alpha." Napalunok ako bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Ito ba ang hierarchy sa bayan na ito?"
Tinitigan niya ako. Napansin ko na tila natigilan siya sa aking sinabi. His eyes were watching me.
"Hindi ko alam ang sinasabi mo."
Natigilan ako. May pakiramdam ako na hindi siya nagsasabi ng totoo. Hindi ko ba pwedeng malaman? Dahil ba hindi ako taga Van Zanth? Isa ba ito sa mga tinatago nilang sekreto?
BINABASA MO ANG
Living with a Half Blood
FantasíaNapansin agad ni Laura Arden ang mga kakaibang bagay sa bayan ng Van Zanth sa unang araw niya pa lamang dito. Lalo na noong nalaman niyang sa isang lumang mansion siya titira. Pakiramdam niya nagsisinungaling si Aunt Helga noong sinabi nito na silan...