Chapter 3: Flicker

603K 25.2K 5.1K
                                    

Chapter 3: The Flicker

Nakauwi na ako mula sa downtown pero hindi maalis sa isip ko ang narinig. Nasa second floor ako noong hapong yon at naglilinis sa study room ng mansion.

Alpha.

Paulit ulit itong sumasagi sa isip ko. Ano ang ibig sabihin ng salitang ito? Sino ang tinutukoy ng babae sa bookshop?

Hindi ko sinabi ang nalaman ko kay Aunt Helga. Pakiramdam ko siya mismo may tinatago sa akin. Hindi ko gustong maghinala pero hindi ko maiwasan. Habang tumatagal mas nararamdaman ko na may kakaiba sa mansion kung saan ako nakatira.

Noong gabing yon ay sinubukan kong isa-isahin ang mga kakaibang bagay na napapansin ko sa bayan at sa mansion. At maliban sa sinabi ng babae mula sa bookshop ay may isa pang tanong sa isip ko.

Ang Vindershack.

Ang tindahan kung saan ako inutusan ni Aunt Helga. Isa itong tindahan ng mga traditional medicines. Karamihan sa tinitinda nila ay mga halamang gamot. Noong binigay ko ang papel sa matandang lalakeng nandoon tulad ng utos ni Aunt Helga ay inabot niya ang agad ang brown paper bag na tila ba inaasahan na ako. Isang bote ang laman nito. Isang uri ng gamot na pampakalma.

Halos hindi ako nakatulog noong gabing yon. Sari saring tanong ang naglalaro sa isip ko. Isang imahe ang huli kong naalala bago pumikit ang aking mga mata. Ang mukha ng lalakeng nasa picture frame sa hallway.
Sino ba talaga siya?

Alas dose ng gabi nang maalimpungatan ako. Isang kakaibang ingay ang narinig ko. Para bang may bumagsak na mga gamit sa sahig. Malakas at puno ng pwersa.

Tuluyang nawala ang aking antok. Lalo na nang mapagtanto ko na nagmumula ang ingay sa third floor.

Bigla akong napaupo sa kama. Anong nangyayari?

Muling kong narinig ang ingay. Para bang may gustong sirain ang mga gamit na nandoon. Nagsimulang dumagondong ang kisame dahil sa pagbagsak ng mga gamit sa third floor.

Ano bang nangyayari? Bakit mukhang may nagwawala sa loob ng mansion?

Mabilis akong umalis sa kama at dumerecho sa pintuan. Gusto kong gisingin si Aunt Helga. Subalit nabigla ako nang pagbukas ko ng pinto isang maliit na liwanag ang nakita ko sa hallway.

Naaninag ko si Aunt Helga na may dalang lampara habang naglalakad. Nagmamadali siyang umakyat sa hagdan papunta sa third floor. Nakatalikod siya mula sa akin ngunit narinig ko ang isang familiar na salita mula sa kanyang labi.

Alpha.

Pag gising ko kinabukasan, alam kong kailangan ko ng magtanong. Alam kong may hindi tama sa lugar kung saan ako nakatira at kailangan kong malaman ito. Habang kumakain ng breakfast kasama si Aunt Helga ay napag decision kong magtanong tungkol sa ingay kagabi.

"Hindi maayos ang pagkakasalansan ko ng mga gamit kaya nahulog sila sa sahig." sagot niya.

Nagpatuloy siya sa pagkain. Pakiramdam ko inasahan niya na itatanong ko yon. Her answer almost came out as automatic.

Nawala ang plano ko na magtanong pa. Pakiramdam ko wala din siyang balak sagutin ang mga ito. Gusto kong isipin na totoo ang sinabi ni Aunt Helga. Mas mabuti na yon kesa ang tangapin na napa-paranoid na ako tungkol sa lugar na ito.

Lumipas ang mga araw at nanatiling tahimik ang pananatili ko sa mansion. Kung may nakikita man ako ay hindi ko na ito pinagtutuunan ng pansin. Isa lamang ang gusto kong mangyari. Ang maging tahimik ang pananatili ko dito sa mansion. Hindi ko kailangan ng gulo.

Nagkaroon ako ng routine sa araw araw. Sa umaga ay gigising at kasamang mag aalmusal si Aunt Helga. Matapos ang almusal ay pupunta na kami sa kanya kanya namin mga trabaho. Siya sa third floor at ako sa ibaba.

Living with a Half BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon