Chapter 35: Fear
"Miss Laura."
Narinig ko ang tawag ng tagapagsilbi. Nanatili akong nakahiga sa kama.
"Miss Laura, kumain na kayo," sinabi nito.
Nilapag niya ang dalang tray sa malapit na mesa. Isa siyang may edad na babae na naatasan na magbantay at magsilbi sa akin sa bahay na ito.
"Hindi niyo parin ginagalaw ang pagkain niyo mula kaninang umaga."
Patuloy ito sa pagsasalita, pero hindi na ako nakikinig. Wala akong ganang kumain, o tumayo, o gumawa ng kahit ano. Wala na akong lakas. I've been trying to get out of this room for the past two days. Nanghihina na ako.
"Miss Laura, pakiusap."
Pakiusap? Halos magmakaawa ako palabasin lang ako dito. Pero walang nakinig sa akin.
Bumuntong hininga ang tagapagsilbi. Bumalik ito sa tapat ng pintuan kung nasaan ang dalawang tagapagbantay, upang masigurado na hindi ako makakalabas sa kwartong ito.
"Ano ang gagawin natin?" Narinig kong tanong ng matanda. "Mula kahapon tubig pa lang ang kanyang ginagalaw."
Pinikit ko ang aking mga mata habang nakahiga sa kama. I drowned their voices out. Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong panghihina. Ngunit hindi ko gustong tumangap ng ano man mula sa bahay na ito.
Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pintuan. Bumalik sa pagiging tahimik ang aking kwarto nang makaalis ang tagapagsilbi. Nanatili sa labas ang mga tagapagbantay. Binuksan ko ang aking mga mata at muling tinitigan ang kwartong naging aking kulungan.
Malaki ang kwarto. It was well kept as if waiting for me all along. But it was empty. Even with all the drawers, furniture, dresses, and silver framed paintings, everything felt bare and empty.
Lights spilled from the window. Ang mga bintana ay pinaliligiran ng rehas na bakal mula sa labas. Sa mga siwang nito nakikita ko ang tutok ng mga puno sa kalapit na kakahuyan, at ang maulap na kalangitan.
Tanging ang tunog ng kamay ng orasan ang maririnig na ingay, kasabay ang marahang yapak ng tagapagbantay sa likod ng pintuan. Tuwing oras ng pagkain magdadala ang tagapagsilbi sa kwarto. Ngunit hindi ko ito gagalawin, hangang sa madatnan niya ito pagbalik.
Muli akong pumikit. I'm tired. Halos ayaw ko ng magising. In my dream I was with Zander, and everything were calm and peaceful. It felt so real, yet so foreign.
I also remembered my Dad. I remembered his smiling face on the frame in the hallway. Were you happy here, Dad? Were you once a kid running through this hallways? Was the sound of your laugh a history in this place? And did it kill you? Did it kill you when you had to cursed and leave the place you've grown?
I never had a place to call home. I never grew attached. It's what I always tell myself, to have a clean break, to leave without leaving a piece of you. Ito ang nangyari sa Charlotte. At ito din ang balak kong mangyari noong una akong tumapak sa Van Zanth. To leave without traces, to leave without leaving a piece of me behind.
But then there's Zander... he didn't just took a piece of me, he took my other half. And I know he's waiting for me.
Oras ang lumipas nang muli kong sinubukang bumangon. Maybe... maybe if I talk to my Grandpa enough he would hear me. I need to take another try.
Sunshine washed my pale face as turned into the direction of the window. I tried to walk to the door. Pero halos muli akong bumagsak. Umikot ang aking paligid. Napahawak ako sa table. Nasagi ko ang tray ng pagkain at bumagsak ito sa sahig. The glass of water shattered into pieces.
BINABASA MO ANG
Living with a Half Blood
FantasíaNapansin agad ni Laura Arden ang mga kakaibang bagay sa bayan ng Van Zanth sa unang araw niya pa lamang dito. Lalo na noong nalaman niyang sa isang lumang mansion siya titira. Pakiramdam niya nagsisinungaling si Aunt Helga noong sinabi nito na silan...