Chapter 12: Confirmation

612K 26.8K 7.7K
                                    

Chapter 12: Confirmation

Nasa loob ako ng aking kwarto noong gabing yon. Kasalukuyan kong tinatapos ang isang essay. But every now and then I found myself stopping in the middle of a sentence to wonder about the certain things.

Ilang araw na ang lumipas mula noong nag usap kami ni Sebastian. Pero hindi parin maalis sa isip ko kanyang sinabi. It was surprising enough that Zander has a sibling. Pero ang nakakabigla ay ang kwento sa likod nito. Their family seems to be perfect. Noong binabasa ko ang tungkol sa pamilya Van Zanth ay hindi ko mapigilan na humanga. Pero madaming bagay na nakatago sa likod ng magagandang salita sa pahina o tinta.

Habang lumalaki si Zander ay natutunan niya ang pagiging responsible at kalmado sa mga sitwasyon. His moves and decisions are calculated. Hindi pa man siya tumutungtong sa tamang edad ay humahalili na siya sa kanyang ama sa mga responsibilidad nito. He was expected to be a strict alpha, maybe ruthless, but nevertheless a good one. At hindi sila nagkamali. Naging magaling siyang pinuno sa loob ng unang tatlong taon.

Subalit mula noong nangyari ang sunod sunod na gulo sa pamilya Van Zanth ay tila doon nagsimulang magbago si Zander. Unti unti siyang naapektuhan ng kawalan ng mga taong mahalaga sa kanya. Madalas na siyang mawalan ng control. At ang pagiging half blood na hindi naging problema noon ngayon ay nakakaapekto na sa kanya.

Pilit kong binalik ang attention ko at nagpatuloy sa pagsusulat. Maybe he was too focused on being an alpha he started to lose himself as Zander. Tahimik ang buong mansion noong gabing yon. Kaya naman madali kong napansin ang kakaibang ingay na biglang pumuno dito. Tumigil ang kamay ko sa pagsulat at pinakingan ito. Nagmumula ang ingay sa third floor.

Natigilan ako nang mapagtanto na ingay ito ng mga nagbagsakang gamit sa sahig. Alam ko ang ibig sabihin ng ingay na ito. Hindi ko alam kung bakit pero agad akong umalis mula sa silya. Halos matumba ito sa biglaang pagtayo ko. Isa lamang ang pumasok sa isip ko noong oras na yon.

Zander.

Palabas na ako ng kwarto nang bigla akong tumigil. Ano nga ba ang gagawin ko? Zander doesn’t want me, or anyone meddling in this kind of situations. Nanatili ang kamay ko door knob. Alam kong hindi dapat ako makialam. Yon ang paulit ulit na paalala ko sa sarili. Pero namalayan ko nalang na pinipihit ko na ang door knob. Lumabas ako ng kwarto.

Narinig ko ng malinaw ang ingay paglabas ko ng hallway. Other than the sharp disturbing sound, the mansion was silent. Humarap ako sa staircase na papunta sa third floor. Natigilan ako noong mapansin ang pagbaba ni Aunt Helga mula dito. Nagmamadali siya.

“Ano pong nangyayari?” tanong ko.

Sandali siyang napatingin sa akin, tila nagdadalawang isip kung maaari ba niyang sabihin sa akin. Maya maya pa ay umiling si Aunt Helga. “Wala ito.” sinabi niya. “Bumalik ka na sa iyong kwarto.”

“Pero Aunt Helga—“

Hindi ko ito masabi sa kanya dahil maging ako ay hindi din ito maintidihan. I know Zander is in pain. I can feel it.

“Kailangan ko lamang bumaba sandali. Bumalik ka na sa kwarto mo.” muli ay sinabi niya.

Hindi ako nakagalaw sa aking kinatatayuan. Hindi ko napigilan si Aunt Helga. Nagpatuloy siya sa paglalakad. Naglakad siya hallway at tuluyang ng nawala sa paningin ko.

Nanatili ako sa hallway. Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin. There’s this disturbing pricking over my body that made my hands tremble. Rinig ko ang ingay. Halos dumagundong ang kisame sa itaas ko dahil sa impact ng pagbagsak ng mga gamit na akala mo ay hinahagis. Naririnig ko ang kanyang sigaw. Para bang nasasaktan siya.

Living with a Half BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon