Chapter 38: Wavering
Nanatili si Zander sa tabi ni Laura. Hawak niya ang kamay nito. Lumabas si Dylan at ang kanyang Lolo sa kwarto. In their grandfather's face was letting go. But at the same time, Dylan never saw his face as peaceful as this. Tila sa pagtanggap niya kay Zander, kasama nitong binitawan ang galit na matagal na naipon sa kanyang puso.
"Gusto ko lang siyang protektahan," sinabi nito habang sila ay nakatayo sa hallway. "Hindi ko nagawa iyon sa kanyang Ama. Kaya noong nalaman ko na buhay ang aking apo, gusto ko siyang ibalik dito. Ito ang kanyang tahanan."
"There is already someone who can protect her more than we can," said Dylan. "She is Zander's mate, the mother of the alpha's child. Hindi natin maaaring alisin ang bagay na 'yon sa kanya."
"Ganoon ba nila kamahal ang isa't isa upang isakripisyo ang sarili nilang kaligtasan? Ang buong akala ko ay ginagamit lamang si Laura upang sila ay maghiganti. Alam mo ang gulo sa pagitan ng ating mga pamilya. Pero noong nakita ko ang kanilang pagsakripisyo, natakot akong isipin na maaaaring ako ang hadlang sa kanilang kaligayahan. Ako ang ginagamit ang sarili kong apo upang makapaghiganti."
Ito ang unang pagkakataon naging bokal ang kanilang Lolo sa kanyang iniisip.
"Laura is a strong girl," said Dylan. "May sarili siyang pananaw at desisyon. Madami na ang kinuha ng kanilang uri sa atin. But not all of them should be treated as enemies. Lalo na ngayong magkaka-anak na sila ng alpha."
His grandfather sighed. Tila ba pagod na pagod na ito.
"Tawagin mo nalang ako kapag may pagbabago na sa kanyang kalagayan."
Tumalikod ito at sinamahan ng dalawang bantay paalis. Ngunit bago tuluyang umalis sa hospital, may huli itong hinabilin.
"Pakainin niyo ang alpha at gamutin ang kanyang sugat.
Hindi ko gustong madatnan ng apo kong sugatan ang kanyang mapapangasawa."Yumuko si Dylan sa kanyang Lolo at nagpaalam. Isang ngiti ang makikita sa labi nito.
"Salamat, Lolo."
Bumalik sa kwarto ni Laura si Dylan. Nandoon parin si Zander at nagbabantay. Naka pikit ito habang hawak ang kamay ni Laura. Dylan wonder if he is conscious. Kanina pa kasi ito hindi gumagalaw sa kanyang position. Lumapit si Dylan at tinapik si Zander. Napaatras siya nang bigla nalang itong bumagsak mula sa pagkakaupo sa silya.
"Zander,"
Hindi ito sumagot. Wala na itong malay. Napamura si Dylan. Akmang lalabas siya sa kwarto upang tumawag ng doctor nang mapansin niya ang linya sa monitor na konektado kay Laura. Nagsimula itong mag ingay. Ano ang nangyayari?
Tumakbo si Dylan sa hallway at tinawag ang mga doctor. Humahangos na pumunta ang isang doctor at ilang nurse sa kwarto. Agad nilang dinaluhan si Zander. Ang iba ay inasikaso si Laura. Nakatitig si Dylan at hindi alam kung ano ang gagawin. Tila konektado ang buhay ng dalawa. Si Zander at si Laura. Hindi. Matatapos na ang problema. Hindi sila maaa ring sumuko ngayon.
Dinala sa emergency room si Zander. The beating and blinking on Laura's monitor continued. The green wave on was slowly wavering. Naihilamos ni Dylan ang palad sa kanyang mukha.
"Pasensya na, Sir pero kailangan niyong lumabas."
Walang nagawa si Dylan kundi iwan si Laura. Nagpalakad lakad siya sa hallway. Naghihintay. Isang bantay ang lumapit sa kanya.
"Sir, may bisita po tayo galing sa Van Zanth."
Tinitigan ni Dylan ang tinutukoy ng bantay. Mula sa pintuan sa dulo ng hallway nakatayo si Miss Loraine at Sebastian.
BINABASA MO ANG
Living with a Half Blood
FantasíaNapansin agad ni Laura Arden ang mga kakaibang bagay sa bayan ng Van Zanth sa unang araw niya pa lamang dito. Lalo na noong nalaman niyang sa isang lumang mansion siya titira. Pakiramdam niya nagsisinungaling si Aunt Helga noong sinabi nito na silan...