Chapter 4: The Letter

594K 24.5K 3.4K
                                    

Chapter 4: The Letter

Ilang beses akong napapatingin sa staircase papunta sa third floor tuwing maglilinis malapit dito. I shouldn't be curious but I can't help it. Malinaw na ngayon na may tinatago ang mga tao sa bayan na ito. At sino ba talaga ang tinutukoy nila tuwing nababangit ang salitang alpha?

Noong gabi bago ang araw ng unang klase ko sa bayan hindi ako nakatulog ng maayos. Nangangamba ako. Ang mga tao sa bayan, hindi sila normal. At hindi ko gustong malaman kung bakit.

Maaga akong nagising kinabukasan kahit halos wala akong tulog. Naghanda ako sa pagpasok at nagpaalam kay Aunt Helga bago umalis ng mansion. Simula na ng pasukan sa bayan. Ngayon ko lamang nakita na ganito kabusy sa downtown mula noong unang araw ko dito.

Halos nahirapan akong pumasok sa campus dahil sa mga sasakyan na kasabay ko. May ilang na naglalakad. Pilit kong pinagsawalang bahala ang pangamba ko. Everything seems normal so far.

I parked the car on the parking lot. Bumaba ako mula sa sasakyan. Kinuha ko ang backpack ko at ilang libro. Nagsimula akong maglakad kasabay ang ilang mga estudyante na nagmamadaling pumasok sa building. Subalit hindi pa ako nakakalayo nang pagtinginan nila ako.

I suddenly became conscious of their stares. Ang iba nagbulungan. Ilang salita ang narinig ko sa mga usapan nila. Bagong salta. Mansion ng Van Zanth. Maging ang pangalan ni Aunt Helga ay nabangit nila. At ang familiar na salitang yon. Alpha.

Ilang hindi makapaniwalang tingin ang aking natangap. Ang iba ay tila pinag aaralan ako. May kung ano sa kanilang tingin na dahilan para umiwas ako. Their stares made me feel like they know something I didn't.

Hindi ko sila pinansin at tumuloy sa pagpasok sa building. Ang community college sa bayan ay hindi malaki. Ilang course or certificate programs lamang ang ino-offer dito tulad ng General Education, Liberal Arts, Accounting, Law Enforcement, Technical Courses, and Practical Nursing. I was taking Liberal Arts on Charlotte at nasa huling taon na ako.

Bawat madaanan kong estudyante ay tila napapatingin sa akin. Dumerecho ako sa isang seminar room sa dulo ng hallway. Nakahinga ako ng maluwag nang makitang halos walang tao dito. Theater style ang seminar room kaya naman bahagyang madilim. Pinili ko ang pinakamataas na row at naghintay doon para sa aming unang subject.

Lumipas ang ilang minuto at nagdatingan ang mga kaklase ko. Halos nasa thirty lamang kami. Karamihan ay muling napatingin sa akin. Pero tahimik akong nagpasalamat sa ibang tila walang pakialam.

Binuksan ko ang librong dala ko at nagbasa habang naghihintay at para iwasan na din ang tingin nila. Inalis ko ang attention sa libro nang may marinig akong familiar na boses.

"Kita mo nga naman magkaklase pala tayo."

Bumaling ako sa lalakeng kanina lamang ay nadaanan kong nakatungo sa kanyang mesa at mukhang natutulog. Ngayon nakaharap na siya sa akin at pinagmamasdan ako.

"Sebastian."

"At your service." sinabi niya. "At natandaan mo din ang pangalan ko."

Dahil hindi madaling kalimutan ang nangyari noong tumapak ako ng unang beses sa campus.

"Liberal Arts?" tanong niya.

Tumango ako. Nakaka panibago na hindi siya naiilang sa akin. Hindi tulad ng halos lahat ng estudyanteng makasalubong ko. Napansin ko na habang kausap ko si Sebastian ay tumigil sa bulungan ang iba.

Lumipas ang ilang minuto at dumating ang guro namin. Pinapunta niya ako sa harapan para magpakilala. Sinabi ko ang pangalan ko, kung saan ako galing, at saan ako nakatira sa Van Zanth.

Living with a Half BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon