Chapter 7: Hybrids
Thursday afternoon. Alas sais na ng gabi pero nasa paaralan parin ako dahil sa research paper na tinatapos ko. Paglabas ko ng Library ay madilim na. Halos wala ng tao sa loob ng school building at nakabukas na ang mga street lamps sa bawat sulok ng campus.
Nagmadali akong pumunta sa parking lot. Tumawag ako kay Aunt Helga kanina at sinabing malalate ako ng uwi dahil sa school requirements. Pero hindi ko parin maiwasang mag alala sa kanyang sasabihin. Habang naglalakad ako patawid sa maluwang na lawn sa side ng campus nahagip ng paningin ko ang ilang mga taong nasa dulo ng campus malapit sa kakahuyan.
Bakit ba ang hilig nilang pumunta doon kahit sa ganitong oras? Ano bang meron sa kakahuyan?Nagpatuloy ako sa paglalakad. Nang madaanan ko sa bakod na naghihiwalay sa baseball field at parking lot, bigla akong napadaing nang isang nakausling bakal mula sa bakod ang sumabit sa binti ko. Halos mapaupo ako sa biglaang hapdi na naramdaman.
Umupo ako at pinagmasdan ang ginawang sugat nito. "Shit." bulong ko.
I winced as blood immediately trickled from the cut. Ang hapdi. Kinagat ko ang labi ko habang kinakapa ang panyo sa bulsa ko. Kung kailangan pauwi na ako saka pa nangyari ito. Matapos pigilan ang pagdugo gamit ang tinaling panyo, muli akong tumayo.
Nagsimula ulit akong maglakad. Pero natigilan ako nang may maramdaman na may papalapit sa akin. Napalingon ako at nakita ang dalawang lalake at isang babae ang palabas ng school tulad ko. Bahagya silang napalingon sa akin. Mukha silang magkakaibigan.
Nakahinga ako ng maluwag nang lampasan nila ako at hindi pinansin. Pero natigilan ako nang tumigil sa paglalakad ang isa sa kanila. Bahagya itong tumingala tila may inamoy sa hangin. Napaatras ako nang bigla itong lumingon at nagtama ang mga paningin namin. Napansin ko na bumaba ang tingin nito sa puting panyo ko sa binti ko may mantsa ng dugo.
Biglang natigilan ang babaeng kasama niya at hinila ang braso nito. Narinig ko ang paulit ulit na sinasabi nito. Control your impulses. Bumaling ito sa isa pang lalakeng kasama niya, tila humihingi ng tulong.
"What are you doing? Calm him down!" sigaw nito.
Pero maging ang isa niya pang kasama ay tila hindi na siya naririnig. Nakatitig ito sa akin. Napaatras ako. Agad nagbago ang kulay ng kanyang mga mata. From dark to pale yellow. Hangang sa naging steady ito.
Tuluyang nagbago ang expression ng dalawang taong nasa harapan ko. They stares became dark and menacing. Tila nagbabago ang kanilang anyo sa mismong harapan ko at hindi nila magawang makontrol ang mga sarili.
Umatras ako. Hangang sa tumakbo na ako. Maging ang babae ay tila unti unti ng nawawalan ng kontrol. Ano bang nangyayari? Ano ba sila?
Tumakbo ako pabalik sa Library umaasa na may madadatnan pa doon. Pero isang kamay ang mahigpit na humawak sa braso ko. Napadaing ako. Doon ko napansin ang tila ba matutulis na kukong halos nakabaon sa aking balat.
Pilit kong hinila ang aking braso. Subalit napasinghap ako nang isandal ako nito sa bakod. Nag shake ang metal fence sa likuran ko dahil sa impact. Halos maluha ako dahil sa sakit. Nagpumiglas ako para makawala. Ngunit tuluyan akong nawalan ng hininga sa sumunod kong nakita.
The guy bared his teeth in front of me. At nakita ko ang bagay na kumislap mula sa liwanag ng lamp post na nasa likuran namin. Fangs. I'm seeing fangs.
Hindi ako nakagalaw. I stared at it, transfixed.Hangang sa isang familiar na boses ang nagbalik sa akin sa kasalukuyang sitwasyon.
"George, calm yourself down."
It was Sebastian. Kalmado siyang lumapit sa lalakeng nasa harapan ko at hawak ako. No. It was not my schoolmate anymore. It was a monster.
A low growl is all his response. Nagpatuloy ito sa paglapit sa akin hangang sa halos nasa tapat na ito ng leeg ko. It was like a de ja vu. Nangyari na ito sa unang beses kong tumapak sa campus.
BINABASA MO ANG
Living with a Half Blood
FantasyNapansin agad ni Laura Arden ang mga kakaibang bagay sa bayan ng Van Zanth sa unang araw niya pa lamang dito. Lalo na noong nalaman niyang sa isang lumang mansion siya titira. Pakiramdam niya nagsisinungaling si Aunt Helga noong sinabi nito na silan...