Chapter 16: Hurting
Venise is supposed to stay in the mansion for two days. Sa unang araw niya sa mansion ay lagi silang nag uusap ni Miss Loraine. Mukhang kinukumusta niya ang kalagayan ni Zander.
"Hindi pa ba gising si Zander?" tanong ni Venise bago kami magbreakfast noong umagang yon.
"Tulog pa siya sa mga oras na ito." sinabi ni Miss Loraine. "Hindi siya sumasabay sa pagkain gaya ng dati. Dinadalhan na lamang siya ng pagkain ni Senior Helga sa kanyang kwarto."
Bakas ang pag aalala sa mukha ni Venise.
"Kung ganoon gigisingin ko siya. Ako na din ang maghahatid ng breakfast niya sa itaas."
Natigilan ako dahil sa narinig. I felt a light stab on my chest. Like a silent warning of emotional instability. For a moment I thought Miss Loraine stared at me. Muli siyang bumaling kay Venise.
"Sure." She managed to smile. "But you know Zander is never a morning person, don't you?"
Ngumiti si Venise. "I'm very much aware of that."
Habang kumakain ay napansin ko napapatingin sa akin si Miss Loraine. May ilang bagay siyang sinabi, ordinary inquiries like how I plan to spend my long weekend. Sumagot ako subalit wala sa hapagkainan o sa usapan namin ang aking buong attention.
Habang kumakain, sinabi ni Miss Loraine na baka bumalik agad si Venise sa dining room dahil hindi gusto ni Zander na may gumigising sa kanya. Subalit natapos na kaming kumain ay hindi pa bumabalik si Venise.
"Sa tingin ko pumayag si Zander na kumain kasama niya." said Miss Loraine.
Bumaba ang tingin ko sa pagkain kahit pa tuluyan na akong nawalan ng gana. Nanghihina ako sa hindi malamang dahilan.
Matapos ang breakfast ay nag paalam ako na aasikasuhin ang garden. Sa labas ko napiling magtrabaho ngayon weekend. Para na din maiwasan kong makaharap ang mga tao sa loob ng mansion.
Subalit hindi ko magawang mag focus sa ginagawa ko. I often find myself stopping. Habang nakaupo sa harap ng tini-trim kong halaman hindi ko mapigilan na pakiramdaman ang aking sarili.
My heartbeat was unsually fast. Napahawak ako sa aking dibdib at huminga ng malalim. Hangang sa pumasok sa isip ko si Venise at Zander. Naalala ko ang pag aalala sa mukha ni Venise tuwing si Zander at pinaguusapan. They must have been really close.
Hindi maipagkakaila na isa siya sa pinakamalapit kay pinuno ng bayan na ito. They know each other better than any people in this town. They know each other's weaknesses and strengths. Alam ni Venise ang gusto at hindi nito gusto. Hindi siya natatakot na harapin ito. Because she knows a side of Zander I want to see even a glimpse of.
Magtatanghali na noong pumasok ako sa loob ng mansion. Subalit napatigil ako sa tapat ng pintuan nang mapansin na may kausap si Venise sa sala. Noong makalapit ako ay halos manghina ako nang makita kung sino ang kasama niya.
Zander was indeed on the first floor. He was never on the first floor in broad daylight. But there he was- talking to Venise. Nakakunot ang kanyang noo habang nakikipagusap. Venise on the other hand was talking with a smile on her face. They seemed to be having a friendly banter.
"Oh hi, Laura."
Napapitlag ako nang marinig ang pangalan ko mula kay Venise. Hindi ako nakapagsalita. I stared at Zander. Both of them stared at me. And in that moment I realized how good they look together. Napaka ganda nilang tingan na magkasama. Both high ranking and influential.
My chest constricted. Hindi ko alam kung napansin ba ito ni Zander. Napasin kong natigilan siya nang huminga ako ng malalim upang pakalmahin ang masamang pakiramdam ko. Pilit akong ngumiti kay Venise bago nag paalam na kailangan kong pumunta sa kusina.
BINABASA MO ANG
Living with a Half Blood
FantasyNapansin agad ni Laura Arden ang mga kakaibang bagay sa bayan ng Van Zanth sa unang araw niya pa lamang dito. Lalo na noong nalaman niyang sa isang lumang mansion siya titira. Pakiramdam niya nagsisinungaling si Aunt Helga noong sinabi nito na silan...