Chapter 1: New Town
Pinagmasdan ko ang papel na hawak ko habang patuloy sa pag andar ang train. Nakasulat doon ang halos hindi mabasa na pangalan ng isang bayan at station nito.
Station 11. Van Zanth.
Pinadala ako sa bayang ito matapos mamatay ang taong nagpalaki sa akin. Dito nakatira ang kapatid ni Aunt Wilhelmina na si Aunt Helga. Mula ngayong araw ay sa kanya na ako titira.
Ilang beses kong nakausap sa telepono si Aunt Helga bago ako magbyahe. Tagapangasiwa siya ng isang mansion sa bayan. Hindi gaanong nagsasalita si Aunt Helga tuwing kausap ko siya sa telepono. Straight forward at maikli lamang ang kanyang mga sagot.Makalipas ng ilang minuto huminto ang train. Napatingin ako sa labas ng bintana. Nagtaka ako nang makita ang masukal at nagtataasang mga damo sa gilid ng riles. Nasiraan ba kami? Hinintay ko na muling umandar ang train. Maya maya pa may narinig akong kumatok sa pintuan ng compartment kung nasaan ako. Bumukas ito at sumilip ang conductor.
"Miss, nandito na tayo." sinabi nito. "Station 11 Van Zanth."
Natigilan ako sa sinabi niya. Wait, what? Muli akong sumilip sa labas ng bintana. Kakahuyan at mga damo ang bumungad sa akin. This can't be. Ito na ba yon? Ang bayan ng Van Zanth. Kinuha ng conductor ang maleta kong nakapatong sa upuan. Hindi ako nakagalaw.
"Sandali lang po."
Sinundan ko siya hangang sa labas ng compartment. Dumaan kami sa makitid na hallway ng train. Lumabas ang conductor at nilapag ang maleta ko sa labas. Halos mapanganga ako nang makita na binalutan ng alikabok ang bag nang pumatong ito sa kahoy na platform.
Pinagmasdan ko ang lugar na nasa harapan ko. No, it's not a train station. Nakatayo ako sa tapat ng isang platform sa gilid ng riles. May sira sira at halos bumagsak na bubong, may bench na binabalutan ng alikabok, at isang street lamp na bitak. Binabalutan ng nagtataasang damo at malalagong puno ang gilid ng platform
Tumikhim ang conductor para ipaalam na siya ay naghihintay. Wala akong nagawa kundi bumaba mula sa train. Halos balutan ng alikabok ang aking sapatos nang tumapak sa kahoy na sahig. The wooden floor creaked with my weight. This can't be happening. Baka may mali lang. Hindi pwedeng ito ang Van Zanth. There is nothing here. Not even a proper train station.
Napapitlag ako nang maramdaman ang pag andar ng train. Wait. Hindi nila ako pwedeng iwan dito. Baka nagkakamali lamang ang conductor. There's no one in this place. Pilit kong hinabol ang train.
"Sandali! Hindi niyo ako pwedeng iwan dito!"
Nanghina ako nang patuloy na nilampasan ako ng train. The wind sent my already unruly hair in haywire. Kinagat ko ang labi ko habang pinagmamasdan ang huling compartment ng train. Hangang sa tuluyan na itong lumapas at nawala sa aking paningin.
No. Agad kong kinalkal ang papel kung saan nakasulat ang address na binigay ng kapatid ni Aunt Wilhelmina noong nakausap ko siya sa telepono. A sinking feeling erupted from the pit of my stomach. May mali kaya sa binigay na address ni Aunt Helga?
Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko. Aunt Helga may not be pleasant and welcoming pero hindi niya magagawa yon. Kahit paano magkadugo kami. I've never been to Van Zanth. Tanging siya ang connection ko sa bayang ito. Sinabi niya na susunduin niya ako sa train station. At dito sa lugar na ito ako binaba. Kailangan ko lamang maghintay.
Nilibot ko ang tingin sa abandunadong platform. Bumalik sa pagiging tahimik ang paligid. Sa kabilang side ng riles sa tapat ko ay bukana ng isang kakahuyan at sa likurang bahagi ng platform ay isang bukid at rough road. Lumapit ako sa poste kung saan isang lumang signage ang nakalagay. Halos mabura na ang mga letrang nakasulat dito.
BINABASA MO ANG
Living with a Half Blood
FantasyNapansin agad ni Laura Arden ang mga kakaibang bagay sa bayan ng Van Zanth sa unang araw niya pa lamang dito. Lalo na noong nalaman niyang sa isang lumang mansion siya titira. Pakiramdam niya nagsisinungaling si Aunt Helga noong sinabi nito na silan...