Chapter 2
Secret
“Hi Miss,” padabog kong binaba ang librong binabasa ko.
Lumingon ako sa kanyang itim na mga mata at tila natutuwa ito sa naiinis kong mukha. I looked around and everyone is busy. But this boy, will never stop to get our attention.
“Ano na naman. Hindi ka ba nakakaintindi?” Sita ni Zelda sa kanya.
Hinawakan ko ang kamay ng kaibigan ko pero hinawi niya ito na hindi akong binabalingan kundi sa lalaking nasa gitna namin ngayon.
“Zelds, wag na. Pabayaan mo na,” pagpapakalma ko sa namumula niyang mukha dahil sa galit.
Kung ako ay magagalit ako sa lalaking to pero kailangan kong maging pokus sa ginagawa namin. Kung magpapadala lang kami rito ay wala kaming magagawa.
“No!” napagulantang ako sa sigaw ng kaibigan ko na siyang kinatingin ng mga katabi namin.
Lumingon siya rito at hindi man lang humingi ng paumanhin. I understand her, because she is mad. Nadadala siya sa emosyon niya pero alam kong pagsisihan niya ito kalaunan.
Sa reaksyon kong hindi ko nabawi ay nanlaki ang mga mata ni Zelda pero agad niya ring niloko ang paningin sa lalaking nasa tabi niya.
“PWede bang umalis ka na kuya,” taas kilay na sabi ni Zelda.
Tumawa ang lalaking nasa harapan namin. Tila wala naman ako sa pagitan nila ngayon. Dahil busy silang nagkakatiningnan sa isa’t isa.
NAgawa ko namang pagmasdan ang kabuuan niya. He had a fit body, fair skin, black wierdo hair and Hispanic nose.
“Miss, don’t call me kuya. Call me Albert. Albert Fernandez,” masigasig nitong pagpapakilala sa sarili.
Sa inis na mukha ni Zelda ay sinuklian niya ang kamay nito.
“Zelda. Zelda Garcia,” pero nagulat din ako sa biglang pagkalas ni Albert sa kamay ng kaibigan ko.
Ngumiti siyang lumingon sa akin.
Gusto kong umirap sa pinag gagawa niya.
“Anong pangalan mo, Miss?”
Umirap ako sa kanya at ngumiti ng hilaw habang hinahablot na pabalik ang aking libro.
“Wag mo na ngang itanong. PWede ba umalis ka na,” pagtutulakan ng kaibigan ko kay Albert.
Umiling lang ako sa kanila at pinagpatuloy ang aking pagbabasa. Pasalamat naman ako at hindi na siya nagsalita pa. Kaya naman nagawa kung unawain ang lahat ng binabasa ko. I grabbed a piece of paper to take notes the important details I saw. I started to scrabble it all until I found myself pissed at my handwriting. Pumikit ako namg maigi at pinabayaan nalang ito. Kapag dinadali kong magsulat ay parang doctor ito. Hindi ako katuad ng iba na kahit nagmaamdali ay ang ganda ng sulat.
“Need a writer?” natatawang sambit niya.
PAdabog kong binaba ang libro.
Nandito pa pala to? Akala ko umalis na ito kanina pa. Lumapad ang kanyang ngiti at biglang hinila ang upuan na nasa gitna. Sinundan ko ang pag upo niya at nang magtama ang aming mga mata, hindi ko alam bakit hindi ko nagawang umiwas, mas ngumisi pa siya at kinuha ang aking papel mula sa akin.
“No!” pag aayaw ko agad sa kanya kaya naman nawala ng konte ang ngiti niya.
“Are you flirting us?” diretso kong sabi. Na siyang kinatawa niya at kinatigil.
YOU ARE READING
Abundance from Light
RomanceStatus: On-going Genre: Teenfiction and Romance Posted: July 5 - July 12, 2023 The leaves blow by the wind as I started to realized that the spotlight is not the key of my life but the light from Him that saved me. *Cover is not mine. Credits to the...