Bea
Tawa ako ng tawa kay Louisse. Matagal din bago nya na gets ang ibig kong sabihin. Hmn, masarap naman talaga. Pulang pula na ang mukha nito. At matatalim na nakatingin na ito sa akin kanina.
Sarap nya lang inisin. Napansin ko din na maganda naman sya, lalo na pag naiinis or nakangiti. Basta maganda sya. Pangit nga lang ang ugali. Sayang.
Niligpit ko na pinagkainan namin at hinugasan. Pasipol sipol akong umakyat. Pagkapasok ko ng room ay kumuha ako ng boxer shorts at shirt, tsaka towel. Pumasok na ako sa banyo at naligo.
Fresh na fresh ang feeling ko. Katatapos ko lang maligo. Nagsimula ko nang gawin ang project ko. Nag strum ako ng gitara. Gagawa ako ng kanta para sa isang commercial. Two minutes lang ang commercial. Bale, background music ang kantang gagawin ko.
Napapangti ako pag naalala ko ang facial expression ni Louisse, nong ma gets na nya ang ibig kong sabihin.
Nagbabasa ako habang nakikinig ng music. Nakita ko na umiilaw ilaw ang cellphone ko. Dinampot ko ito.
****O T P*****
Bea : Hello, Kim?
Kim : Hi, Bea! Bigay ko lang ang susi ng condo nyo. Andito ako ngayon.'
Bea : You mean, tapos na?
Kim : Yes! Natapos namin earlier than the target date.
Bea : Okey, punta na ako ngayon.
Di ko na hinintay ang sagot ni Kim. Si Kim ang nakuha namin na interior designer. Dali dali akong nagbihis at bumaba na.
Kim : Here's the key, Bei.
Bea : Thanks, Kim.
Kim : O, alis na din ako. May date pa ako, hehehe!
Bea : Okey, enjoy.
Kim : I will!
She kiss me sa cheeks at lumabas na ng condo. Yes, may matatambayan na ako. Linagay ko ang gitara at backpack ko sa sofa. Neutral colors ang paint. Maaliwalas ito. May two bedroom with it's own banyo. May common banyo din sa may kitchen malapit. May maluwang na sala at dining. May terrace din.
Lumabas na ako para mag grocery. I will stay here muna. Wala pa namang class at training. Nasa Makati ang condo.
I bought reds and white wine, beer, hotdogs, bacon, rice, egss, pancake mix, syrup, butter, pork nilaga cut, pork adobo cut, steak, potatos, ice cream, chips, canned sofdrinks, at iba pa. Pumila na ako.
Louisse : Hmn, dami, a.
Inirapan ko lang sya.
Louisse : May pambayad?
Bea : Di sa akin yan! Inutusan lang ako ng boss ko!
Louisse : Ah.
Nagbayad na ako at umalis agad. Masaya kong nilagay sa pantry ang mga pinamili ko. Ang iba ay sa ref, sa freezer.
I cooked pasta, Fettucinne alfredo. Bago ko lang ito natutunan lutuin. Kumain na ako ng maluto, with red wine, pinot noir. Sarap! I am just enjoyng my food when my phone vibrated.
*****O T P****
Bea : Hi, Ana!
Ana : Hello, Bei! Di ka ba uuwi?
Bea : Ay sorry! Nakalimutan ko tumawag. Hindi. Sa boss ako mag e stay muna. Wala pa namang pasok.
Ana : Okey, take care. Bye.
Bea : Thanks. Bye.
Kumain ako ulit. Lumipat ako sa sala. nanood ako ng TV, netflix. Habang nanonood ay iniisip ko ang magiging melody ng song. Inubos ko na ang pasta at wine. HInugasan ko ang plate at wine glass. Bumalik na ako sa sala at umupo.
Ana
Tahimik kaming nag di dinner ni Louisse. Ako ang nagluto. Walang choice, e. Di naman marunong ang isang 'to magluto. Pero okey lang din.
Ana : Di pala uuwi si Bea. Sa boss nya daw muna sya. May ipapagawa yata sa kanya.
Louisse : Pa.
Ana : Anong pa?
Louisse : PAkialam ko!
Ana : Kaw talaga. Wala namang ginagawa sa yo yong tao.
Louisse : Anong wala! MERON!
Ana : Ano?
Louisse : B-basta.
Ana : Ang bait at sipag nya. At ang pinaka importante. Masarap magluto. At may taste, ha?
Naghintay si Ana na may sabihin si Louisse. Pero wala.
Ana : Matalino daw yan. Consistent honor. Valedictorian nong elementary at highschool. Full schoolar nga, e.
Louisse : Kailangan nya yon. Wala syang pambayad.
Ana : Ay, mahirap pala sya no? Pero yong kutis nya, pang mayaman at healthy pa. Mayaman sya kumilos at magsalita. Conyo!
Louisse : Sa mamahaling school sya nag aaral!
Ana : HIndi, e. At ang mga gamit at damit nya, pang mayaman!
Louisse : Baka may sugar daddy or mommy!
Ana : Hahahahhaa! Intriga ka rin, no?
Louisse : Tama yon! Sugar daddy/mommy!
Madami pa kaming pinag usapan. Mabait naman itong si Louisse. Moody lang. Tsaka spoiled.
Haaay! Ako pa rin naghugas. Walang ka alam alam ang unica hija!
YOU ARE READING
I hate You [completed]
FanfictionShe is hardheaded. Spoiled. She always get what she wants. She doesn't believe in love. Love for her is just the meeting of the minds, simply having what each one needs at the time. She is a rich kid. She is simple. Studious. Serious but wi...