Part 9 Day 3

315 2 0
                                    


Bea


katatapos lang ng training namin sa BEG.  HInihintay ko si Louisse na matapos mag shower.  Nag view muna ako sa twitter at instagram.  Pa scroll scroll.  Maya maya lang ay may tao na nakatayo sa  harap ko.  Napa angat ako ng tingin.

Louisse :  Tara na!

Kinuha ko ang gym bag nya.  Naglakad na kami palabas ng BEG.  Pinagbuksan ko sya ng pinto.  Pumasok naman sya sa kotse ko at isinara ko na ito.  Linagay ko sa likod ang gym bags namin at pumasok na rin ako sa drivers seat.   May pasok sya ngayon.  Nag drive na ako.

HIninto ko na ang kotse sa harap ng building kung saan ang class nya.  Bago sya bumaba ay nagsalita sya.

Louisse :  Antayin mo ko.  Esu submit ko lang ang project ko.  May lakad ako, ha?

Tumango na lang ako.  Wala naman akong magagawa, kundi ang sumunod.  Haaay!  Twenty seven days pa, TAGAL pa!

Nagpa music na lang ako.  Nagta tap ako sa manibela habang nakikinig sa  song.  Ganda ng music na 'to. 

Song :  Yellow   by :  Coldplay

Sinasabayan ko rin sa pagkanta ang kanta.   Feel na feel ko ang kanta at napapikit ako.  So, soulful and so much love ang kantang ito. 

Napadilat ako ng matapos ang kanta.  Napasigaw naman ako bigla ng makita si Louisse na nakaupo na sa passenger seat at nakangiti sa akin.

Louisse :  Ganda pala ng boses mo!  Maganda din ang song!  What's the title?

Bea :  Kagulat ka naman!  Yellow ang title!

Louisse :  Let's go na!

Bea :  Where?

Louisse :  UPTC.  Magkikita kami ng mga friends ko.

Pinaandar ko na ang kotse at tahimik na nag drive.


Louisse


Excited akong naglakad sa UPTC papunta sa restaurant kung saan kami magkikita ng mga friends ko.  Nakasunod lang sa akin si Bea.

Pumasok na kami sa resto at nakita ko agad sila.  Patakbo akong lumapit.  It's been so long nong last kami na nagkita kita.

Louisse :  Hi, guys!

Nagyakapan kami.  Nakatayo lang si Bea sa tabi ko.

Louisse :  Ah, Marge, Marci, Jana, this is Bea!

Marge :  The famous Bea De Leon!  Hello!

Marci :  Hi, Bea!

Jana :  Hello, Bea, I finally meet you!

Bea :  Hi, guys.

Umupo na kami at excited na nag kwentuhan.  Tahimik lang si Bea na nakaupo sa tabi ko.  Dumating na rin ang mga order nila.  They ordered na before Bea and I came.

Marge :  So, anong bago sa yo, Louisse?

Linagyan ng foods ni Bea ang plate ko.  Tsaka sya kumuha ng para sa kanya.  Nakatingin lang silang tatlo sa amin.

Louisse :  Wala namang bago!

Marci :  Kumusta ang pangbu bully mo, ha?

Louisse :  Behave na ako, ano ka ba!

Jana :  So, you change na for the better?

Marge :  Is it because of Bea?

Napatingin naman si Bea kay Marge nang marinig ang pangalan nya. 

Marci :  Nabalitaan ko lang ito, ha?  Since nong sa cafeteria scene nyo.  Di na nang bully si Louisse. 

'Kung alam nyo lang.  Na part ito nang pang bu bully ni Louisse.  This is my punishment, guys' bulong ni Bea sa sarili.

Louisse :  I realized kasi, na, masama pala yon, hahahaha!

Marge :  Super late mo namang maka realize!

Jana :  So, Bea, how are you?

Bea :  A-ah, I am good naman.

Jana :  Do you still sing in The Manor-Makati?

Bea :  No, i don't na.

Marci :  You sing, Bea?

Jana :  She is a good singer, Marci.  Dami nga yang fans, e, aside from volleyball fans.  At maraming patay na patay sa kanya.  Isa na ako don, hahaha!

Napairap naman ako don.  Panay pa nga ang  hawak sa braso ni Bea si Jana.

Marge :  Ano pa pinagkaka abalahan mo, Bea aside from singing at volleyball?

Bea :  Horse back riding, golf.

Jana :  You play golf?

Bea :  Yeah.

Jana :  Let' us play together.  I mean let's play golf together!

Louisse :  Busy yata si Bea, Jan!

Bea :  I'll call you, Jana if may time ako.

Jana :  Give me your cellphone.

Nag type si Jana ng number nya sa cellphone ni Bea.  Napataas naman ako  ng kilay.  Nag kwentuhan pa kami.  Tahimik lang na nakikinig sa amin si Bea. 

Nag hug kami bago maghiwa hiwalay.  Naglalakad na kami ni Bea.  Biglang nagliwanag ang mukha ko ng makakita ako ng potato corner.  Hinila ko si Bea palapit sa stall.

Louisse :  Bilhan mo ko ng potato fries na sweet corn flavor, dali!

Napakamot naman sa ulo si Bea.  Bumili na sya at binigay sa akin ang tera potato fries.  Feel na feel ko naman itong kinain. 

Bea :  You really love that, huh?

Louisse :  Yes na yes!

Bea :  Want  some ice cream?

Louisse :  YES!

Napapa iling na lang sya.  Bumili sya sa stall ng vanila ube para sa kanya at mango naman sa akin.  Kumakain kami ng ice cream habang palakad lakad.]

Nakita ko ang store ng mga stuff toy, pumasok ako.  Nakasunod lang sa akin si Bea.  May kinuha ako na life size na stuff toy.  Niyakap ko ito ng mahigpit.  Hinalik halikan ko pa ito.

Bea :  Hey!  That's dirty!

Louisse : I don't mind naman, e!

Bea : You like that?

Louisse :   I just don't like this. I love it.  This is my fav stuff toy!

Bea :  Winnie the Pooh?

Louisse : OO!

Kinuha nya ang winnie the pooh sa kamay ko at naglakad palayo sa akin.

Louiisse :  Hoy!  Saan mo dadalhin yan?

Sinundan ko si Bea.  Nasa may counter na sya.

Bea :  Here.  Sa yo na yan!

Louisse :  Binayaran mo?

Tumango sya.  Bigla akong napayakap sa kanya.

Louisse :  Thank you!  Thank you!

Nasabi ko, nabigla yata sya sa ginawa ko.  Napatanga lang sya.  Lumabas na kami sa store.  Para lang akong bata na may dala dalang winnie the pooh.  Nakangiti lang si Bea.

Umuwi na kami sa Eliazo.  This is a happy day!



I hate You  [completed]Where stories live. Discover now