Part 36 Day 30

305 2 0
                                    
Louisse

Maaga kaming nag breakfast. Nagsimba kami, pagkatapos ay nagpunta sa Sky Ranch. Madaming rides at kitang kita ang Taal Lake. We took pictures, kaming lima, kaming tatlo, kuya Loel, Bea at ako. Meron ding silang apat. Merong kaming dalawa lang ni Bea. Magkayakap kami sa pictures. May mga solo din kami. Napakasaya. kinalimutan ko muna na last day na ngayon.

Sumakay kami sa iba't ibang rides. Matatakutin pala si kuya Loel sa heights, kaya kami na lang ni Bea ang sumakay.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Parang nagbalik kami sa pagkabata. Bumili kami ng cotton candy, pati si kuya Loel.  Para kaming mga batang kumakain ng cotton candy.

Sobrang saya lang. Sa Picnic Groove kami nag lunch. May mga dalang pagkain pala si tita Det. Masaya na naman kaming nagsalo salo.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Nagku kwentuhan lang kami. Puro jokes ang mga kwento ni kuya Loel, kaya tawa kami ng tawa.

Det : Punta ka ulit dito, Louisse ha?

Louisse : O-opo, tita!

Elmer : Mas masaya pag kasama ka namin, iha.

Napatingin ako kay Bea. Nakangiti lang sya. Namumula ang pisngi nya. Maaraw kasi, mestiza lang.  Ako naman ay mas lalong umitim.

Pinadalhan ako ni tita ng mga foods. Maraming natira sa baon namin kanina. Nagpa alaman na kami. Diretso na kasi kami ni Bea pabalik ng Manila.

Nagda drive na si Bea. Nakatingin lang ako sa bintana. Pagod ako pero napakasaya. Sobrang lungkot din, dahil tapos na.

Today is the thirtieth day.

I will miss her.

Inihatid lang ako ni Bea sa dorm. Sa condo daw sya matutulog.

Hindi man lang kami magkasama sa isang bahay.

Pagkatapos ko maglinis ng katawan ay humiga na ako. Wala si ate Ella. bukas pa daw sya early in the morning.

Napaiyak na ako. Ano na mangyayari sa akin. Wala na sya.

Humihikbi na ako.

Bea

Hindi ko alam kung ano mararamdaman ko. Masaya, kasi sa wakas ay natapos na rin. Wala na akong aalagaan. Wala na akong ibibili o paglulutuan ng breakfast o lunch o dinner. Malungkot, kasi di ko na sya makakasama. Pero, gusto ko syang alagaan. Gusto ko syang bilhan ng sunflowers, ng potato fries, cadbury at hershey shots. Gusto ko na inuutusan nya ako. Gustong gusto ko syang ipag drive kung saan saan.

Pero tapos na. Gusto ko sanang ipagpatuloy na lang. Pero, baka ayaw nya.

Gusto ko mapag isa kaya sa dito sa condo ko piniling matulog. Dito muna ako.

I hate You  [completed]Where stories live. Discover now