Bea
Walang pasok. Walang training. Holiday kasi. Nagluluto ako ng paella. Si ate Ly naman, kare kare. Pork adobo naman ang kay ate Den. Napagkasunduan namin mag party. Dito lang sa dorm. May nag set na ng table. Ang iba ay bumili ng drinks at ice. Nag ihaw naman sila Jamie at Giselle.
Nagdasal muna kami bago kumain. Masaya kaming nagsalo salo. Puro kulitan at asaran.
Den : Ella, di ka mauubusan ng pagkain, dahan dahan naman sa pagsubo!
Ella : Heh! Bakit parating ako ang nakikita mo!
Den : Kasi, ikaw lang malakas at mabilis kumain, hahahaha!
Ella : E, masarap,e! Bea, ang sarap sarap ng paella mo!
Deanna : Oo nga, dada!
Maddie : Cooker ka nga, Bei!
Ponggay : Rice cooker!
Nagtawanan kami don.
Jia : Masarap din ang pork adobo at kare kare!
Giselle : Yes!
Jamie : Make puri naman our inihaw!
Ly/Den : Masarap ang inihaw!
Jamie : Thanks, ate Ly, ate Den!
Tumayo ako at kumuha pa sa kusina ng paella. Nilagyan ko ang mga plato nila. Masaya ako na nakikita silang magana kumain.
Pagkatapos namin kumain ay niligpit ang mga pinagkainan. Mga platito naman ang ipinalit. Naglabasan ang mga junk foods, peanuts, may adobo pa rin at inihaw, drinks na nakakalasing, may ladies drink din.
Maddie : Mag gitara ka, Bei!
Deanna : Ito, o, dada!
Binigay sa akin ni Deanna ang gitara. Nag strum naman ako. Kumanta si Ponggay. Ang favorite nyang 'Maybe This Time', hahaha! Sumunod si ate Ly. Tapos si Maddie, maganda boses nya.
Medyo tipsy na sila. Nagtatawanan na palagi.
Ella : O, sino sunod?
Louisse : Ako!
Napatingin ako kay Louisse. Kumakanta pala sya. Sinabi nya sa akin ang kakantahin nya. Nang magsimulang kumanta si Louisse ay nagsigawan ang mga team mates ko. Napangiti na lang ako.
Ella : Yohoooooo! In love na si Louisse!
Medyo pumiyok sya pero tuloy pa rin sya sa pagkanta. Galing sa puso ang pagkanta nya.
Ponggay : Si Bea naman!
Nag strum ulit ako, at kumanta.
Tumayo silang lahat at nag sway. Napapa ngiti ako sa kanila. May nagpatay ng ilaw at pinailaw nila mga cellphone nila. At iwinawagayway ang cellphone nila sa taas. May nag focus ng ilaw sa akin. Natatawa akong kumakanta. Mga sira talaga!
YOU ARE READING
I hate You [completed]
FanfictionShe is hardheaded. Spoiled. She always get what she wants. She doesn't believe in love. Love for her is just the meeting of the minds, simply having what each one needs at the time. She is a rich kid. She is simple. Studious. Serious but wi...