Part 19 Day 13

314 2 0
                                    


Louisse


Nasa dorm na kami ni Bea.  She check on me every four hours.  I never know na may ganito pala syang ugali.  Masyadong napaka alaga.  Wala akong reklamo na narinig sa kanya simula nong nagkasakit ako. 

Nong Sunday, di nya ako pinayagan na maligo.


*****F L A S H B A C K*****


Bea :  No.  Wag ka muna maligo.  Baka mabinat ka.  Bukas kung wala ka na talagang lagnat.  Pwede ka na maligo.

Naka pout na ako.  Pwede na yatang sabitan ang nguso ko.

Louisse :  Kating kati na nga ako, e! 

Nakangiti sya ng nakakaloko sa akin.

Bea :  What?  Kating kati ka na?

Hinampas ko sya ng napakalakas.  Well, para sa akin napakalakas na non.

Louisse :  MANYAKIS!!!!!

Nagpapadyak akong umupo sa sofa sa sala.  Binuksan ko na lang ang tv at nanood.  Kakainis talaga!


*****E N D  O F  F L A S H B A C K*********

Napangiti ako.   Napaka protective pala nya.  Di nya muna ako pinapasok.  Pati sya ay hindi din pumasok. 

Ella :  Happy lang, Ineng?

Louisse :  Oo, ate Ella.  Magaling na kasi ako.

Ella :  Magaling ka na?  E, bakit nagluluto pa rin ng soup si Bea.  May mga prutas pa na hinihiwa nya into cubes.  Wag daw namin galawin kasi para sa yo daw yon!

Louisse :  Gusto lang nya masigurado na magaling na talaga ako.

Ella :  Sure ka  na tungkol pa rin ito sa deal nyo?  Parang pang jowa levels na kasi, e!

Louisse :  Hahahaha!  Ate Ella, OA mo.

Ella :  Ay ewan ko sa inyo!  Iba kasi!  Basta iba!

Louisse :  She is just doing her part on our deal, ate Ella.

Ella :  Oo na.  Sige, pasok na ako, bye.

Louisse :  Bye, ate Ells.

Nagbasa muna ako ng book para sa isang subject ko.  Kailangan ko gumawa ng reaction paper.

Bea :  Hi.  Upo ka na dito.  Dali, mainit pa ang soup.  Puro mga gulay sinahog ko dito para masustansya. 

Umupo naman ako sa harap ng study table ko.  Nang susubuan na nya ako ay inagaw ko ang kutsara sa kanya.

Louisse :  Ako na.  Kaya ko na naman.

Bea :  No.  Mahina ka pa.  Nganga!

Ngumanga na lang ako.  Hinipan muna nya ang sabaw bago isubo sa akin.  Sinubuan nya rin ako ng ulam at kanin.  May isang basong fresh kalamansi juice rin.  Pagkatapos ko kumain ay pinainom nya ako ng gamot.

Louisse :  Pwede na ba akong maligo?

Bea :  Yeah.  Pero kahit di ka maligo, kahit wisik wisik ka lang,  mabango ka pa rin.

Tumayo na sya at dinala pinagkainan ko.  Buti na lang umalis na sya.  Di na nya nakita pamumula ng pisngi ko.  Tumayo na ako at kumuha ng towel at damit.  Pumasok na ako agad sa banyo.

Tahimik ang dorm.  Nasa mga klase kasi mga ka team ko.  Lumabas ako ng room ko at naglakad papunta sa room ni Bea.  Di ko kasi mabuksan ang container ng cookies na bigay ni tita Det.   Narinig kong nag gigitara sya at kumanta.   Naka awang ang pinto ng kwarto nya kaya nakikita ko sya.   Nakapikit sya na kumakanta.  Nakinig muna ako.

I hate You  [completed]Where stories live. Discover now