Louisse
I find her extra sweet na. Or is it just me. Kung kelan napaka lapit ng matapos.
Three days. Three days na lang. Nagliligpit ako ng mga damit ko. Nilagay ko sa closet ang bagong laba galing sa laundry. Palagi ko syang naiisip. Di sya mawala sa isipan ko. Nakikita ko palagi ang nakangiti nyang mukha. Nasisiraan na yata ako.
Ella : Hello, Ineng!
Louisse : Hi, ate Ells!
Ella : Wala ka bang pasok?
Louisse : Wala po.
Ella : Wala din ako. Louisse?
Louisse : Yes, ate Ella.
Ella : Napansin ko lang, parang lungkot lungkot mo. Tsaka palagi kang tulala! may problema ka ba?
Louisse : Wala po. May iniisip lang.
Ella : Kumusta naman ang punishment ni Bea? Hanggang kelan ba yan?
Louisse : Three days na lang po.
Ella : Mabuti naman. Parang kawawa kasi si Bea. parang alipin mo na sya. Hatid sundo, pakakainin ka three times a day, may meryenda pa. Bawat gusto mo sinusunod nya. Kung di ko nga lang alam ang set up nyo, e, iisipin ko na mag jowa kayo!
Louisse : Wag po kayong mag aalala. Matatapos na.
Ella : Bakit parang malungkot ka?
Louisse : Wala lang po sa mood.
Ella : Buti nga pumayag si Bea sa gusto mo. Sa arrangement na yan! Gaano ba kabigat kasalanan nya sa yo?
Louisse : Ako pa, hahahaha!
Ella : Hay naku, pagka bully mo talaga! Baba muna ako, bye!
Louisse : Bye, ate Ells.
Pagkatapos ko magligpit ay humiga muna ako. Nakatingin lang ako sa kawalan. Ipinikit ko ang mga mata ko.
*******************
Bea : Hi, baby.
Hinalikan nya ang noo ko, pisngi at lips ko. Napangiti ako. Niyakap ko sya. Inamoy ko si Bea. Hmn, bango bango. Napahiga na rin sya at nagyakapan kami.
Louisse : I just want to cuddle.
Bea : Okey!
Hinagod hagod nya ang likod ko. Hinigpitan ko pa ang yakap ko sa kanya.
Bea : I love you, baby.
Louisse : I love you.
*********************
Ella : Louisse? Louisse! Gising!
Napadilat ako. Si ate Ella. Shit. Panaginip na naman.
Louisse : Ate Ells, bakit?
Ella : Nag I love you ka! Nananaginip ka yata, Ineng!
Louisse : Ganon ba. Anong oras na ba?
Ella : Six thirty na po!
Louisse : Napatagal ang tulog ko.
Maya maya ay may sumungaw sa pinto namin.
Bea : Hi, ate Ells. Hi, Louisse!
Ella : Hello, Bei! Ano na namang dala mo?
Louisse : Hi, Bea.
Bea : Dinner ni Louisse, at sa akin na rin.
Ella : Whoooo! Sweet mo naman!
Bea : Pinatawag ka pala ni ate Ly, ate Ells.
Ella : Gusto mo lang yata masolo si Louisse, e! Sige, baba na ako.
Bea : Louiisse, upo ka na dito. Let's have dinner na.
Dahil nagugutom na rin ako ay bumangon na ako at umupo. Hindi ako nakapag meryenda kanina. Napasarap ang tulog ko.
Louisse : Ano yan?
Bea : Seafood paella!
Napangiti ako. Favorite ko na rin ito. SImula ng lutuan kami ni Bea. Nagdasal na kami. Binalatan nya lahat ng shrimp at inilagay sa isang container.
Bea : Let's eat! Nganga na, baby.
Napatingin ako sa kanya. Baby? SInubuan nya ako. Sarap!
Louisse : Sarap naman nito.
Bea : Syempre, luto ko e.
Louisse : Nagluto ka?
Bea : Yeah. Tulog na tulog ka kanina.
Tumango lang ako. Hindi ko sinabi na napanaginipan ko na naman sya.
Louisse : Masarap ka talaga magluto.
Bea : Oo. Kaya marami nagka crush sa akin, e.
Louisse : Yabang naman!
Bea : Yan ang sabi nila! I don't know if it is true.
Louisse : May nagustuhan ka na ba sa kanila?
Bea : None.
Louisse : Napaka pihikan mo naman!
Bea : Hindi naman. Di ko lang sila gusto. Simple lang naman ang gusto ko.
Louisse : So, may mahal ka na nga!
Bea : Oo.
Napatingin ulit ako sa kanya.
Louisse : Talaga?
Bea : Parang mahal ko na yata sya.
Louisse : Parang? Di ka sure!
Bea : I don't know pa, e.
Louisse : Lagi mo ba syang naiisip?
Bea : Oo.
Louisse : Miss mo na ba sya agad, kahit sandali pa lang hindi kayo nagkita?
Bea : Oo.
Louisse : Hmn. Masaya ka ba pag magkasama kayo?
Bea : Oo.
Louisse : Kahit tahimik lang kayo basta magkasama, e, okey na? Kapakanan ba nya iniisip mo, gusto mo lagi syang masaya?
Bea : Oo at oo.
Louisse : Mahal mo na nga sya.
Bea : Ganon?
Louisse : Oo, ganon.
Bea : Then, mahal ko na nga.
Parang sinasaksak ang puso ko.
Louisse : Alam na ba nya?
Bea : Hindi.
Louisse : Sabihin mo sa kanya.
Bea : Wag na. Malabo, e.
Louisse : Malay mo. Mahal ka rin nya.
Nagkatinginan kami.
Bea : Wag muna.
Kumain pa kami. Napaisip ako. Syempre, maganda sya, magkaka gusto rin. At ma swerte ang iibigin nya.
YOU ARE READING
I hate You [completed]
FanfictionShe is hardheaded. Spoiled. She always get what she wants. She doesn't believe in love. Love for her is just the meeting of the minds, simply having what each one needs at the time. She is a rich kid. She is simple. Studious. Serious but wi...