Part 11 day 5

304 2 0
                                    



Louisse


Nagising ako sa malakas na tunog ng alarm ni ate Ella.  Pinatay ko ito.  Wala na si ate Ella sa kama nya.  Bakit di nya inoff ang alarm e. gising na  naman sya.   ARRRGH!!!!.

Napilitan akong bumangon.  Pumasok na ako ng banyo para maligo.  Para mawala rin ang antok ko. 

Nang lumabas ako ay nakita ko si Bea.  Naghahanda ng breakfast sa table.  

Bea :  Good morning!  Upo ka na.

Umupo naman  ako.  Nagdasal kami.  Inislice nya ang pancakes ko.  Pati ang bacon at hot dog.

Bea :  Eat ka na. 

Louisse :  Breakfast in bed!

Bea :  Sabi mo alagaan kita.  Ganito ako mag alaga!

Louisse :  Wala naman akong sinabi.  Di naman ako nagrereklamo.

Sumubo na ako ng pancake.....bacon.......hotdog......uminom ako ng hot chocolate.  Shit, mainit!

Bea :  Mainit pa yan!

Pinainom nya ako ng tubig.  Sakit ng dila ko.   Napangiti si Bea.

Louisse :  Bakit?

Bea :  Anong bakit?

Louisse :  Bakit ka napangiti?

Bea :  Ah.  Nakakatawa kasi facial expression mo, ng mapaso ka.

Inirapan ko sya.  Kumain pa ako.  Hinipan ko muna ang hot choco bago humigop dito. Nakabihis na si Bea.  Hmn, ganda ng porma.  Wala kaming training ngayon. 

Pagkatapos ko mag toothbrush ay bumaba na ako.

Ella :  Iba, iba ang prinsesa namin!

Ngumiti lang ako.

Jia :  Pinagsisilbihan!  May driver at alalay pa!

Nakangiti lang si Bea.  Sinenyasan ko sya na aalis na kami.  Tumayo naman sya.

Ponggay : Hmn.  Makuha ka sa tingin!

Umalis na kami.  Mga abnormal talaga mga ka team mates ko.  Pero mahal ko ang mga yan.

Inihinto na ni Bea ang kotse nya.  Lumabas na sya at pinagbuksan nya ako ng pinto.  Lumabas naman ako at naglakad na.  Sumabay sya sa akin.

Louisse :  Saan ka pupunta?

Bea :  Sasamahan ka.  Mabigat itong dala dala mo, o!

Nagpatuloy na ako sa paglakad.  Pumasok na ako sa room.  Nakasunod naman si Bea at inilagay nya sa table ko ang projects ko.  Umalis na sya.

Nag review naman ako sa notes ko.  May quiz kami ngayon.

Nang matapos ang mga class ko ay pumunta na ako sa waiting shed kung saan hihintayin si Bea.   Umupo muna ako at nag cellphone.  Ilang saglit lang ay pumarada na ang kotse ni Bea sa harapan ko.  Lumabas sya at naka shades sya.  Napatingin ako sa kanya.  Hmn, gwapo.  Tumayo na ako at pumasok sa kotse.  Sinara naman nya ang pinto.  Umikot sya at sumakay na rin.

Louisse :  Sa cafeteria na lang tayo mag lunch.  One hour lang vacant ko.

Bea :  Okey.

Nag drive na sya.  Maya maya ay nasa harap na kami ng cafeteria.

Pumasok na kami.  Nakita ko sila Jia at ate Ella.  Kinawayan ko sila.  Pina[alapit naman nila kami.

Ella :  Dito na kayo!

Umupo na ako sa harap ni ate Ella.  Pumunta naman sa counter si Bea para bumili ng foods.

Jia :  Palagi na kayong magkasama.

Ella :  Nasaan na ang kasungitan mo?

Louisse :  It's just a dare.

Ella/Jia : Hah!

Louisse :   Yeah.  Thirty days na alalay ko sya. Driver, julalay, she will feed me, ipapasyal.

Ella :  Grabe naman yan!  Tagal ng thirty days!

Louisse :  Ganon talaga!

Jia :  Bakit?  Ano ba nagawa nya sa yo?

Louisse :  Secret.

Jia/Ella :  Waaah!!!!

Bumalik na si Bea.  Inilapag na nya ang foods at umupo na rin sya.  Binuksan muna nya ang canned softdrinks bago ibigay sa akin.  She serve me foods din.

Tumaas baba naman ang kilay ni ate Ella.  Nginitian ko lang sya.

Ella ;  So, kumusta ang pagka alipin, este, ang acads mo, Bei?

Bea :  Okey naman po, ate Ella.

Jia :  E, ang lovelife mo?

Bea :  Hahahaha!  Wala akong lovelife, Ju.

Ella :  Hmn, dami nagkakandarapa sa yo, Bei!

Bea :  OA ka naman, ate Ella, nagkakandarapa talaga?

Jia :  Oo, Bei, babae o lalaki, patay na patay sa yo!

Ella :  Gandang gwapo mo kasi!

Ngumiti lang si Bea at sumubo.  Maganda at gwapo naman talaga sya.

Louisse :  Mga sino naman yan, ate Ella?

Ella :  Wala sa mga ka team natin.  Basta mga taga Ateneo rin.  Mga fans!

Bea :  Paghanga lang yan, ate Ella.

Ella :  Paghanga, pagnanasa, pareho lang yon!

Jia :  Ella naman.  May mga bata dito!

Bea :  Yeah.  Bata pa po ako.

Ella :  Asus!  Hintayin mong ma in love ka, Bei.  Naku, pag tinamaan ka ng pag ibig, hahamakin lahat lahat, masunod ka lamang!

Napahawak pa ang dalawang kamay ni ate Ella sa dibdib nya, este, sa puso nya.

Jia :  Ikaw, Louisse.  Musta lovelife?

Louisse :  Zero. Nada.

Ella :  E, baka naman kayong dalawa ang nakatadhana.

Louisse :  Ewwww!

Ella :  Maka ewww ka naman, Jhoana Louisse!

Bea :  Posible naman ate Ella.  Baka nga may lihim na pagnanasa si Louisse sa akin. 

Hinampas ko sya.  Napatawa naman ito. 

Louisse :  Feeling mo lang talaga!  Never!  Di kita type no?

Jia :  Tulak ng bibig, kabig ng dibdib!

Pakantang sabi ni Jia.  Naiinis na talaga ako.  Tawa naman ng tawa itong si Bea.  GRRRRR!!!!

Louisse :  Itaga nyo yan sa bato.

Ella :  Swerte mo, Ineng kong kayo ni Bea.  Dami kaya nagkakagusto dyan!

Louisse :  Sa kanila na lang sya!

Bea :  Sure ka na ba dyan!  Kinikilig ka nga sa akin, e.

Louisse :  At kelan naman yon?

Nagtawanan sila.  Sarap batukan lang.  Inubos ko na ang food ko at uminom ng softdrink at tubig.

Louisse :  Ihatid mo na ako!

Bea :  Yes, my princess!

Nagtawanan ulit sila.

Nagda drive na si Bea.  Nakabusangot naman ako.

Bea :  Hoy!  Wag ka na magalit.  Joke lang yon.

Louisse :  Joke?  Parang totoo, e.

Bea :  Gusto mo totohanin na?

Hinampas ko ang braso nya.

Bea :  Hey!  I am driving, princess!


I hate You  [completed]Where stories live. Discover now