Louisse
Inihatid lang ako ni Bea sa dorm at umalis na agad ito. May lakad daw sila nila Maki at Cel. Nakita ko si ate Den sa sala. Nag iisang naupo sa sofa. Busy sa cellphone nya.
Louisse : Hi, ate Den!
Masaya kong bati sa kanya.
Den : O, Louisse! Hello!
Umupo ako sa tabi nya.
Louisse : Bakit kayo lang po mag isa dito?
Den : May mga klase kasi sila.
Louisse : Ah, ganon po ba.
Den : How are you, Louisse?
Louisse : Okey lang po.
Napatingon sya sa akin.
Den : You changed. Simula ng magkasama kayo ni Bea. Nagbago ka na. Dati nakapa bully mo, pero ngayon hindi na. Ay, meron pala isa, hahaha! Pero yon na ang last. You change for the better, Louisse. May magandang effect sa yo si Bea. Keep it up.
Tumayo na si ate Den at umakyat. Napatulala naman ako sa sofa. Umakyat na rin ako.
Nanonood kami ng tv sa sala. Nang dumating si Ponggay.
Ponggay : Hello, guys, good evening!
All : Good evening, Pongs!
Tapos na kami mag dinner. Tumatambay na lang kami sa sala. Nakaharap kaming lahat sa tv, pero ang iba ay busy sa mga cellphone nila. Ang iba naman ay nanonood. Ang iba ay nagbabasa.
Pag may pumapasok sa may pinto ay napapatingin ako. Where is she? Eight pm na. Mukhang napasarap ang kwentuhan nila Maki at Cel.
Ngayon lang sya ginabi, ng hindi ako kasama. Di naman sya nag text. Text ko na kaya. Nakakahiya naman yata. Di naman kami close. Dahil lang sa punishment ko sa kanya kaya kami nagkalapit. Wag na.
Nine thirty na ng gabi. Wala pa rin sya. Nakatingin lang ako sa cellphone ko. May nag pop up na notifications. Nag post si Maki. Picture nilang magkaibigan, si Cel, Maki, Bea at....di ko kilala. naka akbay sa kanya ang lalaki at magkalapit ang mga mukha nila. Namumula na si Bea. Mukhang lasing na.
Ly : I lock mo na ang pinto. Ella. Di na dito matutulog si Bea. Kila Maki daw.
Tumayo na ako at umakyat sa kwarto ko.
Paiba iba ako ng posisyon sa pagtulog. Di ako makatulog, e. Ang gulo gulo ng isip ko. Madami ang naiisip. Kung ano ano lang. Don din kaya matutulog ang lalaking yon? Tabi kaya silang matutulog? Di naman siguro. Siguro sa kwarto sila Bea, Maki at Cel. Sa sala ang lalaking yon! Humarap ako sa dingding. Nakikita ko pa rin ang lalaking yon na naka akbay sa namumulang si Bea, magkalapit ang mukha. Kinusot ko ang mga mata ko.
Ella : Louisse, gising na! Nandito na ang yaya mo! Bangon na!
Nagmulat ako ng mga mata ko. Parang kakatulog ko pa lang, a. Umaga na agad! Bumangon na ako. Nakita ko si Bea na nakaupo sa may study table ko. Tumayo ako at pumasok sa banyo. Nag sipilyo at nag hilamos. Lumabas na ako at umupo sa harap ng study table.
Bea : Good morning!
Binuksan nya ang cartoon na may sinangag, bacon, fried egg at hotdog. May hot choco din. Namumula ang kanyang mga mata.
Louisse : Masakit ulo mo?
Bea : Hindi na. Nakainom na ako kanina ng gamot.
Hiniwa hiwa nya ang itlog at hogdog. Binigyan nya ako ng spoon & fork. Nagdasal kami at kumain na. Uminom sya ng coffee. Nakaligo na sya. Nakasuot na sya ng pan training.
Mabuti na lang at ang mga outside hitter, outside spiker ang hinasa ni coach Tai, pati ang setter. Nakaupo lang si Bea sa bleachers na nakahawak sa ulo nya. Nakatukod naman ang siko nya sa paa nya.
Linapitan ko sya. Grabe na naman ang training. Napahawak ako sa balikat ko, sakit. Sakit pa ng likod ko. Pinaupo nya ako sa harap nya at pinunasan ang pawis ko. Minasahe nya rin ang balikat ko at likod. Sarap lang sa pakiramdam. Dahan dahan lang pag masahe nya sa likod ko. Napapikit ako.
SI Bea naman ang tinawag ni coach Tai. Seryoso si Bea sa mga palo. Minsan lumalampas sa line ang bola. Pero karamihan ay pasok.
Pagkatapos ng training ay nakahiga lang kaming dalawa sa sahig pati mga team mates namin. Pa cool down muna kami bago mag shower. Nakatulog yata si Bea. Hinaplos ko ang balikat nya at napadilat na sya. Tumayo na kami at sabay naglakad papunta sa shower room.
Dinala nya ang gym bag ko. Naglakad na kami palabas ng BEG. May pasok ako kaagad pagkatapos ng training.
Inihatid nya ako sa klase ko at umalis na agad sya. Babalik na ng dorm yon at matutulog. Wala naman syang pasok ngayong umaga. Mamaya pang one pm.
Nang lumabas na ako sa building kung nasaan ang class ko ay nakita ko si Bea na nakasandig sa kotse nya. Kinawayan nya ako. Naglakad na ako papalapit sa kanya.
Louisse : Akala ko tulog ka pa at di mo ko susunduin.
Bea : Pwede ba naman yon. Lika na. Lunch na tayo.
Kinuha nya ang mga dala kong canvass at pinagbuksan ako ng pinto. Sumakay na ako at isinara na nya ito. Umikot sya papunta sa driver's seat.
Tahimik kaming nag lunch. May hangover pa yata sya.
Louisse : Mukhang sobrang nag enjoy ka kagabi.
Bea : Huh? Ah, yeah. Matagal na kasi kaming di nakapag bonding nila Maki at Cel.
Louisse : Tatlo lang kayo?
Bea : No. Nandon din si Ysrael.
Louisse : Don ka na rin natulog?
Bea : Yeah. Gusto ko na umuwi ng dorm, pero pinigilan ako ni Maki. Minsan lang naman daw.
Louisse : Friend mo din si Ysrael?
Bea : No. Classmate sya ni Maki.
Louisse : Mukhang close kayo agad.
Bea : Jolly kasi sya at palabiro. Mabait din.
Louisse : Kaka kilala nyo lang, alam mo na agad na mabait sya?
Bea : Yeah. Pero na feel ko lang na mabait sya.
Loouisse : E, ako. Mabait ba ako?
Napatingin sya sa akin. Parang naguguluhan sya.
Bea : Mabait ka naman. Pag tulog, hahaha!
Hinampas ko ang balikat nya. Nakabusangot na ako.
Bea : Aray naman! No hampas please!
Louisse : Ikaw kasi!
Nakabusangot pa rin ako na kumakain.
Bea : Wag ka na magalit. Here, o!
Nanlaki ang mga mata ko sa kinuha nya sa bag nya.
Louisse : Potato fries!
Kinuha ko kaagad sa kanya ang potato fries. Kinain ko agad ito.
Louisse : Hmn. Hmn. Hmn.
Inihatid nya lang ako sa dorm at bumalik sya agad sa school. May pasok sya ng one pm. Pumasok an ako sa dorm at umakyat.
Pagpasok ko sa kwarto namin ni ate Ella ay wala sya. Nang ilalagay ko na sa study table ang bag at things ko ay nanlaki ang mata ko. may sunflowers sa vase at......may cadbury and hershey shots. Bea. She is so sweet talaga. Doing these little things makes me happy.
Kumuha ako ng cadbury at binuksan ito. Kumagat ako dito. Napapangiti ako habang kumakain.
YOU ARE READING
I hate You [completed]
FanficShe is hardheaded. Spoiled. She always get what she wants. She doesn't believe in love. Love for her is just the meeting of the minds, simply having what each one needs at the time. She is a rich kid. She is simple. Studious. Serious but wi...