Part 28 Day 22

271 3 0
                                    


Louisse


Di ko maisip sa sarili ko kung bakit ko ginawa yon.  Am I just teasing her or.....gusto ko.  Aaahhh!  Naguguluhan na ako.

Minsan, gusto ko magka close na kami ng tuluyan.  Minsan naman ay may mga hesitations.  Hindi ako madaling maka close ang isang tao.  mapili ako sa tao, sa taong kakaibiganin, sa taong pinapapasok sa buhay ko.  I have a few close friends, except for my team mates.  mahirap din akong magtiwala.  Hindi ko alam kung bakit ako ganon. 

Niligpit na ni Bea ang mga gamit namin.  Katatapos ko lang maligo at nagsusuklay na lang ako.  Maya maya ay paalis na rin kami.  Naging masaya at nag enjoy naman ako sa outing namin.

Eight days.  Eight days na lang, matatapos na ang punishment nya.  Bakit parang nalulungkot ako, na matatapos na ito. 

Di na nya ako ihahatid sundo, wala ng breakfast in bed.  Wala ng bibili ng mga gusto  at cravings ko.  Wala ng pa flowers at potato fries, cadbury, hershey shots at iba pa.  Haaay!

Pumasok si Bea sa room namin.

Bea :  Lika na.  Alis na daw tayo.

Kinuha nya ang mga bag namin at backpack nya.  Lumabas na sya at sumunod naman ako.

Convoy lang kami pabalik ng Manila. 

Bea :  Ang tamlay mo yata. 

Louisse :  Kulang lang sa tulog.

Bea :  Tulog ka muna.  Gigisingin na lang kita pag nakarating na tayo.

Pinikit ko na ang mga mata ko.  Naghu hum sya.  Di pa rin mawala sa isip ko yong duet namin kagabi.  Nakatingin lang ako sa mga mata nya the whole time na kumakanta kami.  Puno ng pagmamahal ang mga mata nya.  Or, baka feel lang nya yong song.  When she holds my hand, parang may koryenteng dumaloy sa akin.  Nanginginig ako sa paghawak nya. 

Nakatulog din ako. 

*************************

Nagising ako na tinatapik ang pisngi ko ni Bea.

Bea :  Kain muna tayo.

Sabay kaming bumaba ng sasakyan.  Hindi ko na sya hinintay na pagbuksan nya ako ng pinto. 

As usual, pinagsilbihan nya ako.  Nakatingin lang ako sa kanya.  Nagdasal kami at kumain na. 

Pagkatapos namin kumain ay umalis na kami.  Nag drive na sya .

Louisse :  Sa condo tayo matulog.

Bea :  Okey.

Binuksan ko na ang pinto at pumasok na kami.  Umupo sya sa sofa.  Pumasok naman ako ng room ko at humiga.  Ang sakit ng likod ko.

Tinawag ko si Bea.

Bea :  Yes?

Louisse :  Paki masahe naman ng likod ko.  Masakit.

Pumuwesto sya sa likod ko.  Inupuan nya ang balakang ko at dahan dahan na nagmasahe.  Parang nag iinit ako sa mga masahe nya.  Huminga ako ng malalim.  Ang init talaga. Napalunok ako ng paulit ulit.

Louisse :  Kuha mo naman ako ng tubig.

Tumayo sya at lumabas ng kwarto.  Pagbalik nya ay may dala na syang isang basong tubig,  ibinigay nya ito sa akin at ininom ko.  Inilagay ko ang baso sa side table.

Louisse :  Higa ka.

Humiga sya sa tabi ko at niyakap ko sya.  Parang may gusto akong gawin, pero di ko alam kung ano.  Ipinasok ko ang isang kamay ko sa shirt ni Bea.  Hinimas himas ko ang abs nya.  Naramdaman ko ang paninigas nya.  Huminga sya ng malalim.  Humarap sya sa akin.  Nagkatinginan kami. 

I hate You  [completed]Where stories live. Discover now