Bea
BEG. Training na naman kami. Nasa court si Louisse. Pinag spike ni coach Tai ng paulit ulit. Nakaupo naman ako sa bleachers. Ilang saglit ay pagod na naglakad si Louisse palapit sa akin. Umupo sya sa harap ko. Naka indian sit sya. Inabot ko ang gatorade sa kanya at ininom naman nya ito. Halos maubos ang laman ng bote. Pinunasan ko ang pawis nya sa likod, shoulders at mukha nya. Dahan dahan ko ng menasahi ang likod nya.
Louisse : Dyan, dyan. Masakit yan.
Minasahe ko pa sya. Tinawag sya ulit ni coach Tai at tumayo agad sya at naglakad papunta sa gitna ng court.
Umupo si Deanna sa tabi ko, Nakatingin kaming dalawa sa court.
Deanna : May something kayo, dada?
Bea : Nino?
Deanna : Ni mommy Louisse?
Bea : Ha ha ha! Bakit mo naman nasabi yan?
Deanna : Dati, palagi kayong nag babanggaan. Palagi kayong nag aaway. Kahit sa munting bagay. Ngayon, inaalagaan mo na sya. Driver, taga bitbit ng gym bag nya, taga bili ng foods at kung ano ano pa. Pinapakain mo sya araw araw!
Bea : It's just a deal, Deans.
Deanna : Huh?
Bea : I did something really really bad to her. Kaya para mapatawad nya ako. I am going to serve her, for thirty days. I will be like, her slave for thirty days.
Deanna : Tagal naman! Laki yata ng kasalanan mo! Ano ba ginawa mo?
Bea : Secret.
Deanna : Hmn. Pero mabait naman si mommy Louisse.
Bea : Mabait? Hah! Baka ibang tao pinag uusapan natin!
Deanna : Di mo pa kasi sya kilala. Nami misunderstood mo lang sya.
Bea : Maldita sya, Deans! May pagka demonyita!
Deanna : Grabe ka naman, dada, hahahaha! Ang ganda naman ng demonyita na yan!
Bea : Oo maganda sya, sa panlabas. Pero deep within herself, nakatago ang kamandag!
Deanna : So, inaamin mo na maganda si ate Louisse?
Bea : O-oo. Pero di ako after sa panlabas na ganda! Yong attitude pa rin!
Deanna : Para nga nya akong baby, e. Binigyan ng foods, advice at nilalambing!
Bea : Baka may plano lang yan!
Deanna : Wala no? Tawag na ako ni coach, dada!
Tumayo na si Deanna at tumakbo palapit kay coach Tai. Ako ang kasunod na tinawag ni coach.
Talon. Spike. Talon. Spike. Talon. Spike. Paulit ulit lang. Si Deanna ang setter. Hapong hapo kami ng matapos.
Nakaharap sa sahig na humiga si Louisse. Naglakad ako palapit sa kanya. Uminom ako ng gatorade, tapos tubig. Ibinuhos ko sa ulo ko ang natirang tubig. Lamig.
Ponggay : So sexy lang, Bei.
Natawang kantyaw ni Ponggay sa akin.
Jamie : You look so yummy, Bei, when you pour that water into you head!
Jia : Ikaw na talaga, Bei!
Maddie : Kaya madaming nababaliw sa yo, Bei, e!
Ngumiti lang ako. Nakatingin pala si Louisse sa akin.
YOU ARE READING
I hate You [completed]
FanfictionShe is hardheaded. Spoiled. She always get what she wants. She doesn't believe in love. Love for her is just the meeting of the minds, simply having what each one needs at the time. She is a rich kid. She is simple. Studious. Serious but wi...