Part 21 Day 15

256 5 0
                                    


Louisse


Nasa cafeteria kami nila ate Ella, Jia at Maddie.  We are having our snack.  May one hour kaming vacant before ng class namin.  Nagku kwentuhan lang kami.  Natanaw ko si Bea na naglalakad palapit sa amin.  Nang may lumapit sa kanyang isang grupo ng teenagers.

Ella :  Lakas talaga ng appeal ni Bea.  Tingnan mo, o.  Daming fans!

Maddie :  Well, it's Bea De Leon!  Malakas ang charisma, may kakaibang swag, maputi, matangkad, maganda at gwapo, magaling kumanta at sumayaw, matalino pa!

Jia :  At mabait!  The whole package ika nga!

Nagpa picture sa kanya ang mga teens.  Kinikilig pa ang mga ito.  Napakunot ang noo ko ng yakapin sya ng mga ito.  Nakatawa lang ito.

Ella :  Oy, Ineng, baka matunaw yang tinitingnan mo!

Jia :  Grabe ka naman makatingin, Louisse, nakakamatay!

Maddie :  If only looks can kill, hahahaha!

Louisse :  I am just observing them!  Maganda naman talaga si Bea.

Ella :  At gwapo! 

Jia :  Nasa kanya na yata ang lahat!

Jia/Ella/Maddie :  Nasa yo na ang lahat!  Minamahal kita 'pagkat!  Nasa yo na ang lahat! Pati ang puso ko!  Lahat na mismo nasa yo! Ang ganda ang bait ang talino! Inggit lahat sila sa yo! Kahit pa itapat man kanino!

Natatawa nilang pagkanta.  Mga sira talaga 'to!  Napapairap na lang ako.

Bea :  Hi, guys!  What's up!

Umupo sya sa tabi ko.  Di ko sya tiningnan.

Ella :  We are just observing the beautiful creation ni Lord!

Jia :  And that includes you!

Nagtawanan sila.  Sila lang.

Bea :  Well, thank you!  Thank you!

Maddie :  Dami mong fans, Bei!

Bea :  Mga teenagers lang.

Ella :  Tyak di makakatulog ang mga yon!  Nakatingin lang sa pictures nyo, hahaha!

Jia :  Nagtatanong nga mga fans mo sa twitter kung may sinisinta ka na!

Ella :  Meron na bang bumihag sa puso mo, Bea De Leon?

Maddie :  May napupusuan ka na ba?

Bea :  Lalim ng tagalog nyo, hahahaha!  WALA!!!

Ella :  O, Louisse, bakit  ang tahitahimik mo?

Louisse :  Oh,  I am just observing the world!

Nagtawanan ulit sila.  Naiinis ako sa katabi ko ngayon.  Tuwang tuwa lang.  Tuwang tuwa na madami yumayakap sa kanya.  Di naman nya kilala ang mga yon!  Tumayo ako.

Jia :  O, saan ka pupunta, Louisse?

Louisse :  Papasok na.

Tumayo din si Bea. 

Louisse :  DYAN KA LANG!!!!

Napaupo naman sya ulit.  Naglakad na ako ng mabilis palayo sa kanila.  NAKAKAINIS!!!!

Bea :  Anong nangyari don?

Jia :  Bad trip lang!

Maddie :  Wala sa mood na naman!

I hate You  [completed]Where stories live. Discover now