Part 23 Day 17

248 2 0
                                    


Louisse


Nagpapadala palagi si Nico ng flowers sa akin.  Foods at kung ano ano pa.  Medyo kinikilig ako.  Kasi, may nagkakagusto sa akin.  Medyo seryoso sya, minsan naman kalog, pero madalas seryoso.  Unknowingly,  I was comparing him to Bea.  Napaka alaga ni Bea, gentlewoman, she always think what I like and not like.  Ginagawa nya lahat ng gusto ko.  Kahit hindi na kasali sa deal namin.  She go out of her way to make me feel better.  She gave me random things, do random things that can put  a smile on my face. 

I am beginning to like her na nga, e.  Pinadalhan ako ng carbonara ni Nico.  Ibinili naman ako ng potato fries ni Bea at chicken joy.  Kinain ko ang potato fries at chicken joy.  Ibinigay ko kay ate Ella ang carbonara.  Tuwang tuwa naman ito.

Maraming pasalubong si Nico pagdating nya galing sa Australia.  Halos araw araw kaming magkasama, usually dinner.  May practice sya sa daytime.  Kaya tuloy pa rin ang paghatid sundo ni Bea sa akin. 


Bea


Nagda drive ako papunta sa school.  Tahimik lang na nakaupo si Louisse.  Maya maya ay kinuha nya ang backpack ko at binuksan nya.  Parang may hinahanap sya.

Bea :  Hey!  That's my backpack!

Louisse :  I know!

Bea :  Ano bang hinahanap mo dyan?

Louisse :  Got it!

Isinara nya ang backpack ko at inilagay sa backseat.  Kinain na nya ang cadbury na galing sa backpack ko.  Nakangiti syang kumakain.  Napangiti na rin ako.

Bea :  Para talaga sa yo yan.  Nakalimutan ko lang ibigay.

Binili ko talaga yan para sa kanya.  Pero, nakita kong bingyan sya ni Nico ng toblerone.  Napapadalas na ang pagkikita nila.  Palagi silang masayang magkasama.  Gabi gabi sila nagdi dinner.  Ako sa araw, si Nico naman sa gabi.

May something na yata sila.  We are only friends, magkaibigan nga ba kami.  

Thirteen days na lang.

Bea :  Here we are!

Louisse :  Bye.

Bumaba na si Louisse ng kotse.  Iba ang lakad nya nitong mga nakaraang araw.  She is like dancing.  Ang saya saya na nya.  Di na masyadong masungit.  Palagi ng nakangiti.  Nico's effect!

Pinaandar ko na ang sasakyan at nag drive papunta sa klase ko.

Humanities.  Humanities ang subject ko.


Nasa condo kami ni Louisse.  Nagpipinta sya sa isang kwarto.  Nanonood lang ako ng tv sa sala.  Nang may kumatok.

Tok!Tok!Tok!

Tumayo ako at binuksan ang pinto.

Nico :  Hi, Bea!

Bea :  Oh, Nic!  Tuloy, tuloy!

Isinara ko na ang pinto.  Tinulungan ko sya sa mga dala nyang paper bags.  Nilapag namin ito sa dining table.

Nico :  Si Louisse?

Bea :  Nagpipinta sa room.

Nico :  Ah.

Kinuha namin sa paper bags ang foods.

Bea :  Dami nito!

Nico :  Yeah.  Para sa atin lahat yan!

I hate You  [completed]Where stories live. Discover now