Part 35 Day 29

314 2 0
                                    


Bea


Papunta kami sa bahay namin sa Tagaytay.   My mom invited Louisse to stay her weekend with us.  Nakatingin lang sya sa may window nya.  Tahimik.  She is quiet na this past days.  Pero  pag kinakausap ko naman sya ay okey naman sya.

Bea :  Are you okey?

Louisse :  Yeah.  Why?

Bea :  Sobra mo kasing tahimik.  Di ka naman ganyan!

Louisse :  Nagbabago ang lahat, Bea.

Bea : Hmn.  Sabagay. 

Louisse :  Do you still see me as a mataray, spoiled brat, bully?

Bea :  Yeah.  Medyo mahirap mabago ang naka ugalian na.

Nakita kong nalungkot sya.  Tumingin sya ulit sa bintana nya.  Nag concentrate naman ako sa pagda drive.

Were here na.  Pinagbuksan ko sya ng door.  Naglakad na kami papasok sa bahay.

Bea :  Hello, mom!  I miss you na!

Det :  Hi, Isabel!  Miss you so much!

Naghug kami and she kissed my cheeks.

Louisse :  Hello po, tita!

Nagyakapan sila.

Det :  Hello, Louisse!  Kumusta ka na?

Louisse :  Mabuti naman po.

Det :  Halika na.  Lunch is ready na!

Magkahawak kamay na naglakad si mommy at Louisse papunta sa kusina.  Nakasunod lang ako sa kanila.

Nagdasal muna kami.  I put foods sa plate ni Louisse.  Nakatingin lang sya sa ginagawa ko.

Elmer :  How are you, Louisse, anak?

Louisse :  Okey lang po, tito.

Elmer :  Parang pumayat ka, anak!  Isabel, pakainin mo ng marami yang si Louisse!

Bea :  Opo, dad!

Loel ;  Sexy dad, di payat!

Det :  Yong sakto lang ang maganda, di ba, Isabel?

Bea :  O-opo mommy.

Elmer :  Mga favorite mo talaga Louisse ang niluto ni Det.  Para sa yo!

Louisse :  Thank you po.

Nagbalat na ako ng shrimp at crabs.  Nilagay ko sa isang plate at nilagay ang plate sa harapan ni Louisse.

Elmer :  Kain ng kain ka lang anak, ha?

Louisse :  Opo, tito.  Thank you!

Masaya pa kaming nag kwentuhan.  As usual,  Inaasar na naman ako ni kuya.  Ganyan sya pag nami miss nya ako.

Nagpahinga muna kami  ni Louisse sa kwarto ko.  Nakaupo sya sa sofa.  Nasa kama naman ako, nakasandal sa headboard.  I was busy scanning my phone.  Nang mapasulyap ako kay Louisse, nakatingin sya sa akin.

Bea :  You may lie down muna.  Sleep muna tayo.  Mamaya, mag horseback ride tayo.

Tumayo sya at lumapit sa kama.  Humiga sya sa tabi ko.  Pero may pagitan sa amin ng mga one meter. Nahiga na rin ako.

Nagising ako sa ingay ng cellphone ko.  Wala na si Louisse sa tabi ko.  Kinuha ko ang cellphone ko.  Notifs lang pala.  Bumangon na ako.

Lumabas naman si Louisse sa banyo.

Bea :  Hi.

Louisse :  Hello!  Mag horseback na tayo!

Bea :  Sandali lang.

Pumasok na ako sa banyo at nag toothbrush.

Tinulungan ko si Louisse na makasakay sa kabayo, pagkatapos ay sumakay na rin ako.

Naglalakad lang  ang mga kabayo namin.  Nakatanaw lang kami sa paligid.  Ang sarap ng hangin.  Napatingin ako kay Louisse.  Nililipad ng hangin ang buhok nya.  Naka suot sya ng parang tunay na nangangabayo.  Puti ang kulay.  Ako naman ay puting long sleeves at light gray na pantalon.  Naka all white si Louisse.  Mas lalo syang gumanda  sa suot nya.  Nauna sya sa akin ng konti.  Ang bango bango nya.  Nakaka panghina ang bango nya.

Maya maya ay nagpahuli sya, kaya ako naman ang medyo nauna. 


Louisse


Alam kong nakatitig si Bea sa akin.  Kaya nagpahuli ako ng konti, naco conscious akoNaka bun ang buhok nya.  Bagay na bagay sa kanya ang suot nya. So sexy.  Ang bango bango nya.  Nanghihina ang tuhod ko.  Ako naman ang nakatingin sa kanya.  Malapit na kami sa may burol.  Doon namin papanoorin ang sunset.

Tahimik lang kami.  Nakatingin lang kami sa kawalan. Napaka tahimik ng paligid.  Bagay mag relax.  May mga puno naman para masilungan.   Iba't ibang fruit trees.  Lampas tao na ang mga ito.  May mga niyog din. 

Sumilong kami sa isang medyo malaking puno.  Kinuha ko ang flask at uminom dito.  Napatingin sa akin si Bea.  Bigla akong nasamid.  Napa ubo ako.  Uminom ulit ako.  Mabuti at nawala agad ang pagkasamid ko.

Bea :  Are you okey?

Louisse :  Y-yes.

Para kaming na magnet sa sunset.  Napaka ganda.  Tumulo ang luha ko.

This is my last sunset here.  Madilim na kaya di kita ni Bea ang mga luha ko. 

Last day na tomorrow.


I hate You  [completed]Where stories live. Discover now