Part 37 New Day [daw]

390 4 0
                                    



Bea


Maaga akong nagising.  Nasa dorm kasi ang gym bag ko.  Dadaanan ko pa yon.  Nag drive na ako.   Di pa ma traffic, maaga pa kasi.  Stop light.  Pinahinto ko ang sasakyan.  Napatingin ako sa kaliwa.   Flower shop.  Nakita ko ang sunflower na naka display.  Naalala ko na naman sya.  Tumingin agad ako sa harapan ko.

Pumasok na ako sa dorm.

Bea :  Good morning, ate Ly!

Ly :  Oy, Bei, good morning!

Bea :  Kunin ko lang po ang gym bag ko!

Ly :  Okey sige.


Warm up na kami.  Si Deanna ang partner ko.  Pilit kong di tumingin kay Louisse.  Ayokong ma distract. 

Nag start na ang training.  Pinag spike si Louisse.  Puro kapos ang palo nya.  Napagalitan tuloy sya ni coach.  Nilapitan si Louisse ni ate Ly.  Nag usap sila.

Pinag spike ulit si Louisse.  Ganon pa rin.  Nilapitan ako ni ate Ly.

Ly :  Bea, kausapin mo nga si Louisse.  Ano bang nangyayari sa kanya?

Bea :  Sige po, ate Ly.

Saktong nag water break.  Naglakad si Louisse at umupo sa sahig sa may gilid.  Mag isa lang sya.  Nakatungo lang ito.  Nilapitan ko sya.

Bea :  Hi!  Gatorade!

Napaangat ang ulo nya.  Tininganan nya ako.  Nginitian ko sya.  At umupo sa tabi nya.

Tinanggap naman nya ang gatorade at uminom dito.

Bea :  Mukhang kulang ang palo mo.  Napagod ka ba kahapon sa outing natin?

Louisse :  Siguro.

Bea :  Aha!  Di ka nag breakfast, no?

Louisse :  Hindi.

Bea :  Sabi ko na nga ba, e!  Don't worry, ako na bahala sa breakfast mo bukas.  

Napatingin sya sa akin.  Nginitian ko ulit sya.  Umupo ako sa likod nya at dahan dahang minasahe sya.  Tahimik na naman kami.

Pinag spike ulit sya.  Pasok na lahat.  Nginitian ako ni ate Ly.  Ngumiti rin ako.

Nag cool down muna kami then nag shower na.

Ly :  Thanks, Bei!

Bea :  Your welcome, ate Ly!

Nag thumps up sya at lumabas na sa shower room.

Nang lumabas na ako ng BEG ay nakita ko si Louisse na sumakay sa kotse ni Jia.  Naglakad na ako papunta sa kotse ko.

Kinabukasan ay nagluto ako ng pancakes, sinangag, bacon, fried eggs at hotdog.  Naglagay ako ng pancakes at sinangag sa isang plato, at bacon, fried egg at hotdog.  Nagtimpla din ako ng hot chocolate.  Umakyat na ako dahan dahan na kumatok sa kwarto nila ate Ella at Louisse.

Ella :  Good morning, Bei!

Bea :  Good morning, ate Ells!  Pakilagay naman ito sa study table ni Louisse.

Ella :  Wow!  Breakfast in bed na naman!  Iba ka talaga, Bei!

Bea :  Thank you, ate.

Umalis na ako.  At bumaba.  Nag breakfast na kaming ka team pagkatapos ay naligo na ako. 

Nasa BEG na kaming lahat.  Warm up muna.

Pinag spike ulit si Louisse.  Last na kasing playing year ni ate Ly.  Si Louisse ang ipapalit sa kanya.  Kaya puspusan ang pagsasanay sa kanya.

I hate You  [completed]Where stories live. Discover now