***
(Onyx)
'Unang una, you can't reach my standards. Pangalawa, ayoko sa madaldal. Lastly, hindi ako makikipagkaibigan sa babaeng hindi man lang makabili ng kahit mumurahing sapatos.'
Ang sakit. Hindi nya naman ako kilala pero nagusgahan nya kaagad ako. Instead of staring at him driving, I stare at my shoes. This is a cheap one at may kalumaan pa. Butas na ang suwelas, kaya hindi ko sya masisi na sa sapatos ko pa lang, malalaman na kung ano ang disposisyon ko.
Hindi naman sana ganito kung nasa puder ako ng mga magulang ko. I can even over pass his standards. But ayokong bumalik dun, kaya kahit ano pang masasamang bagay ang mapansin ni Chans, okay lang. Matanong nga sa kanya kung ano ba ang gusto nya sa isang babae.
Hindi ko maiwasang mapangiti. Grabe, ngayon ko lang narealize na nakasakay ako sa kotse nya. Sa passenger seat at hindi sa back seat. Para kaming couple.
"Tss. Hobby mo ba ang pag ngiti?" Napaayos ako nang upo nang magsalita sya. Nandito na pala kami sa tapat sa apartment.
'Hindi mo naman malalamang nakangiti ako kung hindi mo ako tinitingnan.' Sa isip isip ko. I smile shipishly.
"I'm not staring at you. Kanina pa tayo dito kung hindi mo alam. Now baba." Napatanga na lang ako. How did he know? Hindi ko naman siguro ivinoice out yung iniisip ko diba? Padabog nyang isinara ang pinto ng kotse nang makalabas sya.
"Sungit." Nasabi ko na lang bago sya sinundan. Akala nya siguro pag sinungitan nya ako titigilan ko sya. Hell no. Mahal ko sya, and I won't give up on him.
"Walanghiya kang babae ka! Ang lakas pa ng loob mo na bumalik dito! Lumayas ka!" Nagulantang ako nang marinig ko ang matinis na boses ni Aling Trining. Pinagbababato nya ako ng sarili kong mga gamit, kaya naman I have no choice but to use Chans as a shield. Nagtago ako sa likuran nya at nanguyabit sa polo na suot nya.
"Stop it old lady. Hey! D*mn!" Chans said habang sinasalag ng mga braso nya ang mga ipinagbabato ni Aling Trining. Bakit ba ako nakabalik balik pa sa apartment na 'to? Tss. Kung hindi lang dahil sa mga gamit ko, hinding hindi ko na babalikan ang masungit na matronang 'to.
"H-Hindi ko po kayo kilala." Hinigpitan ko ang kapit kay Chans at saka nagkunwaring natatakot. Kailangan kong galingan, para hindi nya na ako singilin pa. Tatlong libo rin ang utang ko sa kanya.
"Anong hindi kilala? Adik ka bang babae ka?! Ano nakahithit ka ba ng katol?! Magbayad ka ng utang mo at wag mo akong pinaglololoko!" Juice colored! Nung nagsabog ka ba ng kapangitan ng boses tangke ba ang dala ni Aling Trining? Grabe walang pakialam sa ear drums ng iba! Eto namang si Chans, parang bato, hindi natitinag sa kinatatayuan nya. Pero sige pa rin sa pagbato ang matanda.
"F*ck stop it! She's telling the truth! Meron syang amnesia!" Napabitaw ako sa kanya nang sumigaw sya, at kahit si Aling Trining na galit na galit, napatigil at napatulala. Nakakatakot ang boses nya. Parang isang terror na professor, kinatatakutang tao, yun bang parang birdugo.
"Here. Take it and stop nagging." Parehong nanlaki ang mga mata namin nang maglabas si Chans ng makapal na lilibuhin sa wallet nya at iniabot yun sa matanda. Grabe, ngayon lang ulit ako nakakita ng ganoon kakapal na pera simula nang umalis ako sa amin.
"Madali naman palang kausap itong si pogi. Sige kunin mo na ang mga gamit mong babae ka. At wag ka nang makabalik balik dito ha! Minamalas ako nang dahil sayo! Hay!" Pumanhik na sya pabalik sa apartment. Halatang halata naman na sobrang saya nya nung natanggap nya yung pera. Tsk. Mga tao talaga, sa pera umiikot ang mundo.
BINABASA MO ANG
The Ruthless Assassin
General FictionHe wants vengeance. Gagalugarin nya ang buong mundo mahanap lang ang pumatay sa kapatid nya. He'll do anything to get even. Gamitin man nya ang babaeng mahal nya. He's a heartless, Ruthless Assassin. He is Chans Maniago.