Bullet 5

11.5K 252 6
                                    

***

(Onyx)

I'm too happy. Sa sobrang saya ko, hindi ko maiexplain ang pakiramdam ko. Ipinagluto ko pa nga si Cendo bago ako umalis ng unit nya. Hindi nya alam na umalis ako and it's better that way. Sinadya kong hindi ipaalam sa kanya, dahil for sure, hindi naman sya papayag. Magsasayang lang kaming parehas ng laway kung pagtatalunan pa namin yun. Nag iwan na lang ako ng note at nagpasalamat na lang sa tulong nya. Bukas ko na lang sya sa school kakausapin ng personal. Ngayon, I need to face Chans muna.

Nanlalamig ang kamay ko habang hawak hawak ko ang kumpol ng mga susing ibinato nya sa akin kanina, kasama dun ang card na nagsisilbing susi ko sa condo nya.

I do not know if I'm doing the right thing dahil hindi ko naman alam kung bakit ako nandito except sa sinabi nya na I'll work for him. Humugot muna ako ng isang malalim na hininga bago islide ang card sa pintuan ng unit nya. Nagulat pa nga ako nang hindi naman pala yun nakalock. So does that mean na nandito sya?! Hollysht! Bakit ba ako kinakabahan ng ganito, samantalang kanina ang saya saya ko?

Maybe ngayon lang nag sink in sa utak ko na, from now on, I'll be living with him. Biglang nag init ang magkabilang pisngi ko. 'Langya! Ang landi ko na ata.

"Get in. Don't wait for me to drag you inside." Napabalik ako sa wisyo nang marinig ko ang boses nya. Nakakatakot at puno ng awtoridad. Ngayon pa lang parang pinanghihinaan na ako ng loob na makukuha ko sya. Tss. No Onyx. You are Onyx. And I get whatever I want, at pagtatrabahuhan ko yun.

Muli akong nagnakaw ng isa pang malalim na paghinga bago ko hinila ang maleta ko at dumiretso ng pasok sa unit nya. Pero hindi pa ata ako tuluyang nakakapasok nang mapamura ako.

Dmn! Bungad pa lang pero tumambay na agad sa ilong ko ang nakakaakit nyang pabango. Ginagawa nya bang air freshener yun? Doon lang talaga ako sinapak ng katotohanang hindi nga ako nananaginip na titira ako kasam nya.

I'll be able to see him everyday, hindi ko na kailangan pang magnakaw ng tingin mula sa malayo, dahil ngayon, sa bahay nya na mismo ako titira. Makakasabay ko syang kumain, agahan, tanghalian hanggang hapunan. Makakasama ko sya tuwing weekends at may permiso ajong pasukin ang kwarto nya. Malaya kong maaamoy ang mga damit nya kapag lalabhan ko ang mga yun, and I can even touch his underwears with my barehands. This is a dream come true. Sa wakas, mas makikilala ko pa ang lalakeng mahal ko. I'll be seeing him often now. Ang sarap gumising kapag ang gwapo nyang mukha agad ang makikita ko. Kompleto na agad ang araw ko nun. Tapos, hanggang sa gabi kasama ko sya. Sabay kaming manunuod ng tv kapag tapos na kaming mag dinner. We'll cuddle kaoag malamig, at sabay na hihilata sa couch kapag pareho na kaming nakaramdam ng antok.

"Hey! Stop smiling as if you're planning something. Get in then cook!" Para akong nabuhusan ng kumukulong tubig at bigla na lang akong nagbalik sa katinuan. I'm dreaming of him na naman pala. Piangmasdan ko lang syang maglakad paalis at napangiwi na lang ako ng malakas nyang isinara ang pinto ng isang kwarto, I guess, that's his room.

Napailing na lang ako sa talas ng dila nya. I guess, kapalit ng privelege na tumira rito ang araw araw na marinig ko anh sermon at maaanghang nyang mga salita. Tss. I can handle them as long as hindi ganun kasakit. Napaka bipolar at moody ko pa naman. Baka kahit mahal ko sya, hindi ko mapigilan ang bibig ko at makipagsabayan ako sa kanya. Natawa na lang ako habang naiisip ko na we're arguing like a couple. Umiling na lang ako at isinara ang pinto ng unit nya.

Mamaya ko na lang siguro lilibutin kapag tapos na ang ipinapagawa nya. Itinabi ko muna malapit sa couch ang dala kong maleta bago nagdiretso sa kusina nya. Hindi ganoon kalakihan ang kitchen. Meron lang built in na table na may apat na matataas na stool. More like sa bar. Tapos may black na cupboard na may shade ng grey. His and my favorite color.

The Ruthless AssassinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon