Bullet 30

7.6K 191 24
                                    

***
But what if? Just what it? What if Chase is alive?

(Theasia)

"N-no." Imposible. Imposibleng sya 'to.

"Miss are you okay?" Iwinagayway nya sa harapan ko ang kamay nya. Pero hindi ko nagawang kumurap man lang.

Next thing I knew, umiikot ang lahat, hanggang sa makalapit sya sa akin at inilapat ang likod ng palad sa noo ko. Sinalat nya ang parteng yun.

"Sht! May lagnat ka." That was the last thing I heard bago ako tuluyang nilamon ng dilim. Hindi ko alam kung nagdeliryo lang ba ako, o talagang si Chase ang nakita ko.

His nose, lips, his features, he looks exactly like Chans, but the only difference is their eyes. Pero hindi ako sigurado. And that's too impossible.

"Arg." Napaungol ako sa sakit ng ulo ko. I tried to open my eyes but I failed, masyado akong nasilaw sa liwanag. Wait-- nasa langit na ba ako?

Muli kong sinubukan at nagtagumpay naman ako. Agad kong inilibot ang paningin ko at napagtantong, nasa isa akong hindi pamilyar na silid.

Wala akong nakitang tao, mag isa lang ako kaya agad akong ginapang ng kaba. Where am I? Ano bang nangyare? Ipinikit ko ang mga mata ko at inalala ang mga nangyari at saka ako umupo sa kama.

Oo nga pala, nasa sementeryo ako kanina, tapos may lalaki. Si Chase, yung lalaking kamukha ni Chase! Sht! Totoo kaya yun?

"Hey, you're awake." Nilingon ko ang kabubukas lamang na pinto at iniluwa noon ang isang hindi ko kilalang lalaki. Nakasuot sya ng itim na v-neck shirt at board shorts. Nangunot ang noo ko.

"Sino ka?" I asked. May kung ano syang dala sa kamay nya, at kalaunan, napagtanto kong isa pala iyong thermometer.

"Chase. I'm Chase Gumacal." Sagot nya na syang nagpalaki sa mga mata ko. Wait? C-hase? He scratched his nape at ngumiti ng kaunti na syang nakapagpalabas ng biloy sa magkabila nyang pisngi. He has this messy brown hair at matangkad sya.

"I-kaw ba? I mean, ikaw ba yung sa sementeryo kanina?" Natatakot ako sa pupwede nyang isagot. Hindi ko alam kung bakit, pero umaasa ako na sana si Chase yun, yung Chase na kapatid ko. Si Kuya. Sana sya yun.

"Sementeryo? Oo, kaso kahapon pa yun. Tulog ka kahapon pa. Pasensya na ha, dito na lang kita dinala sa bahay since hindi naman kita kilala." All my hopes crashed down in front of me. Bigla akong nanghina sa nadinig ko. Ibig sabihin, nagdedeliryo lang pala ako. Nagsimulang magtubig ang mga mata ko. I feel so alone, ako na nga lang pala talaga, umalis nga pala ako sa amin. Paano ko ba nakalimutan yun?

"H-ey? May problema ba? Masama pa ba ang pakiramdam mo?" Nilapitan nya ako at naupo sa tabi ko. Sinalat nya ang noo ko gamit ang likod ng kanang palad nya at inilapat naman sa noo ang nya ang kaliwa. Maybe, to check my temperature.

"Wala ka ng lagnat. Is there something wrong Miss?" Nangunot ang noo nya habang pinapasadahan ako ng tingin. Nag iwas ako at kinuyom ang kumot na tumatakip sa katawan ko. How I wish to be fine.

The Ruthless AssassinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon