***
(Onyx)
"Wtf! Where is she?!" Iyon agad ang naging bungad ni Clide nang dumating sya. Humahangos at halatang nagmadaling makarating. We all looked at him with worried eyes.
"Walang nakakaalam. Obviously, they just drop this at the front gate." Ipinakita ni Knight ang hawak nyang mga larawan na kani kanina lang ay pinagkaguluhan ng bawat isa. Tiningnan ko si Chans, at hindi ko sya mabasa. Hindi ko alam ang naging reaksyon nya matapos nyang mabasa iyon. Kahit ako, nang makita ko iyon, agad akong pinanginigan ng kalamnan.
"A trade?" Clide's forehead wrinkled. Napayuko na lang ako. In the end, it's still all about me. Ako pa rin pala. Sa akin pa rin ang bagsak ng lahat ng sisi.
"That's what they want." Saad ni Knight na para bang nawawalan na ng pag asa. I sighed at napakagat na lang sa ibabang labi ko as I looked up to Chans at naulinagan ang lungkot sa mga mata nya. So he's going to do it? Right? I guess?
Napabalikwas na lang ako ng tayo nang hawakan ako ni Chans at hinila ako kung saan. Fear touched my whole being. Unti unti na ako nitong kinakain. At sa aminin ko't hindi, I feel disappointed.
"C-hans." Nasambit ko na lang nang bitawan nya ako matapos kaming makarating sa may veranda ng kwarto nya. Ang dami daming pumapasok sa isip ko nang mapasandal ako sa bakal na nagsisilbing harang upang walang kahit sinoman ang mahulog. Itutulak nya ba ako? Papatayin? No. Hindi nya yun kayang gawin sa akin, unless para sa kapatid nya.
A tear escaped my eye.
"I... I honestly don't mind kung s-usundin mo sila. That will be f-ine with me." Ang hirap sabihin yun na hindi nagkakabuhol buhol ang dila ko. He's frustrated. Hirap na hirap na rin si Tita Thea, and up until now, hindi pa umuuwi si Tito Jacob. Kaya sigurado ako, gagawin nya.
He then looked at me at ginulo ang kanina pang magulong buhok nya. Itinukod nya ang mga kamay sa veranda at iniyuko ang ulo. Pinagmasdan ko lang sya, habang pilit pinipigilan ang mga takas kong luha.
"D-o it Chans. T-rade me for Asia." I wouldn't mind. Kung yun ang tatapos sa gulo, I'm more than willing to push him over on that idea. It tastes bittersweet on my mouth. At least sa wakas may magagawa na ako para sa pamilya nya diba?
"W-hat?" Hindi makapaniwala nyang saad at binalingan ako ng tingin. I looked away at pinunasan ang mga luha ko. Ramdam na ramdam ko ang tagusang pagtitig nya sa akin, as if asking me to repeat what I just said seconds ago.
"I said... Trade me. Ako kapalit ni Asia. I will be fine." I promise, magiging maayos ang lahat. If they have Asia and they want me in exchange of her, okay lang naman sigurong makipagkasundo sa kanila.
"And then what? You'll marry Sandoval? Hell no!" Singhal nya sa akin at muli na namang ginulo ang buhok nya. I fisted my hands. Napakatigas ng ulo nya. Akala nya ba madali para sakin 'to? No. I'm giving him the easiest way to end this pero mas gusto nya ang laging pinahihirapan pa ang sarili nya. Look, I'm here in front of him, isinusuko ko na ang sarili ko, ang kailangan nya na lang namang gawin ay ipagpalit ako sa kapatid nya. He just need to call them and seal the deal. I'm willing to hug pain for them, for him.
"If that's what it takes to save Asia, your sister, yes... I will." Sinuklian ko ang intensidad ng tingin nya. He's confused, hurt, betrayed, I know. But I'm just doing this for the sake of his family, and for Daiamondo, and of course for him. Only him. My Chans.
"Goddamit Onyx! Naririnig mo ba ang sarili mo?! Aalis ka ng ganun ganun na lang? You'll fucking leave me para lang matapos na 'to?!" Ang sakit sakit na sigawan ka nya, na pagbuntunan ka ng galit. I don't want to end what we have in this way. Gusto ko kusang loob nya akong isuko sa mga magulang ko, para mas maramdaman ko yung sakit, ng sa ganoon kapag malayo na sya sa akin, iisipin ko na lang na ipinagkalulo nya ako. And that's best for us. I wanna feel betrayed by Chans. Kaya kahit labag sa sistema ko, dahan dahan ko syang tinanguan. Kung ang makapagliligtas sa buhay nya ay ang pagbalik ko sa puder ng mga magulang ko, then so be it.
BINABASA MO ANG
The Ruthless Assassin
Художественная прозаHe wants vengeance. Gagalugarin nya ang buong mundo mahanap lang ang pumatay sa kapatid nya. He'll do anything to get even. Gamitin man nya ang babaeng mahal nya. He's a heartless, Ruthless Assassin. He is Chans Maniago.