"It's a very strange thing, to be in love. It changes you."
- Cassandra Clare, Clockwork Princess
***
(Onyx)
Labing limang minuto na akong lulan ng taxi na sinasakyan ko, at isa lang ang daang tinatahak nito. Sa lugar kung saan tinanggap ako, kung saan ligtas kami ng anak ko. Sa Mansion de Maniago. Tita Thea said that I can always go back, and here I am. At sa pagbalik ko hindi na ako nag iisa. Euan is with me, our baby. Ano kayang magiging reaksyon nya?
Habang nasa byahe ay pinalitan ko ng damit si Euan dahil nabasa na ito ng pawis, nagawa ko na rin syang patulugin sa bisig ko at ngayon ay payapa na ang kanyang paghinga unlike kanina na halos kapusin na sya dahil sa sobrang pag iyak. I kissed his forehead. Hanggang ngayon lutang pa rin ako. Hindi pa rin kayang paniwalaan ng isip ko na tapos na ang lahat, pero sa tuwing itatanaw ko ang tingin sa binabagtas naming daan ay nagiging malinaw sa akin na, hindi lang iyon isang panaginip.
Tumigil ang taxi sa labas ng exclusive subdivision kung saan nakatayo ang mansyon nila. Bumaba ako ng taxi at nakiusap sa guard na papasukin ako pero hindi naman nila ako hinayaan. Itatawag daw muna nila sa mga Maniago. Pero makailang ulit na nyang sinubukan ay ring lang daw ng ring at wala namang sumasagot
Nanlulumo akong napaupo sa bench sa labas ng guard house. Hindi ko maiwasang mangamba. Siyam na buwan na ang nakalipas, ni wala akong balita tungkol sa kanila, paano kung umalis na pala sila dyan? Hindi imposibleng mangyari yun. Saan na lang kami pupulutin ng anak ko kapag nagkataon?"Onyx?" Napatunghay ako at nilipad ang lahat ng iniisip nang may tumawag sa pangalan ko. Ibinaba ng guard ang teleponong nasa tapat ng tengga at binati ang taong dumating.
"Señor Jacob." Sumaludo sya kay Tito Jacob at tinanguan naman sya nito. Pero ang tingin ni Tito ay nakapako sa akin pababa sa bitbit ko. Kay Euan. Napayuko ako. Ano kayang tumatakbo sa isip nya? Napabitaw ako sa malalim na pag iisip nang marinig ko ang pagbukas ng kotseng sinasakyan nya. Itinunghay ko ang tingin ko at bahagyang nabigla nang makita syang nakatayo sa harapan ko, hawak nya ang pinto ng backseat na ngayon ay bukas na, at tila ba hinihintay akong pumasok.
"Let's go hija, uuwi na tayo." Nginitian nya ako matapos iyon. Labis labis ang aking kasiyahan at wala akong nagawa kundi ang mapaiyak. Uuwi na kami. Para akong nabunutan ng tinik sa lalamunan. I'm still welcome. I'm still counted. I'm still a part of their family.
Tinanguan ko sya ng may ngiti sa mga labi. Agad akong pumasok at komportableng umupo sa backseat. Ngunit ang ikinagulat ko ay ang pagsunod ni Tito Jacob at pagtabi sa akin. I mean I don't deserve to be beside him. Dapat ay doon na lamang ako sa unahan. Dahil ngayong katabi ko sya, the air suddenly become suffocating. Nilalamon ako ng hiya. Hiya para sa kaguluhang idinulot ko sa pamilyang mahal na mahal nya.
"I see, you take good care of my grandson." Nakapako pa rin ang tingin nya sa mukha ng tulog na tulog na si Euan. So he knew about my son. His grandson? Tiningnan ko sya ng may pagtataka. He shrugged and mumbled the word connections. Napatango na lang ako. Bakit ko ba nakalimutang si Señor Jacob Maniago ang katabi ko?
"A-lam po ba ni Chans?" I asked at kinakabahan ako. Paano kung alam naman pala nya pero hindi sya gumawa ng paraan para iligtas kami ng anak ko? Ano ang dapat kong maramdaman? Kung alam ni Tito, hindi malabong alam nya rin. Chans has his own ways too. O nawalan sya ng pakialam sa akin at hindi na ginamit ang mga iyon. I need answers at kay Tito ko yun makukuha.
"No. He doesn't know anything about his Bryn Euan. Ang nakatatak lang sa isip nya ay iniwan mo sya at nagpakasal ka sa iba." He shrugged that off. So that was it. He thought nakasal ako kay Cendo, kaya pala. If he only knew, kung alam lang nya ang pinagdaanan ko para lang 'wag makasal sa lalaking yun.
BINABASA MO ANG
The Ruthless Assassin
Fiksi UmumHe wants vengeance. Gagalugarin nya ang buong mundo mahanap lang ang pumatay sa kapatid nya. He'll do anything to get even. Gamitin man nya ang babaeng mahal nya. He's a heartless, Ruthless Assassin. He is Chans Maniago.