***
(Onyx)
Nakakainis na ang mga luhang 'to. Bakit ba hindi makisama? I am strong. I am once a bitch. Dapat hindi ako umiiyak. Ghad! That was just a kiss Onyx. Pero ang sakit eh. Akala ko ba ako lang ang hinahalikan nya ng ganun? Eh anong tawag sa nakita ko kanina? Bakit ba kase hinahayaan ko lang syang ganituhin ako.
"Amara!" Agad akong tumayo para salubungin sya. Thank God he's here.
"Kuya!" I hugged him at sumubsob sa dibdib nya. I cry there like a baby. Kelan ba akong umiyak ng ganito sa kanya? When I was twelve?
"What happened?!" He held my chin and he forced me to face him. Nakakahiya. Tinawagan ko sya para lang iyakan. Five years ago simula nung huli ko syang makita, tapos ganito pa ang ibinugad ko.
"K-uya ang sakit." Dumoble pa yata ang panlalabo ng paningin ko sa dami ng luhang lumalabas sa mga mata ko. Wala eh, Chans's impact-- ni hindi ko makayanan.
"Puso mo ba?" His eyes soften nang marahan akong tumango at muli syang dinamba ng yakap. Sa lahat ng pinsan na mayroon ako, sa kanya lang ako naging close. Maybe because he's mature at naiintindihan nya ang kalagayan ko.
Walang pag aalinlangan ko syang tinawagan kanina using the payphone at the entrance of the university. Hindi ako nagkamali, sya lang ang taong kailangan ko ngayon. Dahil sya lang ang makakaintindi kung umiyak man ako ng ganito.
"Kuya Clint, let's go somewhere else please." Pagsusumamo ko sa kanya. As much as I wanted to go home, ayoko nang pag isipin pa ang mga magulang ni Chans. Mas makakagulo kapag nandun ako at nandun sya.
He then held my hand at inalalayan ako hanggang sa sasakyan nya. Good thing hindi nya kasama si Hanes, his son kung hindi baka magdaldal sya sa iba ko pang mga pinsan. I don't want them to find me. Alam kong ipagkakalulo lang nila ako sa mga magulang ko.
"We're here." Masakit na ang mga mata ko dahil sa dami ng luha na lumalabas doon pero hindi naman tumitigil eh. Buong byahe na akong umiiyak pero hindi nagbabago.
Constantine -- it is his bar na sya mismo ang nagmamanage. Past 4pm pa lang kaya siguro wala pang tao sa loob. Baka nga kailangan ko lang iinom 'to.
I unbuckle my seatbelt at bumaba na ng kotse nya. Pero hindi pa man ako nakakaisang hakbang when somebody grab my arm.
"Onyx!" I froze. It is him. Nilingon ko sya at gayon na lamang ang gulat ko. He's eyes were burning at galit iyong nakatingin sa akin.
"We're going home!" Walang sabi nya akong hinila at kinaladkad papunta sa kotse nya. Pilit akong kumakawala pero hindi nya naman ako hinahayaan.
"Hey! Get off of her!" Naramdaman ko na lang ang pagkabig sa akin ni Kuya Clint. But Chans, glared at him. He's staring at him as if he's going to kill him. Oh sht! No.
"O-okay lang kuya. Sasama ako." Ako na mismo ang nagtanggal sa kamay ni Kuya Clint sa braso ko at nagpahila na lang kay Chans. Walang pag aatubili nya akong ipinasok sa sasakyan nya and drove off as fast as he could.
Hindi ko magawang magreklamo. Bahala na kung mamatay kami. Ni hindi ko na inabala ang kamay ko na punasan ang mga luha ko. I do not care at all. Basta nasasaktan ako. Period. Wala na akong maramdaman pa, ni takot kung mabanga man kami o ano.
"Gddamit woman! Who the fvck is that guy?!!" We're at the highway and the traffic lights hit red. Buong lakas nyang inihampas ang kamay nya sa steering wheel and glared at me. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at ibinaling na lang sa labas. Bakit kung makapag salita sya parang ako pa ang may kasalanan? Bakit kung magalit sya, para nya akong babalatan ng buhay? Lagi ba dapat ako ang may sala?!
BINABASA MO ANG
The Ruthless Assassin
General FictionHe wants vengeance. Gagalugarin nya ang buong mundo mahanap lang ang pumatay sa kapatid nya. He'll do anything to get even. Gamitin man nya ang babaeng mahal nya. He's a heartless, Ruthless Assassin. He is Chans Maniago.