Bullet 14

9.1K 247 9
                                    

***

(Onyx)

Hold your tears. Please, ayoko na nun. I just wanted to move on noon pa man. Pero bakit hindi ako pagbigyan?

Walang tigil sa pag-iyak ang batang si Onyx habang tumatakbo at naghahanap ng pagtataguan. Napanaginipan na naman nya ang pangyayareng iyon. Pangyayareng kahit anong pilit nyang takasan, pilit at pilit pa rin syang binabagabag.

Sa musmos nyang gulang, hindi na nya nararanasan pa ang makapaglaro at magsaya bilang isang bata. Ipinagtatabuyan sya ng mga kalaro at kung minsa'y pinagbababato pa kasabay pa nun ang pagtawag sa kanyang baliw.

Kadalasan, sa kalagitnaan ng gabi, sa karurukan ng kanyang pagtulog, bigla na lamang maaalimpungatan ang bata at magsisisigaw, at kung minsan pa'y sinusubukang kitilin ang sariling buhay. At kinaumagahan, natatagpuan na lamang sya ng kanyang mga magulang, sa ilalim ng kama, tulala at walang namumutawing salita sa bibig.

Dumaan man sya ng paulit ulit sa counseling, walang nagbabago-- kapag ipinipikit nya ang kanyang mga mata, pares rin ng mata ang sumasalubong sa kanya. Pinakamagagaling man na doktor at psychiatrists, mula Amerika, Europa at kung saang saamg bansa pa ang tumingin sa kanya, they always fail. Kusang sinusukuan ng mga ito ang kanyang kaso. Like her parents almost did. At yun ang nakapagpadagdag sa takot nya. Ang maiwan ng sarili nyang mga magulang.

Sa mura nyang isip ay naitatanong nya kung bakit kailangang sya ang pahirapan sa kasalanang hindi nya naman ginawa. Bakit nya kailangang pagbayaran ang kasalanang ang mga magulang nya ang gumawa? Bakit kailangang sya ang magsakripisyo?

The Ruthless AssassinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon